Bilang wala si Dee dito sa office, I had to brave the cafeteria on my own. Siya lang lagi kasi ang kasabay kong kumain.
Ang eksenang naaalala ko dito sa cafeteria is yung scene sa movie na Mean Girls kung saan sinasabi kung saan nauupo yung popular people, yung jocks, yung losers at kung ano ano pa.
Feeling ko tuloy I'm back in highschool tapos wala akong kaibigan pero sila parang grupo grupo na ayaw ko naman maki-table tapos bigla nila akong sisigawan ng "You can't sit with us!"
I sigh at naupo mag-isa sa table malapit sa window, nagsimula na akong kumain without looking around me, baka nakatingin sila sa akin thinking I'm a loser kasi wala akong friends.
Halos nakalahati ko na ang kanin at pininyahang manok kong ulam nang may biglang umupo sa harap ko, may hawak lang na can of Coke.
Napatingin ako sa kaharap ko and I see na lalaki ang naupo.
Siguro mga kasing edad ko at may itsura, maputi, chinito na naka-gel ng buhok, may dimples at naka-braces.
"Hi! Andi right?"
Tinuro niya ako gamit ang kamay na may hawak ng Coke.
Tumango lang ako, "Hi."
He grins and flashes me his dimples, "I'm Dan from Audit."
Para ngang nakilala ko na siya, siguro napakilala na siya sa akin ni Dee before nung first week ko dito. Pero syempre hindi ko na naalala ang pangalan niya no, I usually talk with the heads of the departments para kay Sir so I don't really interact with the other employees yet.
I offer my hand, "Nice to meet you."
Ngumiti lang siya and then may isa pang naupo sa tabi ni Dan, she was a short girl with glasses, medyo kulot ang buhok at parang may pinaglalaban ang hinaharap. Mountain Dew kung baga.
Padabog siyang naupo sa tabi ni Dan, "Hi Dan. Anong ginagawa mo dito?"
Parang nabwisit si Dan sa katabi niya pero ngumiti pa rin siya, mukha nga lang pilit, "Hi Ella. I'm just making friends with Andi here."
"Ah talaga ba?" Sagot ni Ella.
"Oo naman." Sagot ni Dan.
Tumingin sa akin si Dan, "Masama ba makipag-kaibigan?"
Sumabat naman si Ella, "Depende sa nakikipag-kaibigan."
Para akong nanonood ng tennis game kaka-lingon dito sa dalawa.
Medyo naaasar na si Dan so humarap siya kay Ella, "What's the problem Ella?"
Nag-shrug lang si Ella, "I just think na dapat honest lang. Minsan kasi kahit committed na..." she uses air quotes for the next sentence, "Nakikipagkaibigan pa."
Dan looks pissed off, "What the hell is your problem? Anong ibig mong sabihin?"
He's not done and gets in Ella's face, "Why don't you mind your own business?"
"Bakit? You're being friendly so I'm just doing the same." She gives him an evil grin.
Biglang tumayo si Dan at naglakad palayo, nakataas lang pareho kong kilay kasi I have no idea what the hell just happened.
Napatingin sa akin si Ella habang kinuha ang iniwang Coke ni Dan, she drinks it at may "ahh" pa after.
She offers her hand to me, "Hi Andi. I'm Ella."
I take it at tinanong na siya ng kanina ko pang iniisip, "Hi Ella. What the hell just happened?"
Natawa lang siya, "Hay naku, wala lang yun. Lagi ko lang pinag-ttripan yang si Dan. Gago kasi eh."
Inilagay ko ang dalawa kong elbows sa table chismosang chismosa lang ang dating. "What do you mean? Mukha naman siyang mabait."
Napairap lang siya, "Bleh. Friendly? Yun? Please. Mabait lang sa'yo yun kasi maganda ka, tapos bago ka dito, hindi mo pa siya kilala."
Napaatras naman ako kasi hindi ko alam kung pwedeng pagkatiwalaan itong si Ella, I mean mukha naman siyang mabait kaya lang I have learned not to judge people based on what others say.
She continues, "I don't mean to rat the guy out pero he has a reputation here, medyo infamous siya for hooking up with new girls or interns or temp employees."
I cross my arms over my chest, parang tsismosa lang yata itong si Ella.
Siguro napansin nyang hindi ako convinced sa mga sinasabi niya so she says, "I'm just trying to help, Andi. I know him – personally."
May laman yung sinabi niya, like she'd experienced it first hand and I think she means well, so I say, "Thanks Ella. I really appreciate your concern, pero I have a boyfriend at..."
I flip my hair over my shoulder, "Walang panama yang si Dan sa jowa ko."
Natawa si Ella, "Ah yun naman pala eh. Wala na palang silbi ang warning ko sa'yo. Good for you."
She drinks another gulp of Dan's Coke then she says, "Lagi ko kayo nakikita ni Dee the past month pero si Dee kasi hindi talaga sociable. Sobrang tahimik. I mean, nag-uusap naman kami at tumatabi siya sa amin kapag kumakain pero since dumating ka naging parang lalo siyang mahiyain. Kaya balak ko talaga yayain ka sa table namin kanina, tapos nakita ko lumapit sa'yo yung Dan na yun."
Napaisip lang ako, I didn't peg Dee for the shy, quiet type, "Thanks Ella ha. Kanina feeling ko High School ulet ako na bagong lipat ng school, wala akong friends. Loser." Sabay inom ako ng tubig.
Napangiti si Ella, "Don't worry, hindi ka namin naisip as loser, para ngang nakakahiyang tumabi sa'yo eh. Lagi kang seryoso sa office."
Muntik ko nang mabuga kay Ella ang tubig na ininom ko, "Ano? Ako? Seryoso?"
Hindi ko napigilan mapahalakhak tapos bigla akong nagseryoso, "Oh my God, ako na ba si Mean Andi like dun sa movie na The Devil Wears Prada?"
Natawa siya, "Hindi naman mean, medyo serious looking lang."
I relax and then she says, "Tsaka hindi applicable yun sa atin, kasi hindi naman si Miranda ang boss mo."
She sighs at parang may mga kislap sa mata. I grin at lumapit, "May crush ka kay Sir Tristan no?"
Her eyes widen, "Ako? May crush kay Sir? Excuse me. Hindi ko siya crush."
Magpprotesta na sana ako pero ni-raise niya ang index finger niya, "Correction, Mahal ko siya. Mas malalim yun."
I laugh and pagtingin ko sa elevators I see Sir Tristan giving me a small smile.
BINABASA MO ANG
Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)
RomanceOlga Andrea starts a new life sa bago niyang office, at inihatid ng bago niyang jowa pero kasing 'extra' pa rin ng dati. Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya pero makikilala niya ang bago niyang boss, sasawsaw pa ang bagong assistant ng gwa...