CHAPTER 23
Nagising ako dahil sa sunod sunod na tawag sa aking telepono. Inaantok akong bumangon para sagutin iyon.
H-hello?
Sophia anak. "saad ni nanay sa kabilang linya".
Nabuhayan ako ng marinig ko ang boses ni nanay, bumangon ako mula sa pagkakahiga.
Nay, buti napatawag kayo? Kamusta na kayo dyan? Si tatay ayos lang po ba sya dyan?
Ayos lang kami dito anak, miss ka na namin umuwi kana. "malungkot na saad ni nanay".
Hindi pa ako pwedeng umuwi nay, kailangan ko pang bayaran ang mga utang natin. "saad ko".
Ako na ang bahala sa natitirang utang natin anak, umuwi kana ako na ang bahala sa lahat. "ani nanay".
Saan kayo kukuha ng pambayad natin? Wag nyo ng pahirapan ang sarili nyo. Wag po kayong mag alala kapag natapos ko ang bayaran natin uuwi agad ako nay.
Marami pa kaming napag usapan ni nanay bago kami nagpaalam sa isat isa. Nanibago ako sa mga sinabi ni nanay pero hindi ko na lang iyon pinansin at baka nag aalala lang sya sakin.
Late na akong pumasok sa trabaho, sinadya ko talaga iyon para hindi ko maabutan si sir Adrian. Hindi pa ako nakakaupo sa desk ko ng lapitan ako ni Amy.
Sophia, alam mo na ba yung balita na kumakalat ngayon sa mga Zabala? "ani Amy".
Andyan na naman sya sa pagiging tsismosa nya, bilib na talaga ako sa babaeng ito.
Kung tungkol sa mga Zabala, hindi ako interesado Amy. "saad ko habang umuupo sa desk ko".
Tungkol kina sir Adrian at kay bruhang Agatha, buti nga sa babaeng yun. "masayang saad ni Amy".
Bakit anong meron? "takang tanong ko".
Nagback out na raw si sir Adrian sa kasal nila ni Agatha. Natutuwa nga ako eh, hindi naman sila bagay kaya mabuti lang na iyon ang ginawa ni sir Adrian sakanya. "ani Amy".
Bakit iyon ginawa ni sir Adrian? Tinapos ko na ang ugnayan naming dalawa kaya bakit kailangan nya pang gawin ito? "nagtatakang tanong ko sa aking sarili".
Dumating ang lunchbreak, iyon pa rin ang nasa isipan ko.
Naisipan kong tawagan si Janice. Naka dalawang ring iyon bago nya sinagot.
Napatawag ka? Akala ko nakalimot ka na, may itatanong ka no? "natatawang saad ni Janice sa kabilang linya".
Sorry Janice, kagagaling ko lang kasi sa business trip kaya medyo busy. Kamusta kana namiss kita. "masayang saad ko".
Ayos lang ako, ikaw? Gala naman tayo oh. Mamayang gabi sa lyrica libre ko? "ani Janice".
Matagal na ring hindi kami nagkita ni Janice, kaya pumayag na lang ako.
I'm wearing puff sleeve top na tinernohan ko lang ng jeans at black na sandal, lumabas na ako ng apartment dahil naghihintay na si Janice sakin sa labas.
How to be you po? Sobrang ganda talaga ng babaeng ito! "saad ni Janice at niyakap ako ng mahigpit".
Maging single lang forever! "natatawang saad ko".
Nevermind! Di ko kaya yan, tara na! "saad nya at nauna ng pumasok sa kotse".
Pagdating namin sa bar nagulat ako ng may sumalubong sa amin ni Janice.
Hi babe! " saad ng lalaki kay Janice at hinalikan ito sa pisngi".
Sabi nya kaming dalawa lang, may kasama pala ang gaga di man lang nya ako ininform?
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomanceIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...