#MyPartner

6 1 0
                                    

Wala na nga sigurong paraan para makahanap ako ng makaksama sa party kaya naisip ko na wag na lang magpunta doon.

Wala akong ibang ginawa sa bahay puro mukmok lang ako, magdidilim na pero hindi pa rin ako naghahanda. Bakit pa ba ako maghahanda?? Wala akong maisip na isama. Tinawagan ko ulit si Miles at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa alok ni Hanson at aba sumang-ayon  din siya sa plano ng lalaking ‘yun.

“Pumayag ka na lang kasi sa plano niya hindi ka lang niya matutulungan sa pagpapanggap mo sa tingin ko dapat si Hanson na ang susunod nating misyon. Ibig sabihin kapag pumayag ka sa plano niya mas magkakaroon pa tayo ng malaking chance para tapusin ‘yang pagiging heartbreaker niya.” Sabi pa sa akin ni Miles ng tawagan ko siya.

Wala na akong ibang choice at tama din si Miles sa plano niya gusto ko kasi talagang pumunta sa party ni kuya gusto ko siyang suportahan , kaya naman tinawagan ko agad si Hanson.

“HEY!!!!!!!!!!!!!!!” naiinis kong sabi ng sagutin niya ang tawag ko.

“OH?? Sino ba’to??” parang lasing na sagot ni Hanson

“HOY!! Lasing ka ba O gumamit ka ng droga?? para kang baliw dyan!! Si Sophia ‘to kaya umayos ka” pagbabanta ko sa kanya.

“Pwede ba hindi ako adik tulad ng inaakala mo. Natutulog lang naman kasi ako at ikaw naman itong naninira ng masarap kong panaginip. Teka nga lang ano ba kasing kailangan mo ha???” naiinis niyang tugon.

“Sasama ka sa akin ngayon, ete-text ko na lang sayo kung saan doon na lang tayo magkita kaya magbihis ka na ” pautos kong sabi.

“Humihingi ka ba ng pabor o inuutusan mo’ko” naiinis niyang tanong.

“Inuutusan kita kaya magmadali ka ayaw ko sa choosy na lalaki” galit kong saad sa kanya pagkatapos ay binaba ko na agad ang telepono.

Bago ako nagbihis tinext ko muna kay Hanson kung saan kami magkikita doon lang naman kasi sa bahay nila kuya ang party at malapit lang sa bahay namin ‘yun  nasa iisang subdivision lang naman kasi nakatira. Nagbihis na rin ako kaagad, simpleng dress na kulay pula lang ang isinout  ko , ‘yun kasi ang paboritong kulay ni kuya ayaw niya rin na magsout ako ng sobrang magara at komplikadong damit. Matapos kong makapaghanda agad na akong nagpahatid sa bahay nila kuya. Sayang nga lang wala sila Mama at Papa nasa Thailand pa kasi sila para sa isang business trip.

Pagdating ko sa labas ng bahay nila kuya nakita ko agad si Hanson doon na naghihintay, lumapit siya agad sa akin.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon