Sino ba yang Carla na yan at anong tingin niyang ginagawa niya, ha?
Leche, una si Chuck ngayon naman si Sir Tristan, lahat Ate Girl agawin gano'n? Teka, bakit ba ako nagagalit?
"Bakit ka ba nagagalit?" in-echo ni Jem ang nasa utak ko.
I whine, "Bakit ba kasi siya dumating? Hindi ko pa siya nakikilala, I hate her already!"
Piningot ni Jem ang tenga ko, "Bakit ka nga nagagalit na gaga ka? Wala naman ginawa sa'yo yung girl ah."
Tumingin ako kay Jem para mag-protesta pero pinandilatan niya ako at sinabing, "Ano? Meron ba? Meron siyang ginawa sayo na dapat mong ikagalit?"
I hate na may sense ang sinasabi sa akin ni Jem. Naasar lang ako sa kanya, bakit?
Binatukan ako ni Cherrie, "'Yan tayo eh, maaalala mo lang kami kapag may problema ka!"
Niyapos ko si Cherrie, "Sorry na. Busy lang talaga sa trabaho kaya hindi ko kayo nadalaw ni Jem."
Iniiwas ni Cherrie ang katawan niya palayo sa akin, "Sus. Wala, sabihin mo nagka-lovelife ka lang nakalimutan mo na talaga ang mga kaibigan mo."
Kiniliti ko ang tagiliran ni Cherrie, "Eh, huwag ka nang magtampo, eto naman."
Parang inasinang bulate si Cherrie kakagalaw at tawa siya ng tawa, "Oo na, sige na. Baliw ka."
Binitiwan ko na siya at ngumiti, "Sorry talaga guys, promise gawin nating regular session ito. Para naman akong single sa sobrang busy ng boyfriend ko eh."
Hinataw ni Jem ang kamay niya sa lamesa, "Enough! Sagutin mo muna ang tanong ko, ano bang ginawa sa'yo nung babae para magalit ka?"
Para akong nakaamoy ng mabaho sa paglukot ng ilong ko, alam ko namang mali at wala naman talaga siyang ginagawang kasalanan sa akin pero naiinis ako eh. Feelings ko 'to kaya walang pakialamanan.
Tiningnan ko si Jem, "Hoy Jeremy, kung makapagsalita ka kala mo wala kang mga eksenang ganyan ah, kung makalait ka nga dati sa office kala mo kung sino."
Inirapan ko siya, "Galit sa kapwa..."
Natawa si Cherrie, "Kaya nga nandito tayo lahat eh, pareho tayong masasama ang ugali."
Humarap sa akin si Jem, "Oh eh anong gagawin mo? Alangan namang sugurin mo 'yong babae!"
Tumingin lang ako kay Jem, "May sinabi ba ako? Ha? May narinig kang ganun ang gagawin ko? Naiinis lang ako sa kanya pero hindi naman para sugurin siya, ano ako baliw?"
Kinuha ko ang pitcher ng Margarita at nilagyan ang baso ko, nakalahati na pala agad namin kaya pala parang tinatamaan na ako. Nilapag ko ng may gigil ang pitcher at tumingin kina Jem.
"Ewan ko lang talaga kung bakit pero parang sobrang na-iinsecure ako doon sa girl, I mean nakita n'yo naman 'yong picture niya, ano naman panlaban ko doon?"
Uminom muna si Cherrie at sumagot, "Bakit ba kasi kailangang may labanan ha? Hindi ba ikaw ang girlfriend? Siya assistant, so anong kailangan niyong paglabanan?"
Oo na nga eh, naiintindihan ko naman na wala dapat talaga pero 'yong nga ang feeling ko, ano ba?
Siyempre takot akong mabatukan so hindi ko 'yon sinabi, "Alam mo 'yong minsan may feeling ka na hindi mo maintindihan? 'Yong parang may mangyayari pero hindi mo mawari kung ano? Gano'n ang feeling ko, I have a bad feeling about that girl."
Nilapag ng medyo pagalit ni Jem ang baso niya sa table, "Ayan! Kapapanood mo ng mga TV series at movies kung ano ano nang iniisip mo, huwag mo akong sasabihan ng premonition at mga intu-intuition ha, jojombagin kita."
Sumagot si Cherrie, "Hoy in fairness bakla totoo 'yan, iba talaga ang intuition ng babae."
Umiling lang ang natawa si Jem, "Walang ganyan, 'di totoo 'yan, may nangyari at may nakita ang babae kaya 'yan nag-iisip ng kung ano ano, pero hindi 'yan parang espiritung may ibinubulong sa isang babae para magduda. Gawa gawa lang 'yang intuition na 'yan."
Kung hindi ko lang bestfriend itong si Jem itinakwil ko na 'to eh.
Sumabat ulet si Cherrie, "Ano ka, ganyan ang nanay ko, may isang araw gusto niyang pumunta sa mall pero hindi niya alam kung bakit, parang may humahatak daw sa kaniya doon. Ayun, nahuli niya ang tatay ko lumalabas ng sinehan iba ang kasama."
Nag-cross ng arms sa chest niya si Jem, "Ito tanong lang Che, 'yan ba'ng tatay mo ay nambabae na before mahuli ni nanay mo?"
Sumagot naman si Cherrie, "Oo. Bakit?"
Tinuro ni Jem si Che, "Ayan. 'Yan 'yong sinasabi ko, nangyari na before so 'yung 'humahatak' sa nanay mo, hindi 'yon galing sa espiritu or kung ano man, galing sa experience 'yan. May pagdududa na si Mudang mo kaya gano'n ang naging reaction niya. Simple as that, huwag n'yong gawing superpowers 'yan, utang na loob."
Kung sabagay may point doon si Jem, pero ano wala namang ginagawa sa akin si Chuck at 'yong Carla wala namang ibang ginagawa pero parang feeling ko talaga hindi siya okay, something's fishy talaga.
Naramdaman ko na lang ang daliri ni Jem sa centido ko diniinan niya at napalingon na ako sa kanya, "Kaya ikaw ha babaeng OA, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano ano kung wala naman dapat ipag-isip. Mabait naman ang jowa mo sa pagkakaalam namin, wala naman ginawa 'yon before para mag-isip ka ng ganyan kaya tigilan mo na, baka mapasama pa ang relasyon niyo kasi paranoid ka."
Kinagat ko ang labi ko at nagsabing, "Oo na. I get your point, hindi na ako makikielam doon sa girl kung wala siyang gagawin sa akin or kay Chuck or kay Sir Tristan, hindi ko siya papansinin or iisipin."
Kakatapos lang uminom ni Cherrie at medyo lumulunok pa nung nagsalita, "Teka, bakit ba pati si Sir Tristan mo eh hindi pwedeng salingin nung Carla na 'yon? Nagseselos ka ba dahil magde-date sila?"
Pinandilatan ko si Cherrie, "Wha- what? Ako? Bakit naman ako magseselos eh boss ko 'yon, ayaw ko lang na mapalapit siya doon sa babae kung bad news siya..."
Magsasalita na sana ulit si Jem pero sumingit ako, "At oo na, hindi ko siya kilala pero I still have a bad feeling about her, so concern lang ang mayroon ako kay Sir Tristan, nothing more."
Nagtinginan si Cherrie at Jem, having a silent conversation about me.
I still back quietly assessing if I gave the most honest answer I can give.
'Yon lang naman talaga 'yon, he's good to me so ayaw ko siyang masaktan. But I can't shake the fact na I couldn't ask him why he's going out with her. No'ng sinabi niya sa akin na lalabas sila I just froze, wrote it down and walked away.
He's my boss and kung gusto niyang i-date ang babaeng 'yon, that's his choice. Wala akong karapatang magtanong or makielam.
Know your place, Andi.
#
MsLucyYC 2022/02/09
BINABASA MO ANG
Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)
RomanceOlga Andrea starts a new life sa bago niyang office, at inihatid ng bago niyang jowa pero kasing 'extra' pa rin ng dati. Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya pero makikilala niya ang bago niyang boss, sasawsaw pa ang bagong assistant ng gwa...