CHAPTER 27
Marami pa kaming na pagkwentuhan ng magpasya ng umuwi sina Amy at Janice. Niyakap ko na lang silang dalawa ng mahigpit bago umalis.
Naiwan na naman akong mag isa at malalim ang iniisip. Hindi ako mapanatag, kumikirot ang puso ko sa tuwing pumapasok sya sa isip ko.
Maaga akong pumasok sa trabaho kinabukasan, hindi ko na kailangang magpahinga pa ng maraming araw dahil mabuti naman na ngayon ang aking pakiramdam.
Kinakamusta ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Pagka upo ko sa desk ko napansin kong wala pa si Amy sa kanyang upuan. Maaga pa naman kaya maya maya pa siguro dariting yun.
Huminga ako ng malalim, nakatuon ang atensyon ko sa pinto ng opisina ni sir Adrian. Marami akong gustong tanungin, gusto ko ng kasagutan sa lahat ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng opisina ni sir Adrian at nagulat ako sa taong lumabas mula doon. Hindi ako pwedeng magkamali, sya ang lalaking nagmamasid sa akin noon sa grocery store. Malamang sya rin ang lalaking nagmamasid masid sakin kahit saan ako magpunta.
Hindi kaya inutusan na naman nya ito para manmanan ako tulad ng ginawa nya sa akin noon sa probinsya?
Tumayo ako mula sa pagkaka upo at malalaki ang hakbang na pumasok sa kanyang opisina. Nagulat sya ng makita nya ako.
Nagtataka nya akong tinignan. Nagulat siguro sya na nandito ako imbes na nasa bahay at nagpapahinga.
You know my policy. No one can enter my office without my permission. "malamig nyang saad".
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Nakatitig ako sa mukha nya at inisa isa ang bawat sulok nito, mula sa kanyang makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at sa kanyang labi.
Naala ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Ang halik nyang nakakabaliw sa pakiramdam.
Just go home and rest. "pagpapatuloy nya".
Hindi ko pinansin iyon kundi nag ipon ako ng lakas ng loob para kausapin sya.
Gusto kong marinig mula sa bibig mo kung totoong nagpakasal na kayo ni Agatha sa ibang bansa. Hindi ko ito tinatanong bilang secretary mo, tinatanong ko ito para sa sarili ko. "diretsyo kong tanong sa harapan nya".
Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata. Ngayon ko lang sya kakausapin ng pormal.
Domoble yung kaba ko nung tumayo sya mula sa pag kakaupo at naglakad palapit sakin.
Why do you need to know,if it's true or not? "kunot noo nyang saad habang nakatitig sa mga mata ko".
Para maintindihan ko kung bakit mo ginagawa sakin ito? Para hindi na ako mabaliw kaka isip kung mahal mo pa ba ako o hindi na? Dahil sariwa pa sa isip ko lahat ng mga sinabi mo noon sa akin sa Isla fuego. Kung nagpakasal nga kayo ni Agatha, kusa na akong lalayo. "nangingilid ang luha kong sagot sakanya".
I already ended my relationship with her since the day you said you love me. But you rejected me over and over again Miss Alegra, you hurt me even more, don't you know that? "saad nya".
Nagulat ako sa tinuran nya. Kung ganon hindi nya kasama si Agatha sa loob ng limang bwan na pamamalagi nya sa ibang bansa? Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib sa mga sinabi nya.
I hired someone to report everything that is happening to you when I was in New york. But damn! you're so happy with Sullivan every time I see your pictures together, and I hate you for that."galit na galit nyang saad".
Laglag ang panga ko sa mga sinabi nya. Kung ganon si Justin ang dahilan kaya malamig syang makitungo sakin ngayon?
Hindi mo ba alam na gabi gabi akong umiiyak dahil sayo? Nakikita mo lang akong masaya kapag may kasamang iba pero sa tuwing mag isa na lang ako okupado mo na naman ang isipan ko. Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil bumabase ka lang sa mga nakikita mo! Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing iniisip ko na nagpakasal na kayong dalawa ni Agatha. Hndi mo alam ang pinagdaanan ko simula nung nawala ka. Nagkakamali ka ng iniisip sa aming dalawa dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya. "umiiyak kong saad".
BINABASA MO ANG
THE HEARTLESS BILLIONAIRE
RomansaIlang taon naging sekretarya si Sophia sa isang malaking kompanya. Pero higit pa sa sekretarya ang ginagampanan nya. Sa loob man o sa labas ng kompanya hindi sya nawawalan ng trabaho,tinitiis nya lahat ng hirap at pagod para sakanyang pamilya. Nguni...