Family Dinner

2 0 0
                                    

Simula ng pumayag si mommy na ligawan ako ni Hanson nawalan nang katahimikan ang buhay ko. Lagi siyang nagtetext sa akin kung nasa school na ba ako, kung kumain na ba ako or kung tapos na ba ang klase ko. Pero wala naman talaga akong planong pag-aksayahan siya ng oras. He's not my type,  I already love someone else. Pero kung hindi ko lang mahal si kuya...

Ahmmm syempre hindi rin siya ang mamahalin ko, pero baka pwede??? Ahmmm No!!!  Hindi!!

Nga pala, papauwi na ako sa bahay ng magtext si Hanson kung pwede ba kaming lumabas,  actually napangiti ako ng mabasa ko 'yun, syrempre kahit papaano nag-effort naman siya. Pagdating ko sa bahay sobrang busy nila mommy sa pagluluto. Si daddy  naman himala na maagang umuwi galing sa office at tumulong pa siya kay mommy sa pagluluto. Nakakatuwa silang tingnan, kung may true love man, para sa akin sila 'yung patunay.

Malawak ang ngiti ni mommy ng makita niya ako.

"Hey, glad your already here. Join with us." masaya niyang sabi.

"Para saan ba 'tong mga niluluto niyo?? Bakit parang andami naman ata??"

"Your dad wanted to meet Hanson, ohh I forgot to tell you na papuntahin siya dito."

"What?, mommy?? Are you sure ???" naiinis kong tugon.

"Pi, I just want to meet that guy, besides nangliligaw siya sayo, so I have to know him well, we have to know him well. Isa pa siya pa lang ang unang naglakas loob na humingi ng permiso na manligaw sa'yo."

" ggggrrrrrrrrrrrrrr, I can't understand you guys." naiinis kong sabi pagkatapos ay nagpunta na ako sa kwarto ko.

Padabog akong pumasok sa kwarto ko, maya-maya pa ay sumunod naman si mama sa kwarta ko.

"Pi???? Sorry kung ngayon lang namin sinabi sa'yo ang plano namin ng daddy mo, we are just really happy na may manliligaw ka na,  yung hihingi ng permission sa amin. Nak, excited lang kami ng daddy mo." pagpapaliwanag ni mommy.

"Mom, kasi naman kaya lang naman ako nagagalit kasi ayaw kong mag-expect kayo na magiging kami, ehh ngayon pa nga lang parang napakaexcited niyo nang tingnan. Mom hindi niyo kilala si Hanson,  kilala siya bilang heart breaker, marami na siyang nilukong babae, mom alam mong ayaw ko sa mga lalaking ganun." sagot ko sa kanya.

"And mom, kaya lang naman ako nagugustuhan ng mga lalaking kagaya niya kasi maganda ako, mom tulad lang din siya ng iba na mukha ko lang ang nagustuhan. Tulad lang din siya ng mga kaibigan ko noon." naiiyak kong saad.

Flashback*

Hindi ako kagandahan noong bata pa ako, nag-aaral nga ako sa isang magandang school pero dalawa lang ang kaibigan ko si Jean at Jesheff magkakambal sila. Sila lang kasi 'yung nakikipag-usap sa akin kasi nga nerd person. Lahat ng mga kaklase namin kinukutya ako hindi din kasi ako mahilig sa pag-aayos sa sarili. Hanggang sa pati sila Jean kinukutya na rin ako sa mga panahong 'yun nakilala ko si kuya, lagi niya akong pinagtatanggol tuwing kinukutya ako. Siya din 'yung laging kasabay kong kumain. Para sa akin si kuya lang ang totoong kaibigan ko kaya ko siya nagustuhan siya rin yung pumilit sa akin na mag-ayos sa sarili. Nang magdalaga ako dun na nagsimula ang pagiging diyosa ko, (diyosa talaga?? Haha). Marami nang gustong makipagkaibigan sa akin, marami na ring gustong manligaw. Simula nun naisip ko pare-pareho lang silang lahat gusto lang nila ako dahil maganda ako...

End of flashback*

"Pi, kaya lang naman ako pumayag na ligawan ka niya kasi nakikita ko sa mata niya na seryoso siya. Pi, di ba alam mo ang lovestory namin ng daddy  mo?? Dati din akong man hater samantala ang daddy mo naman kilala bilang casanova, pero pinagtagpo kami ng daddy mo, una akong na inlove sa kanya pero kahit kunti wala siyang feelings para sa akin, hanggang sa nagkasama kami sa isang project.  Dahil doon mas nagkakilala kami at nahulog na rin siya sa akin. Simula noon nagbago na siya. Kung ano man ang nakita ko sa mata ng daddy mo noon ganun din naman ang nakita ko sa mga mata ni Hanson noong humingi siya ng permiso sa akin na ligawan ka. I can sense that he is really serious." mahabang paliwanag ni mama.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon