"Alam mo, ang sakit sakit na ha, kanina pa ako nandito wala ka manlang kunsensya." Napabuntonghininga na lang ako.
"Ang tagal ko nang naghihintay dito hindi mo manlang ako mapagbigyan."
Hinaplos ko siya, "Bigyan mo naman ako ng chance oh, isa lang, isa lang please."
Halos magmakaawa na ako pero ayaw pa rin bumigay.
Nilapat ko ang pisngi ko sa ibabaw ng photocopying machine namin at hinaplos ito habang nakisuyo muli, "Please work. Utang na loob, two hundred pages itong ipho-photocopy ko."
Humihikbi pa ako kunyari umiiyak, "Makisama ka naman."
I hear a snicker sa likod ko and I realize may audience na siguro ako sa pagkausap ko sa inanimate object na ito.
Tumayo ako ng dahan dahan at ini-straight ang damit ko habang tumikhim. Umikot ako at humarap sa aking miron, pagtingin ko si Sir Tristan na nakasandal sa hamba ng pinto at nakangiti sa akin. He's wearing a white long-sleeved and blue pinstriped slacks.
"I have to say, you make this office more interesting."
Pinatong ko ang kamay ko sa photocopier, "Kailangan lang minsan Sir ng lambing ng mga equipment para gumana."
He laughs, "Gumana ba?"
Ngumiwi lang ako at tumingin ng may kaunting galit sa photocopier, "Mayroon lang ibang pakipot."
He grins tapos he folds his shirt up to his elbows, "Let me check it."
Napatayo ako ng straight, "Ay, hindi na Sir. Tatawagin ko na lang po ang maintenance personnel baka may sira na 'to."
Hindi niya ako pinansin at pumasok sa masikip na copy room, napaatras lang ako. Ang copy room na ito ang kasya lang ay ang nag-iisa naming photocopier, a small table para sa patungan at pag-sstaple ng documents and a small drawer under the table para sa papers. Ang kasya lang yata dito ay isang tao para makagalaw, so you can imagine how small ng space na ito at lalo na ngayon na dalawa na kami sa loob.
Gusto ko na sana mag-excuse palabas kaya lang binaklas na ni Sir Tristan ang machine at nilapag sa daanan ko ang binaklas na panel.
Lumuhod siya at yumuko siya habang may sinisilip sa loob ng machine, at bilang wala naman akong mapagkaabalahan dito at hindi rin naman ako makaalis pinanood ko na lang siya habang nagt-trabaho.
Napansin ko lang na humahaba na ulit ang buhok ni Sir, medyo lumalampas na sa ilalim ng tenga niya, lumalabas na ulit ang wavy niyang buhok. Nalalaglag pa sa noo niya ang mga strands ng buhok niya. Nag-fflex ng konti ang muscles niya sa braso habang kinakalikot ang loob ng machine.
Naisip ko lang kung naging electrician or tubero itong si Sir, siguro ang daming nasiraan ng tubo at kuryente sa Pilipinas.
Pinigilan kong matawa at baka magtanong pa itong si Sir kung bakit natatawa ako mag-isa, ay Diyos ko, nakita na nga niya akong kumakausap ng photocopying machine diba?
Siguro sikat na sikat itong si Sir tsaka si Chuck nung mga bata pa sila, ang popogi eh. Ang dami sigurong may crush sa kanila dati.
Bigla ko tuloy naalala na wala yatang lovelife itong boss ko despite being this handsome and apparently good with his hands kasi biglang nag-whir ang machine at nabuhay.
He stands up at nakita kong ang dudumi ng mga kamay niya, "There, all better."
Binalik niya ang side panel ng machine at pinindot ang Copy para mag-test, may lumabas na papel at ngumiti siya.
Tumingin siya sa akin and says, "Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"
Naguluhan ako tapos na-realize kong sinasakyan niya ang kagagahan ko kanina, I roll my eyes, "Yes."
He grins, "I just gave it first aid treatment, but you have to get a doctor for a full check up. Otherwise, babalik lang ang sakit niya."
I put my hand over my mouth na parang nagulat, "Oh no."
He laughs, "I give it one month if hindi mo siya mapacheck up."
I nod, "Yes Doc. Thank you po."
I offer my hand para i-shake niya dito sa pretend scenario namin. Naisip ko lang rin na never pa kaming nagkaroon ng physical contact since we met. I didn't even shake his hand after naming nagkakilala dahil sa ginawa ni Chuck during my first day here.
He takes my hand and shakes it gently. And damn it if hindi ako nanlamig nang mahawakan ang kamay niya. It's hard and calloused parang sanay talaga sa manual labor which you don't usually see sa mga mayayamang gaya niya. Mas malambot pa ang kamay ni Chuck sa kanya eh. I pull away after kong maalalang nasa maliit na kwarto kami ng boss ko at medyo nasalat ko na ng bongga ang kamay niya.
His smile fades a little bit.
I clear my throat, "Ah sige sir, thank you po. I'll just have the machine checked."
He's relaxed as he nods.
At siyempre nakaharang siya sa dadaanan ko so yumuko ako ng konti at nagsabi quietly ng "Excuse me."
He moves out of the way pero hindi siya lumabas ng copy room, umatras lang siya until nakasandal na siya sa machine and I had to walk sideways facing him para makalabas. I intentionally did not look into his eyes habang naglalakad kasi malliit talaga yung space and I was still shook sa physical contact namin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na nang tuluyan sa copy room.
I shake the weirdness off dahil alam ko may boyfriend ako no, and getting myself into that position kanina even if he's just my boss is wrong.
Pero wala naman akong ginawang mali sa tingin ko, tao lang rin naman ako at ibang klase talaga ang itsura ni Sir para hindi mapansin.
Naupo ako sa pwesto ko at parang pinagpapawisan ng malamig, nag-open ako ng laptop ko at nag-type na parang wala namang sense ang lumalabas sa screen ko.
Lumabas si Sir Tristan sa copy room at hawak ang panyo niya pinupunasan ang kamay niya. He asks, "May ico-copy ka 'di ba?"
I look at him and he's got a confused look on his face, I smile, "Maya maya na Sir, baka nagre-recover pa siya sa major operation na pinagdaanan niya kanina."
He smiles, "Oo nga naman."
I go back to typing ng mga walang kabuluhang words sa laptop ko.
"You okay?"
I look up and he looks concerned, so tumango lang ako, "Oo naman sir. Busy lang."
Sakto nang may tumawag sa landline ko at agad-agad kong sinagot, "Office of Mr. Guevarra. May I know who's on the line?"
I put my hand on the receiver and tell Sir Tristan, "Sir it's Ms. Porto from accounting, she needs to discuss something with you daw po."
He nods, "Patch her in. I'll take it in my office."
He walks away and I put down my phone at halos ihampas ko ang noo ko sa table ko.
BINABASA MO ANG
Yep, Still Extra! (Kiligserye Book 2)
RomanceOlga Andrea starts a new life sa bago niyang office, at inihatid ng bago niyang jowa pero kasing 'extra' pa rin ng dati. Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya pero makikilala niya ang bago niyang boss, sasawsaw pa ang bagong assistant ng gwa...