Perya is lab

12 0 0
                                    


Hayyyyy!!! Ewan ko kung magiging masaya ba ako ngayong araw na'to o malulungkot. Unang rason, makakasama ko nga si kuya may girlfriend namang dala sorry nalang sa beauty ko.  Pangalawa, may walang hiyang demonyo na sasama rin sa amin.

Mabuti pa si kuya may makakalandian ngayon, selos lang ang aabutin ko 'panigurado pero okay lang tanggap ko, ganun naman talaga pag nagmamahal diba??? Minsan kailangan mong tanggapin na isang dakilang option ka lang kung minsan, at kailangan ding magpakatanga ganern ang life ehh. Sayang naman ang ganda at alindog ko, oo nga kahit sino na lang ang nahuhumaling sa akin pero hindi naman 'yung taong minamahal ko. Tama na muna ang hugot back to real life muna ako.

Unang dumating doon si Hanson, sumunod naman ako pagkatapos ng ilang minuto dumating na rin sila kuya may pa HHWW pa 'tong dalawa ha?? "Aba ang tindi niyo, naglalandian na nga kayo may pinapatay pa kayo sa selos" mahinang sabi ko sa sarili ko.

Nagbatian lang muna kami, chika Chika na parang ngayon lang ulit nagkita. Duh ang lupit nila mga manhiddddds!!!!!!!

Maya-maya pay naisip ni dakilang malanding Tanya na sumakay ng roller coaster.
Biglang natahimik si Hanson ng marinig niya si Tanyang nagbabalak na sumakay sa R.C. Namutla ang pisngi ni Hanson at maya -maya'y nagsalita ito.

"Ano ba naman 'yan roller coaster??? Wala bang ibang mas nakakaenjoy na pweding sakyan??? Tanya???  Ka babae mong tao ganyan ang mga trip mong sakyan??? Nagmamayabang na satsat ni Hanson.  Para lang yan sa mga makikisig na lalaki gaya namin ni kuya " dagdag niya pa pagkatapos ay nag evil laugh pa siya.

"Hey! Pwede rin kaya sa amin to,  mas enjoy ngang sakyan natin to ngayon, baka naman ayaw mo lang makasama kami ha?? Pagpapacute ni Tanya.

"No! Hindi naman sa ganun pero e try muna natin 'yung ibang rides" pangkukumbinsi ni Hanson.

"Ang KJ mo no??? Para kang bakla umayos ka nga, Nakakahiya ka" naainis kong saad kay Hanson.

"Ayan na naman tong lovers na'to nagsisimula na namang mag LQ. Kiss nga kayo" nakangiting pangungutya ni Kuya. Tapos nagngitian din silang dalawa ni Tanya na para bang may evil plan.

Aba talagang hindi matanggal ang holding hands na 'yan, baka naman langgamin na kayo niyan. Ang lalandi niyo, sigaw ko sa isipan ko habang nakatitig sa naka-holding  hands nilang kamay.

"Yucksss, no way!!!!!!!!!! Sagot ko sa sinabi ni kuya. Bumili ka na nga lang ng tickets kuya." Pag-iiba ko ng usapan.

Agad din namang bumili si kuya ng ticket at syempre kasama niya si Tanya!!! Kaya naman naiwan kna naman kami ni Hanson

"Grabe no??? Ang sweet nila?? kawawa ka na naman ngayon. Aba sa school ang ganda ganda mo ehh dito?? Wa epek ang ganda mo. Ehh kahit nga sa akin walang epekto yang ganda mo sa kuya mo pa kaya??" Pangungutya ni Hanson habang nakatitig kina kuya at Tanya na bumibili ng tickets sa ticket store.

Parang nag-iba yung pananalita niya, parang ganito niya ako kausapin noong unang kaming magkakilala sa school nila. Pero wala na akong pakialam sa kanya. Bahala siya.

Bago pa man ako nakaisip ng sagot sa sinabi ni Hanson nakabalik na sila kuya. Mas iniisip ko pa kasi kung bakit parang nag-iba kilos nitong si Hanson.

"So,  tara na??" Excited na tanong ni kuya

"Yeah" excited ko ring sagot.

"I'll wait for you" natatarantang tugon sa amin ni Hanson.

"Ano?? Haha wait wait ka dyan" saad naman ni Tanya.

" Pwede ba wag kang mag-inarte okaaayyyy.?? Hindi bagay sayooooooo!!!" Naiisnis kong sabi, sabay hila sa kamay niya.

Hanson's POV

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon