CHAPTER 13
Inaantok ako habang nagtitipa sa harap ng computer,hindi kasi ako nakatulog kagabi. Dahil sa sobrang antok ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa desk ko.
Nagising lang ako dahil sa malakas na tili ni Amy.
Sophia! invited daw lahat ng mga empleyado sa party ng mga Zabala mamayang gabi!'ani Amy'.
Nakakapanibago yun, dahil hindi naman sila nag iimbinta ng mga empleyado kapag may gaganapin silang okasyon.
Pwede naman sigurong hindi pumunta diba? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. 'pagsisinungaling ko'.
Sayang naman ang pagkakataon kung hindi ka makakapunta Sophia. 'ani Mark'.
Oo nga naman ngayon lang tayo makaka attend ng party nila aabsent ka pa? 'ani Rui '.
Nag iinarte lang yan hindi pwedeng hindi tayo pupunta. 'ani Amy '
Ano deal sunduin ko na lang yung mga walang sasakyan?.'ani Mark'.
Okay no problem! 'pumalakpak si Amy'.
Simpleng white dress ang pinili kong isuot. Puff sleeve sya na lace at square colar na A-line shape hanggang tuhod.
Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok hanggang bewang
Pagdating namin sa mansyon ng mga Zabala maghang mangha sina Amy ng makababa kami sa sasakyan ni Mark.
Grabe ang laki naman ng bahay nila. Kapag pumasok tayo dyan baka maligaw tayo. 'ani Amy'.
Natawa ako sa reaksyon ni Amy, ganito rin kasi ang reaksyon ko nung una akong pumunta dito.
Nasa gilid lang ako ng mga halamanan ngayon nasa garden kasi ng mga Zabala ang venue ng party, nahihiya akong makihalubilo sa mga bisita na siguradong mga mayayaman din tulad nila, idagdag mo pa ang mga flash ng camerang nakatutok sakanila.
Lumapit saakin si Amy, nakaupo na kasi silang tatlo sa lamesa.
Anong ginagawa mo dyan Sophia? Para kang tanga baka mapagkamalan ka nilang intruder dyan. 'saad ni Amy at hinila na ako sa lamesang inuokopa nila'.
Ang sarap naman ng mga pagkain. 'ani Amy at kumuha ng dalawang baso ng wine sa waiter na naglalakad sa harap namin'.
Pass ako sa wine Amy. 'saad ko'.
Ano ka ba Sophia ang kj mo naman, ngayon lang to kaya lubos lubosin mo na. Tyaka wine naman to eh hindi ka malalasing. 'ani Amy at ibinigay sakin ang isang baso ng wine'.
Kung imbitado lahat ng mga empleyado bakit hindi ko makita si Janice. Hindi kaya sya pumunta? Akala ko pa naman makikita ko sya ngayon. Nandito lahat ng mga sikat na businessman.
Nahagip ng paningin ko ang mag asawang Zabala, abala silang nakikipag usap sa mga bisita.
Natigalan ang lahat ng may magsalita sa harapan.
Ladies ang gentlemen. A very good evening to all of you. I'm glad I have your attention now. I am Mr.Ronald Sabandeja and I had been given the task to be your emcee for tonight. Welcome to Adrian and Agatha's Engagement party.
Nagulat ang lahat ng nandon, lalong lalo na ako. Adrian and Agatha's Engagement party?
In behalf of Adrian and Agatha's parents, I would like to express their heartful gratitude for your presence at this occasion. Anyway to kick off the program, let us now invite Mr. Adrian Sage Zabala and Miss Agatha Dela Merced. 'pagpapatuloy ng emcee'.
Ng matapos ang emcee sa pagsasalita nagpalakpakan silang lahat,nakatuon na ngayon ang atensyon nila kina Agatha at sir Adrian sa harap. Napanganga ako sa nakita, ang babaeng Agatha na kasama ni Justin sa condo ng gabing makita ko sila at ang Agatha na nasa harapan ay iisa.
Kung ganon, sya ang babaeng pumasok sa office ni sir Adrian ng magpunta ako sa office nya. Kaya pala familiar ang boses ng babae.
Nilagok ko ang wine sa harapan ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako ng ganito.
Ng magsalita silang dalawa sa harapan, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nangilid ang luha ko hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.
Domoble ang kaba ko ng magtama ang mata naming dalawa, nagsasalita sya pero nasa akin ang tingin nya. Walang emosyon, kunot na noo ang mababakas mo sakanyang mukha.
Ako ang bumitaw sa tinginan naming dalawa.
Bakit ba sya nakatingin sakin?
Hindi ko na marinig ang sinasabi ni Agatha ng ipasa ni sir Adrian ang mic sakanya. Dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nabitawan ko pa ang basong hawak ko dahil sa panginginig ko, nagulat si Amy sa tabi ko.
Ano ba yan Sophia, nakarami ka na ata ng wine ah. 'saad ni Amy'.
Pinigilan nya ang kamay ko dahil hinawakan ko ang basong nabasag dahilan para masugatan ang kamay ko'.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa kamay ko. Ano bang nangyayari sakin?.
Washroom lang ako. 'saad ko kay Amy'
Samahan na kita.' ani Amy'.
Wag na ako na lang. 'saad ko hindi ko na pinansin ang sinabi ni Amy'.
Pagdating ko sa washroom, hinugasan ko ang dumudugong kamay ko sa lababo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Panira ka namang sugat ka eh, nakakainis ka! Nakakainis ka!Nakakainis ka!
Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan iyon.
Nang mahimasmasan ako, lumabas na ako ng washroom. Nagulat ako ng makita ko si sir Adrian sa hallway, nakapamulsa ang dalawa nyang kamay. Nakatitig sya sa kamay ko na ngayon ay konti na lang ang dugo. Kinabahan ako ng maglakad sya palapit sa akin. Ayan na naman ang puso ko bumibilis na naman ang tibok nito.
Hinawakan nya ang kamay ko, dahan dahan nyang inilagay ang band aid sa sugat ko. Hindi ko na inalam kung saan nya nakuha ang band aid dahil hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Ano ba kasing ginagawa nya dito?sinundan ba nya ako o nagkataon lang na napadaan sya dito? Iniwan ba nya si Agatha sa harap ng maraming tao? 'nagtatakang tanong ko sa aking isip'.
Tinititigan nya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya, baka napansin nya ang namumula kong mata dahil sa kakaiyak kanina kaya yumuko ako.
Napatingala ako ng narinig ko syang nagsalita.
Just forget about everything I said before.'saad nya at tinalikuran ako'
Ang tinutukoy nya siguro ay ang sinabi nya sakin noon sa probinsya.
Bakit ko naman kakalimutan iyon Mr. Zabala? Ni minsan hindi naman sumagi sa isip ko lahat ng mga sinabi mo. 'matapang kong saad at dire diretsyo ng naglakad paalis don'.
Bawat hakbang ko sya namang pagtulo ng mga luha ko.
Una nila akong hinatid ng makauwi kami, lalabas na sana ako sa sasakyan ni Mark ng pigilan ako ni Amy.
Teka lang Sophia, kanina ko pa napapansin kamay mo ang may sugat pero yang mata mo ang namamaga?'ani Amy'.
Inaantok na kasi ako, bahala na kayong mag explain sa boss natin bukas kung wala ako. Hindi ako papasok kailangan ko ng maraming tulog. 'saad ko at lumabas na ng sasakyan'.
Bago ako pumasok sa apartment tinanggal ko ang band aid sa kamay ko at itinapon sa basurahan.
Mas masakit pa itong nararamdaman ko ngayon kesa sa sakit na naramdaman ko noon kay Justin. Hindi ko naman sineryoso lahat ng mga sinabi nya sakin pero bakit ako nasasaktan ng ganito.
Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung anong dahilan.
Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit sa tuwing nakikita ko si sir Adrian mas lalo akong nasasaktan.
Bakit?
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...