Chapter 9

6 0 0
                                    

Nasa lobby na ako ng office namin on one of the visitor's chairs na nakaharap sa pinto para kitang kita ko ang pagdating ni Chuck.

Nagfe-facebook ako stalking my old officemates habang inaantay si Chuck, walang judgement guys talagang curious lang ako sa mga buhay buhay nila.

After kong makita na halos wala naman nabago at walang bagong chika sa former company ko, tiningnan ko naman ang profile ko at tiningnan kung ano kayang nakikita ng ibang tao kapag nakita nila ang profile ko? Halos puro pictures na namin ni Chuck ang newsfeed ko bukod sa mga pasulpot sulpot na memes. Mahilig ako magpost ng memes eh lalo na yung sa aso, nakakatawa kaya.

Pero si Chuck alam ko in-unfollow na niya ako dahil nagfflood daw ako ng feed, bakit ba ha? Hindi ba pwede maglabas ng loob sa social media? Minsan talaga nagkaka-moments ako nang ganun.

Kung nakikita niya lang ang mga pino-post ko ngayon magiging proud siya sa akin, dahil I don't air our dirty laundry doon. I just post motivational messages on how to support your partner.

Sa tagal kong nagb-browse sa Facebook hindi ko napansin na halos forty minutes na pala akong nag-aantay kay Chuck dito.

I look at my watch I see it's almost 7pm and say, "Aba. Ang tagal dumating ah."

I speed dial Chuck and wait.

And wait.

But he doesn't pick up.

I look at my messages and noon ko lang rin napansin na yung message ko for him to pick me up ng mga lunch time eh hindi niya pala sinagot. But it's Tuesday and it's date night.

Sh*t.

Medyo nagpapanic na ako dahil it's not like him to ditch me like this so siguro may nangyari na hindi ko alam.

I start a video call sa viber nya dahil sigurado doon online siya because of his business but he still doesn't pick up.

"Naku naman! Ano na kaya nangyari doon!"

Pumunta ako sa front desk officer namin at nag-dial ng number ni Chuck sa office, no answer rin.

"Lintek na receptionist 'yan, wala na rin sumasagot!"

Nag-sscroll ako sa cellphone ko with matching padyak padyak pa sa sahig na parang bata when I hear Sir Tristan's voice, "Andi?"

Napalingon ako at nasa loob siya ng elevator habang nakaharang ang kamay sa pinto para hindi ito sumara.

"What are you still doing here?" tanong niya.

Medyo naiiyak na ako at siguro nakita niya ang panic sa mukha ko so he steps out of the elevator and walks towards me.

"Hey, what's wrong?"

"Eh kasi Sir si Chuck kanina ko pa siya inaantay dito hindi siya sumasagot, hindi ko rin siya nako-contact sa phone na eh hindi ko na alam ang gagawin, baka kung napaano na yun. Hindi niya kasi ugali ang hindi sumagot sa mga texts at tawag ko..."

Bigla kong naisip na hindi naman yun sobrang true kasi recently medyo hindi na siya nakakasagot sa mga tawag kong pang-lambing lang, sobrang busy niya kasi sa trabaho. Pero I'm sure this is not one of those times, may gut feeling ka lang ganun.

Sir Tristan puts his hands on my shoulder, para siguro tigilan ko muna ang pagsasalita – hello, nagtanong ka kaya.

"It's going to be okay, Andi. Tara, I'll give you a ride to his office, baka nandun lang yun. Busy lang siguro."

Napa-oo lang ako and he guides me to the elevator dahil nasa basement ang kotse niya.

Kinakagat ko ang labi ko habang nag-ddrive papuntang office ni Chuck si Sir, medyo distracted ako pero hindi ko napigilang mapansin na kakaiba ang trip sa kotse nitong boss ko. He's driving an old car – feeling ko kasi sportscar kind of guy siya.

I look outside at nakitang medyo heavy ang traffic.

"Shit naman oh."

Napahawak ako sa labi ko at napalingon kay Sir, hindi naman siya nagalit, medyo napangiti pa nga eh.

Napa-"Sorry Sir" na lang ako.

Umiling lang siya, "No need to apologize, you're worried about Chuck so you've got a right to be pissed at Manila traffic."

He continues, "It is quite horrible."

Para lang hindi ko muna maisip ang kung ano mang nangyari kay Chuck or kung bakit hindi niya nasasagot ang mga tawag ko, nakipagkwentuhan na lang ako kay Sir Tristan.

"Ang ganda ng kotse niyo Sir ah, ano pong brand?"

Hinaplos niya ang dashboard ng kotse niya, "It's a fully restored 1978 Toyota Corolla SR."

Biruin ko sana na dapat yata namin magmano dito sa kotse kasi mas matanda pa ito sa amin pero yung pride sa mukha ni Sir Tristan kakaiba so I think this car means a lot more to him so I don't want to offend.

Napatango lang ako, "Ganda niya ha, tsaka parang maganda ang takbo Sir, hindi mo aakalaing 1978 pa siya pinanganak."

Natawa si Sir Tristan, "Yeah, she's old but she's a beauty."

I roll my eyes, "Sus, kapag kotse talaga dapat babae ano?"

He laughs, "Of course, if you ask women they'd have male names to their cars."

Inisip ko kung tama ba siya, well wala naman akong kotse so hindi ko alam, ano kaya ipapangalan ko kung may kotse ako? Bruno? Gorgonyo? Prokopyo?

Natawa ako at napalingon sa akin si Sir, "Want to share that thought?"

Tumigil ako sa pagtawa at umiling, "Wala sir. Kalokohan lang."

Nakita ko na malapit na kami sa office ni Chuck at trapik pa so tinggal ko na ang seatbelt ko, "Sir, maglalakad na lang po ako. Malapit na naman. Thank you Sir! Ingat po."

Hindi na siya nakasagot at tumakbo ako papunta sa opisina ni Chuck in high heels.

Dere-derecho ako sa lobby at kinawayan lang ang guard, hindi ko na naisip tanungin sa kanya kung nandito pa si Chuck kasi nagmamadali lang ako. Naisip ko na lang nung tumatakbo na ang elevator paakyat.

Tiningnan ko ang cellphone ko wala pa ring text or missed call.

"Shit naman eh. Saan ka na babe?"

Pagbukas ng pinto sa 10th floor biglang tumambad sa akin ang malakas ng tugtog at ang iba ibang kulay ng mga ilaw.

I walk out of the elevator and look around.

Nakangiti sa akin ang ibang ka-opisina ni Chuck at wala akong binati sa kanila. Hinahanap ko lang ang target ko, lingon lingon ako hangga't ma-spot ko siya sa bandang kanan, malapit sa office niya. May mga kausap na foreigner and when he sees me he freezes.

Dapat lang matakot kang gago ka.

Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon