CHAPTER 35
Kakatapos ko lang maligo nang magpasya akong pumunta sa tabing dagat. Tulog na sina Tita Amelia at Tito Lui dahil alas nwebe na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog dahil kagigising ko lang kanina at marami pa akong nakain.
Bigla akong natigilan ng makarating ako sa dalampasigan. Yung amoy ng dagat, ingay ng alon at simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko ay parang pamilyar sa aking pakiramdam. Ang mga ala ala ko noon sa Isla Fuego ay bumabalik sa isipan ko, okupado nya pa rin ang isip ko kahit saan ako magpunta.
Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lakas ng ihip ng hangin na tumatama sa aking balat. Tumingala ako at nakangiting pinagmasdan ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa magandang natatanaw ko.
May mga bagay talaga na gusto natin pero kailangan nating bitawan. May mga tao na nagpapasaya sa atin pero kailangan nating iwasan. May desisyon na kailangang gawin kahit na napipilitan at may pagkakataon na ginawa nga natin ang tama pero tayo pa rin ang nahihirapan. Kung sino pa yung rason kung bakit tayo sumaya, sya rin ang rason kung bakit tayo nasasaktan ng sobra.
Hindi ko namalayang sunod sunod na pala ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Hinayaan ko lang na lumandas iyon sa pisngi ko habang nakatingala pa rin sa langit at kinakausap ang mga bituin na nagkikislapan na animo'y sumangsang ayon sa aking mga sinasabi.
Alam mo ba kung bakit ako nasasaktan ng sobra? Dahil inakala kong mahal nya ako kahit hindi naman pala. Galit ako sa sarili ko dahil patuloy pa rin akong nagmamahal sa taong nagbibigay ng kirot sa aking dibdid. "saad ko at tuluyan ng napahikbi".
Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa nakabukas na bintana. Dahan dahan akong bumangon at hinanap ng mga mata ko sina Tita Amelia at Tito Lui pero hindi ko sila makita.
Dumiretsyo ako sa kusina at nakita kong may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Wala akong ganang kumain kaya nagpasya akong magtimpla na lang ng kape.
Tanghali na ng makauwi si Tita Amelia pero hindi nya kasama si Tito Lui.
Saan po kayo galing Tita, nasaan po si Tito Lui? "takang tanong ko".
May mahalagang lakad ang Tito Lui mo, alam mo na bilang kapitan dito marami syang kailangan gawin. Ako naman ay bumisita sa aking kumare dahil kakauwi lang ng anak nya galing ibang bansa. Mamayang gabi ay may gaganaping salo salo sa kanila at inimbita ako ng aking kumare, gusto mo bang sumama iha? "nakangiting saad ni Tita Amelia".
Titignan ko po Tita. "saad ko".
Sumama kana iha para hindi ka naman mainip dito sa bahay. "ani Tita".
Dumating nga ang gabi at nakumbinsi ako ni Tita Amelia na sumama sa kanya, wala naman akong ibang gagawin kaya pumayag na lang ako.
Simpleng dilaw at puff sleeve na bestida lang aking suot na may tie sa harapan, pinusod ko ang aking buhok gamit ang scarf at naglagay lang ng kaunting pulbo at lipgloss sa labi.
Napakaganda mo talaga iha, hindi talaga maipagkakailang sa akin ka nagmana. "natutuwang saad ni Tita Amelia".
Ako naman ay natawa sa sinabing iyon ni Tita Amelia.
Nang makababa kami sa trickle na sinakyan namin ni Tita Amelia ay agad akong inakay ni Tita sa loob. May kaya sa buhay ang kumare na tinutukoy ni Tita Amelia base sa aking mga nakikita.
Mare! Salamat naman at hindi mo ako binigo, akala ko hindi ka na makakapunta. "saad ng matanda at niyakap si Tita Amelia".
Kung pagmamasdan mo ang matanda ay kahit may edad na ito mukha pa ring itong bata dahil sa kanyang postura idagdag mo pa ang maganda nitong suot at nagkikislapan nyang alahas sa katawan.
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...