Closer to you

9 0 0
                                    

Simula ata nung first sleep over ni Hanson sa bahay nasundan pa 'yun ng maraming sleep over kaya naman ang dating guest room namin ay naging Hanson's room na. Bumili pa nga ng  gitara sila Mama para kapag nasa bahay daw si Hanson nakakapag Jam kami at ang nakakatawa lahat naman kami sa bahay ehh pangit ang boses. Kapag na sa bahay si Hanson ang lagi naming ginagawa ay movie marathon may cinema room kami sa bahay doon kami halos nakatambay kapag family bonding kaya minsan kapag dumadating si Hanson sa bahay ang tawag sa kanya adopted naalala ko pa nung isang beses na dumating si Hanson sa bahay, pumasok sa kwarto ko si nanay Mila,  isa sa katulong namin para ipaalam na dumating si Hanson.

"Sophie, andito na yung adopted brother mo" pagbibiro sa akin ni yaya.

Kaya kung dati tatlo lang kami sa malaking cinema room namin ngayon apat na dahil kasama na namin si Hanson, gusto ni Mama na nasa bahay si Hanson kasi kapartner niya to lagi sa pagluluto narinig ko nga minsan ang pag-uusap nila  habang nagluluto...

"Aba, fast learner ka Hanson.  Ang galing mo ng magluto" masayang bati ni Mama sa kanya

"Haha, kailangan pong matuto tita alam niyo naman po walang alam sa kusina 'yang si Pia. Kaya ako na lang po magluluto para sa kanya at alam ko naman po na paborito niya po ang mga niluluto mo kaya para hindi niya hanapin ang mga luto mo kapag nag-asawa na kami pag-aaralan ko na po ngayon pa lang. " seryosong sagot ni Hanson.

"Hanson,  salamat ha? Sa pagtitiis mo riyan sa anak ko. You're so patient to her and I can see that you are really serious to her. Kaya kahit babae 'yang anak ko, at kahit na parang kinakampihan kita talagang gusto ko na maging kayo. Ang swerte ng anak ko sa'yo"

"Ako po ang dapat na mag thank you tita, tinanggap niyo po ako sa family kahit hindi pa naman po kami  ni Sophia at ako po ang swerte kay Pia." sagot naman ni Hanson.

Nakikita kong masaya si Mama na nasa bahay si Hanson gusto niya kasi talagang magkaroon ng isa pang anak kaso hindi na raw siya pwedeng mabuntis dahil delikado, kaya nga sobrang saya nila Mama na dumating ako sa buhay nila, ako raw ang sagot sa panalangin nilang magka-anak sila.

Si Papa rin natutuwa kapag nasa bahay si Hanson may kalaro siya lagi sa Chess o kaya'y ka one-on-one sa basketball pareho din pala sila ng team na gusto sa PBA at NBA kaya nagkakaintindihan sila lagi kapag pinag-uusapan ang mga bagay tungkol doon. Kapag nasa bahay wala kaming quality time ni Hanson kasi sila nina Mama at Papa ang  talagang nag-eenjoy. Matagal na namin 'tong pangarap na magkaroon ako ng kapatid na lalaki kaya naiintindihan ko sina Mama at Papa kung bakit halos patirahin na nila sa bahay si Hanson.





Sina Miles at Carla naman sumasama sa aming dalawa minsan kapag namamasyal kami sa Mall, natutuwa raw sila para sa aming dalawa. Matagal na rin kasi naming pangap na magkaroon ng isang barkadang lalaki na magiging tagapagligtas namin.






Halos perpekto na ang lahat simula ng dumating sa buhay ko o naming lahat si Hanson. Dati ang tingin ko sa kany ay isang lalaking matigas ang puso,  pa-astig at pambababae lang ang alam pero ngayon nag-iba na ang lahat, nag-iba na...

Malapit ng mag-semestral break natapos ko na naman lahat ng final projects ko kaya pumayag ako ng ayain ako ni Hanson na magliwaliw sa mall. Una nanood kami ng sine horror movie pinanood namin,  tawa-tawa lang ako ng tawa habang nanonood kami matatakutin kasi si Hanson ayaw niya sa nga horror movies ehhh pero mahilig ako doon ehh. Naglaro din kami ng arcade,  hindi ako magaling pero fast learner naman ako kaya madali lang akong turuan ng kahit anong laro doon. Tapos namili ako ng mga sapatos at sandals 'yun 'yung obsession ko ehh.




Pagkatapos kumain kami sa favorite pizza house ko.


"Ang lakas mo talaga kumain"
biro niya habang tumititig sa akin.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon