Chapter 5

6 0 0
                                    

Hindi ko na namalayan na isang buwan na pala ako dito sa bago kong trabaho, time goes by without incident, ang mundo ko tuloy ang pag-ikot at wala naman akong nakikitang madidilim na ulap sa paligid.

Alam mo yung feeling mo sobrang normal lahat tapos ang tadhana parang bigla kang mapapagtripan at guguluhin ang buhay mo? 'Yon ang feeling ko ngayon, paranoid na siguro ako dahil sa dami ng pinagdaanan ko before.

I sigh while typing up the schedule of Sir Tristan.

I look down on my phone at wala pa ring text sa akin si Chuck, he's getting busier and busier lately and I kind of miss yung pagiging makulit niya at yung lagi lang siyang nandiyan when I need him.

His Company is getting more and more customers, since nakipag-tie up siya sa Company ni Sir Tristan, word spread and halos nag-triple ang negosyo niya in just one month.

I'm super proud and happy for him pero I can't help but miss spending time with him.

Napabuntonghininga ulit ako but I keep typing.

"Ang lalim no'n ah."

Napa-iktad ako sa upuan ko when I see Sir Tristan looking at me while leaning on my table. Seryoso? Ang lapit na niya hindi ko napansin?

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ako nang mabilis at natawa naman siya.

"Sorry, sobrang sarap mo kasi gulatin. I shouldn't have done that."

Pero kita kong nag-eenjoy naman siyang makita akong parang kinuryenteng pusa.

I fix my hair and sit up straight to look at him, "Yes Sir? Do you need anything?"

His smile fades at naupo siya sa guest chair ko, he sighs, slides down my chair na halos nakahiga na siya sa upuan resting the back of his neck on the back of the chair and looks up at the ceiling.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang postura pero hindi na ako nag-comment, siguro may pinagdadaanang mabigat.

At this angle kitang kita ko ang mala-arabo niyang lashes, nabwisit tuloy ako kase ako kailangan ko pa magpa-extend ng lashes, siya gifted.

Nung hindi siya nagsalita lumapit ako ng kaunti at bumulong, "Bad day, Sir?"

Pinikit niya ang mga mata niya, "Bad life."

Naku, mabigat 'yon ah. Hindi ko yata kayang solusyonan kung ang buhay niya na mismo ang problema. Pero paano naman magiging problema ang buhay mo kung swerte ka na sa pamilya, I mean pinanganak kang mayaman, gwapo, matalino, ano pa ba naman ang hihilingin mo?

But then I realize hindi lang naman yun ang nagpapaligaya sa tao. Siguro kailangan na nito ng jowa, ang gwapo gwapo wala manlang akong naibu-book sa schedule niya na date.

Kailangan ko muna makatulong sa kanya ngayon, so kinuha ko ang bag ko sa drawer ko at kinuha ko mini electric fan ko.

Itinapat ko ang braso ko sa harap ng mukha ni Sir Tristan at binuksan ang electric fan.

Namulat si Sir Tristan at tumingin sa akin, sa electric fan kong hawak at sa mukha ko.

"What are you doing?"

I smile at him, "Mukha kasing you're under a lot of stress, Sir. Eh naalala ko na ang lotion ko nga pala ngayon is Stress Relief – Eucalyptus and Spearmint. So pinapaamoy ko sa inyo Sir baka sakaling makatulong."

He laughs as in full on belly laugh at parang namula yata ako sa sobrang tawang-tawa siya sa sinabi ko. Tama naman ah, 'di ba stressed siya so I offered something para ma-relieve ang stress niya, binaba ko ang mini bentilador ko at nakatingin lang sa kanya habang naka-pout. Mukha ba akong tanga sa sinabi ko?

Nang mahimasmasan siya napatingin siya sa akin, "Sorry. I didn't mean to offend you, Andi. I just wasn't expecting you to say or do that."

Hindi pa rin ako ngumingiti kasi iniisip ko kung ano ba ang nakakatawa doon sa ginawa ko.

Huminga siya ng malalim then says, "Alright. Here."

Biglang sumulpot ang kamay niya at hinatak ang braso ko across the table at sininghot ang braso ko.

Wala akong nagawa kundi nakanganga habang pinapanood siyang amuyin yung braso ko. Nakapikit siya and yung lashes niya na naman parang gusto kong gupitin.

Dahan dahang bumukas ang mga mata niya at nakatingin sa akin, nakanganga pa rin yata ako hindi ako sure.

Binitiwan niya ang braso ko at dumiretso siya ng upo, nginitian niya ako at sinabing, "thanks Andi. I feel much better now."

Wala lang akong nasabi habang hawak ko ang braso ko sa ilalim ng lamesa. Ang weird ng feeling ha.

Biglang dumating si Dee with a pained look on her face. She didn't even notice na nandito sa pwesto ko si Sir Tristan – he never comes over to talk to me, usually nakatayo lang siya or he'll ask me to come to his office.

"Sir, pwede po kayong makausap saglit?"

Nalipat na ang attention ni Sir kay Dee, "Sure. Come to my office."

Magkasunod silang pumasok sa office ni Sir at isinara ni Dee ang pinto.

Bigla akong na-concious at inangat ko ang braso ko palapit sa ilong ko at sininghot. Napabuntonghininga ako at bumulong, "buti na lang mabango. Kakahiya kung pinaamoy ko tapos amoy bakal na pala ako."

Nagpatuloy lang ako sa pagta-type at after a few minutes lumabas na si Dee sa office ni Sir, tatanungin ko na sana siya kung anong pinagusapan nila pero bigla siyang pumunta sa table niya at nag-signal sa akin para lumapit sa kanya.

Dali-dali naman akong tumayo at lumapit kay Dee, "Ano meron Dee, may nangyari ba?"

Nakita ko ang worry sa mukha ni Dee and she says, "Naospital kasi ang mommy ko, she had a stroke. I need to go back home para bantayan siya."

"Oh no."

I put my hand on Dee's back para i-comfort siya, but she touches my hand, "Okay lang ako, Andi. I'm just worried. I need to turnover this to you quickly; you can still call me if you have questions."

"We're going to be fine, Dee. Pack up your stuff and go, your family needs you," sabi ni Sir pagkalabas niya ng office niya.

"I called up the driver to take you to your house and then to the airport."

Oo nga pala, nasa Cebu pala ang family ni Dee.

Dali-dali naman akong pumunta sa workstation ko, "I'll book your flight na Dee, I'll send you the ticket when I have it na."

"You can use my account, get her the earliest flight." Dagdag ni Sir Tristan.

Napaluha si Dee at kinuha na ang bag niya, "Text me if you have questions ha, Andi."

Nag-thumbs up lang ako kay Dee, "Akong bahala, Dee."

Kinuha ni Sir Tristan ang bag ni Dee, "Let's go. Let's wait for the driver at the lobby."

Nakaalis na si Sir at si Dee and I'm left at the office.

I hope maging okay ang mommy ni Dee and I hope wala ring maging problema habang wala siya.

Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon