"You can't expect me to drive you home after you say something like that," he says, sounding angry for some reason.
Pinupunasan ko ang luha ko na parang gripong may tulo kasi ayaw niya tumigil, "Busy ka, so let's just go."
He says nothing.
Hindi na ako makatingin sa kanya so sa bintana na lang ako nakatingin, with both my arms crossed over my chest, sabi nila isang malaking sign daw yan kapag ayaw mong tanggapin ang sinasabi ng kausap mo, sana lang ma-recognize niya ang body language ko.
"I don't understand, I send you flowers but I'm an a**hole?" he asks.
Hindi ako physical na tao, hindi ako pang-UFC na gagamit ng dahas kapag gusto ko, pero ngayon talaga gusto ko siyang saktan as in jombagin gano'n.
But I calm down and instead I say, "Wala akong sinabing a**hole ka, sa pagkakatanda ko wala akong sinasabing a**hole. Ikaw ang may sabi niyan."
He lightly grabs my arm para tumingin ako sa kanya and I reluctantly do, wala naman ako magagawa dito trapped ako sa kotse niya. I have nowhere to go.
"Listen, I know I've been busy but I thought you understood. I thought you know me enough to know that this means a lot to me and that this in no way affects how I feel about you," he says softly.
Naalala ko ang sinabi ni Sir Tristan, that I need to let him know how I feel para malaman niya so I do, "Alam ko kung gaano kaimportante sa'yo ang trabaho mo and I know that this is a very important time for you. Hindi ko binabalewala lang ang mga gusto mong mangyari, pero you need to understand rin na may feelings rin naman ako. That I feel ignored sometimes, that I feel like this has taken over our lives, both of us."
Humarap na ako sa kanya so he'll understand, "Sumasama lang ang loob ko kapag hindi mo manlang ako maisip, as in parang wala na ako sa priority list mo. At iyang pagpapadala ng bulaklak, hindi naman ako nanghihingi ng bulaklak e, ang mas gusto ko 'yong maalala mo ako – 'yong ikaw talaga, hindi 'yong assistant mo."
Nakita ko na parang mag-e-eyeroll na naman siya kasi tumingala siya so hindi ko na napigilan, pinitik ko ang noo niya, "Makinig ka. Huwag mo akong i-eyeroll, eyeroll diyan kundi lalayasan kita!"
Napayuko siya at natatawa, I slap his arm, "Hindi ako nagbibiro gago ka ha."
He laughs.
I assume my I'm-not-talking-to-you position.
He grabs my arm, "Sorry babe. Joke lang. I missed you lang kasi."
Hinatak niya ako palapit sa kanya and he hugs me, sobrang higpit and I want to cry again.
Pakipot pa ako syempre hindi ko nirereturn ang hug niya, "Leche! Kelan ka pa nagkaroon ng assistant ha? Bwisit na 'yan, nakakadalawa na 'yan sa akin ha."
He lets me go but still holds on to my arms, "What do you mean?"
"Yong party hindi ako sinabihan, 'di ba? Pina-text mo lang doon sa assistant mo para sabihan 'yong girlfriend mo na hindi na tuloy 'yong date n'yo?" I say in the most annoyingly nasal way I could say it.
He puts his head against my shoulder, "Sh*t. Sorry, that was a dick move. I can't believe I did that to you."
Hindi niya ako makita pero I roll my eyes and say, "Oh 'di ba? Talagang grabe 'yong ginawa mong 'yon. Ano ka walang daliri para hindi mo ako ma-text? Gano'n ka na ba ka-busy?"
Hindi pa ako tapos, "Kaya 'yang assistant mo pagsabihan mong ayusin niya ang trabaho niya ha."
Umupo siya ng derecho at hinawakan ang mga kamay ko, looking into my eyes he says, "I'm sorry babe, okay? You mean more to me than you realize, I'm just an a**hole for not showing you."
He rubs my fingers, "I'm sorry for neglecting you, I didn't mean for this to happen. Alam ko naman na susuportahan mo ako, that you are rooting for me and I'm sorry that I'm treating you badly."
There's the guy I fell in love with, I'm super relieved that he's still here. Nagtatago lang siya ng konti kasi kailangan niyang mag-focus on other things.
Tumango lang ako pero I put my hand up, sa mukha niya, "Okay na, pero I need to meet your assistant. Kailangan maturuan 'yan, ang dali dali ng trabaho hindi magawa ng ayos!"
He laughs, "Yes ma'am. Sorry hindi ko pa siya napapakilala sa'yo, she came around two weeks ago, binigay siya ng HR sa akin because they felt I need an assistant for all the other things I should be doing. Alam mo na, hindi naman ako sanay sa ganyan so I miss some stuff like signing documents and making appointments."
I nod pero kinuha ko ang cellphone ko dahil hello? She? Babae ang assistant ni Chuck, "Teka, ise-search ko na ngayon, ano ba pangalan niyang assistant mo?"
He smiles, "Why? I'll just introduce you to her personally."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit ayaw mong ibigay ang name niya? I'll just check her out on Facebook."
He smiles and starts the car, "Fine. Can we get out of here first? Gutom na ako babe."
I wave my hand, "Oo na. Oo na. Anong pangalan?"
As he's backing out of the parking spot he says, "Carla Cruz."
Dali dali kong nilagay ang pangalan ni Ate Girl sa search ng Facebook, habang nag-aantay akong mag-load ang mga profiles he says, "Saan mo gustong kumain?"
I look at him, "Akala ko ba kailangan mong bumalik ng office? Somewhere near na lang doon okay lang sa akin."
He says, "Nope. I'm not going back sa office tonight, hayaan ko na sila. They can handle it without me."
Napangiti lang ako, "Oo naman. Boss ka na eh, dapat sila na lang 'yon. Tiwala rin sa mga tao mo."
He laughs, "Yes Ma'am."
Nag-load na ang Facebook ko at ang daming Carla Cruz, "Anong school siya galing?"
Napailing lang siya but he says, "Assumption yata."
Jackpot, nag-iisang Carla Cruz na taga Assumption, I open her profile and I immediately regret it.
Carla Cruz – in all her tanned glory lying down on a beach somewhere wearing a two piece bikini. She's blessed in all the right places.
#
Rev. 09/05/2021
BINABASA MO ANG
Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)
RomanceOlga Andrea starts a new life sa bago niyang office, at inihatid ng bago niyang jowa pero kasing 'extra' pa rin ng dati. Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya pero makikilala niya ang bago niyang boss, sasawsaw pa ang bagong assistant ng gwa...