CHAPTER 4

50 1 0
                                    

CHAPTER 4




Maaga akong nagising dahil napanaginipan ko si sir Adrian jusko po. Magdamag ko kasing inisip ang mga sinabi nya sakin kagabi.

Imposible namang magpapakasal sya sakin, walang wala ako kumpara sa mga babaeng nalilink sakanya. Baliw ba sya? Hindi nya ba alam na kapag naikasal sya matatali na sya at hindi na sya pwedeng magkaroon ng ibang babae.

Isa pa hindi ako basta basta nagpapakasal sa taong hindi naman ako mahal. Natawa ako, kahit papano nakalimutan ko saglit si Justin.

Bumangon ako at dumiretsyo sa banyo para maligo, balak kong mag gogrocery ngayon dahil wala na akong stock na pagkain.

Paglabas ko ng aparment biglang nag beep ang phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagtxt.

Si Janice.

"Sophia pumasok ka na sa trabaho. Si sir Adrian galit na galit na naman, nasa sa loob sya ng opisina nya. Natatakot ang lahat ng empleyado kapag nagbibigay sya ng utos, sabi ko na sayo eh wala na talaga syang mahahanap na katulad mo".

Bigla akong naawa kay sir Adrian. Sinong magpreprepare ng mga damit nya kapag may meeting, maglilinis ng condo nya, magsasabi kung anong oras ang meeting nya, magluluto ng pagkain nya?

Hays

Bakit ko pa ba sya iniisip? Mayaman syang tao, marami syang pwedeng i-hire para sa mga yan. Biglang nagflashback sa isip ko ang palagi nyang sinabi.

"I DON'T TRUST OTHER PEOPLE ANYMORE".

Nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi nya.
Bakit ko ba kasi sya iniisip bahala na sya sa buhay nya. Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko, kinabahan ako akala ko si sir Adrian ang tumatawag si Janice lang pala.

Hello Janice?

Nagtaka ako, nang mangiyak ngiyak si Janice sa kabilang linya.

Janice, bakit anong nangyari? 'kinakabahan kong tanong'.

Pumunta kana dito ngayon sa kompanya please Sophia! "umiiyak si Janice kaya kinabahan na ako".

Nandito ako ngayon sa office ni sir Adrian. Hindi sya makahinga, ang dami nyang pantal, tatawag na sana ako ng ambulansya pero sabi nya ikaw daw ang tawagan ko! Pumunta ka na dito! "nanginginig ang boses na saad ni Janice sa kabilang linya".

Ang baliw na yan!

Pumunta ka sa drawer malapit sa sofa, hanapin mo yung box na may lamang Epinephrine Injectors bilisan mo! 'sigaw ko kay Janice'.

Walang box dito Sophia! Ano ba yang pinapahanap mo pumunta ka na lang dito, mukhang mawawalan na sya ng hininga oh! Ayaw nya magpatawag ng ambulansya ikaw daw ang kailangan nya! "ani Janice".

Anong wala? Dyan ko nilalagay ang gamot nya paanong wala? kinakabahan na rin ako dahil kapag lumala ang allergy nya 'Anaphylaxis' na ang bagsak nyan, seryosong allergic reaction na yan, sino ba kasing tangang kakain ng pagkaing bawal sakanya?

Nanginginig akong kinuha ang extra Epinephrine sa kwarto ko, mayroon akong ganito sa bahay incase of emergency para sakanya. Dahil minsan na rin akong nataranta nung umatake ang allergy nya at hindi nya ako kasama, wala akong dalang gamot kaya dumaan pa ako sa drugstore para bumili ng ganon, napakahasle!

Dali dali akong lumabas at pumara ng taxi, kinanakabahan akong nagtungo sa kompanya ng mga Zabala.

Pagdating ko sa kompanya, malalaki ang hakbang kong tinungo ang office ni sir Adrian .

Nagtaka sila nang pumasok ako sa office ni sir Adrian at padabog na isinara at nilock ang pinto. Ako lang kasi ang may alam na allergic sya sa peanut, kahit anong pagkain basta may halong peanut. Bilang sekretarya nya, tinuruan ako ng doctor nya kung paano gumamit ng Epinephrine injectors.

Agad ko syang nilapitan,nakakahabag ang itsura nya, hawak hawak nya ang dibdib nya dahil nahihirapan na syang huminga, duma dami na rin ang pantal nya sa katawan.

Agad kong kinuha ang epinephrine auto-injector mula sa package na dala dala ko at tinanggal ang blue safty cap at dali dali ko yung itinurok sa legs nya ng walang pag aalinlangan.

My god! "bulong ko".

Unti unti syang kumalma pero yung mga pantal nya sobrang dami ''masama ko syang tinignan at nakangiti pa syang tumingin sakin"

Lumapit ako kay Janice, kinakabahan pa rin sya. 'bumili ka ng anti-hestamine sa drugstore, wag na wag mong sasabihin sa iba ang nangyari. "saad ko".

Kompleto naman kasi yung mga gamot nya, paanong nawala?

Lumapit naman ako sa baliw na nakahiga sa sofa, umupo ako sa tabi nya, napansin ko ang isang slice ng chocolate cake sa table nya. Tumayo ako at kinuha iyon.

Kumain ka ng cake na may almond? Alam nyo sa sarili nyo na bawal ang peanut sainyo, bakit nyo kinain? Litsen to me Mr. Zabala, hindi mo na ako empleyado ngayon kaya hindi mo na ako matatawagan kung kailan mo gusto! "galit na galit kong saad sakanya".

Nanghihina syang sumagot, pinilit nya pang bumangon para umupo.

See? Paano na lang kung hindi ka dumating? I may be dead. I can see in your face that you are worried Miss Alegra. 'nakangisi nyang saad'.

Tumayo sya at naglakad palapit sakin. Inilapit nya ang mukha nya sakin, nagulat kami pareho ng biglang bumukas ang pinto, agad ko syang tinulak.

Ah Sophia, eto na yung anti-hestamine. 'saad ni Janice lumapit sya sakin at inabot ang gamot'.

Thankyou,you can leave. "seryosong sagot ni sir Adrian kay Janice".

Agad namang umalis si Janice. Tinitigan ko sya ng masama. Nag aalala sakanya yung tao tapos itataboy nya.

Kumaha ako ng tubig sa kanyang mini kicthen at binigay sakanya kasama ang gamot nya para maagapan ang sintomas ng allergy nya.

Dadalhin kita sa hospital, aalis na rin ako pagkatapos. 'saad ko'

Tinitigan nya ako ng masama.

Sinong matino ang isip ang gagawa ng ganon kakumpilado? Nababaliw kana talaga Mr. Zabala. "saad ko".

Tinawagan ko ang bodyguard ni sir Adrian para umakyat dito at madala na agad sya sa hospital.

Nagrereklamo pa sya nung dumating ang bodyguard nya pero hinayaan ko na lang iyon. Aalis na sana ako ng lapitan ako ni Janice.

Sophia, galit ba sakin si sir Adrian? Hindi ko naman kasi alam na allergic pala sya sa almond. Inutusan nya kasi akong bumili kanina. "nag aalalang tanong ni Janice".

Hindi Janice, wag ka na lang bibili ng pagkain na may halong peanut. Kahit utusan ka nyang bumili wag kang bibili. Wag na wag mong sasabihin sa iba na may allergy sya dahil magagalit yun.'saad ko'.

Oo Sophia. "kinakabahang saad ni Janice".

Wala ka na ba talagang balak na bumalik sa trabaho? Kawawa naman kami dito lagi nyang pinag iinitan ng ulo, pag isipan mo munang mabuti Sophia. "ani Janice".

Sigurado na ako sa desisyon ko Janice. Panahon na siguro para isipin ko naman ang sarili ko. "saad ko".

May pa party pa naman lahat ng empleyado mamayang gabi, sayang wala ka. "malungkot na saad ni Sophia".

Sumama ka na, pa goodbye party mo na rin yun kung makakapunta ka. Siguradong matutuwa silang lahat.

Sorry Janice wala akong time para magpakasaya ngayon eh. "matamlay kong saad sa kanya".

Nagpaalam na ako ng maayos jay Janice at sumakay na ng taxi pauwi.

Pagdating ko sa apartment, nagulat ako sa aking nakita. Nakatayo si Justin sa labas ng pinto ng aking apartment. Bigla akong nanginig sa galit, anong ginagawa nya dito? Ang lakas ng loob nyang magpakita pa sakin.

Mula sa pagkakayuko, umangat sya ng tingin sakin at nagtagpo ang aming mga mata. " bakas sakanyang mukha ang tuwa ng makita nya ako".

Sophia.. "bulong nya".

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon