Sakripisyo

5 0 0
                                    

Isang linggo siyang mawawala! Isang linggo! Isang linggong long distance!

Isang Linggong pag-aliw sa sarili activity schedule

Unang Araw- 10:00am na ako bumangun, umalis sina Mama at Papa para bisitahin ang batch mate nilang may sakit.  Kaya naman, tinawagan ko sila Miles at Carla para tumambay sa bahay namin. Ehhh 'yung dalawa halos buong araw na nakatutok sa kusina namin halos maubos laman ng ref. namin, pati 'yung mga favorite chocolates ni mama na sa  Switzerland niya pa binili inubos din nila. Ehhh ganun talaga 'tong mga kaibigan ko matatakaw, aheeemm ako rin pala, pero kahit ilang ulit na nila akong tinawag para kumain pero kasi talagang wala akong gana ngayong kumain. Nga pala, hindi na silang dalawa nahihiya sa bahay.  Mga 10-15 years na kasi kaming magkakilala kaya naman feeling nasa sariling bahay lang silang dalawa.

2nd day
Walang magawa! Sumama ako sa date nila kuya at Tanya, pero parang hindi date, may LQ silang dalawa. Hindi sila gaanung nagkakausap, napapansin ko ring si Tanya ang panay sunod lang sa mga gusto ni kuya, hindi naman mahilig mang-deadma si Kuya pero ewan ko sa kanila nakasira ata ako sa date nila kaya umuwi nalang ako. Pero dahil sa sobrang board nilibut ko buong subdivision namin kasi nagjogging ako at 3:00pm, mainit siya pero ganyan talaga ang mga taong bored wala na ibang maisip gawin. Gabi na ng dumating sila Mama at Papa kaya naman nag movie Marathon kami sinamahan nila ako sa isang mapag-isang linggo. Hayy nako, di ako sigurado kung nabo-bored na ako o naka-built in na sa utak ko na magiging malungkot ako pag wala si Hanson.

3rd Day
Natulog, kumain, nanuood ng T.V, tapos tulog, kain, tapos tulog at nagzumba tapos kain at tulog.

4th Day
Pumunta ulit sina Miles sa bahay. Naglaro kami ng badminton sa Basketball court ng bahay namin. Tapos kain, videoke movie marathon, tulog! Aiiiiiyyssshhhhh hindi naman ako ganito dati, masaya naman ako nun at nag-eenjoy kapag ginawa namin nila Miles at Carla ang ganito pero ngayon para bang wala akong gana, madali na akong magsawa ehh halos hindi ako napangiti ngayong araw na'to.

5th Day
10:00 am na ako gumising,  wala na rin naman kasi akong gagawin kaya hindi na ako gumising ng maaga. Maya-maya'y nagtext sa akin sina Miles at Carla, manunuod daw kami ng sine, syempre sumama ako bukod kasi sa wala akong ginagawa ehh sabi nila ililibre naman daw nila ako(kuripot problems). Nagpapasalamat ako sa dalawang 'to kasi kahit hindi naman ako ganun ka productive at energetic na kasama sila lagi pa rin nila akong sinasamahan, mga ulirang kaibigan. Ginagawa nila ang lahat para lang mag-enjoy ako. Gabi na ng makauwi kami sa bahay nag-joyride pa kasi kami, masaya ako kasi may dalawang baliw na laging nandyan para sa akin. Masaya akong umuwi sa bahay, ngumingiti pa ako bitbit ang pinamili kong damit at bag ko,  pagpasok ko sa bahay nadatnan ko sila Mama at Papa na tila alalang-ala.

"Where did you came from ?" nag
-aalalang tanong ni papa.

"Diba nga namasyal kami nina Miles at Carla?" sagot ko.

"Bakit ba parang napakaworried niyo?" Dagdag ko pa.

"Tumawag ba sayo ang kuya Daniel mo?"  tanong naman ni Mama.

"Hindi po, ano po bang nangyari sa kanya" worried ko na ring tanong.

"Her Mom called me, tinatanong niya kung andito ba daw si Daniel, naghiwalay na raw kasi sila ni Tanya. Kaya inakala raw nila na andito si Daniel." tugon ni mama.

"What? I'll find him. "

"Pero gabi na,  papasamahan ka namin sa driver natin"

"No Ma, Ako nalang baka kasi kailangan lang ni kuya ng kausap ngayon"



Agad akong umalis, habang nagmamaneho sinusubukan kong tawagan si kuya lampas sampung tawag na ako sa kanya hanggang sa may sumagot. Ayon sa sumagot isa daw siyang waiter sa isang bar lasing na raw kasi si kuya hindi niya sinasagot ang mga tawag kaya siya nalang daw ang sumagot habang nasa C.R si kuya. Sinabi niya sa akin ang address kaya agad akong nagpunta doon. Mag-isa lang si kuya, hindi naman siya naglalasing ehh, matino siyang tao, wala rin siyang bisyo kaya imposibling naglalasing siya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon