All of the competetors prepared for this night. Pero naisip ko na hindi magpunta para walang ka date 'yung walang hiyang lalaking 'yun. Samantala si Miles at Carla sobrang busy sa pamimili ng damit. Pagkatapos nilang magbihis agad nila akong nilapitan.
"hoy bakit di ka pa nagbibihis? tanong ni Carla
"I don't wanna go there". nakayuko kong sagot.
"Why? just because of Philos Hanson?" nakangiting tanong ni Miles.
"Yes."
"Sophia Martha Yun, wag na wag mong kakalimutan kung sino ka at kung ano ang kaya mo. Ipakita mo sa kanya kung bakit marami ang naaakit sayo wag kang magpadala sa lalaking 'yun., ang kailngan mo lang magbihis ng maganda and then show them what you've got." Carla
"Kailangan mong mapaamo si Hanson and then pwede na siyang utusan kung kelan mo gusto." dagdag pa ni Miles.
Dahil sa mga sinabi nila agad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili, kinulot ko pa nga 'yung buhok ko pagkatapos ay nag make-up ako. Then, we went to the party.
(PHILOS HANSON)
Sobrang kinakabahan ako para sa gabing 'to hindi ako sigurado kung dahil ba 'to sa magiging partner ko pero hindi naman siguro hindi pa ako kinabahan ng dahil lang sa babae.
Hindi naman talaga ako ganito dati, hindi naman talaga naghahabol sa babae. Actually, wala naman talaga akong gusto kay Sophia na cha-challenge lang talaga ako sa kanya.
Kasi nga, siya 'yung unang babae na sumampal sa akin at pumingot ng tainga ko. Palaban siya kaya nakaka-excite. Nagsimula na ang party, syempre may sayawan at inuman pero wine for teens lang ang ininum namin. Ilang minuto lang dumating na sila Sophia kitang kita ko siyang papasok ng pintuan naka cocktail dress at kulot ang buhok grabe ang ganda niya... Medyo natulala ako at medyo naramdaman ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko.YUCK!!! dahan dahan siyang lumapit sa akin bakit parang slomo?? ang yuck naman nito. GGGGGGGGGGGGRRRRRRRRRRRRRR slomo talaga mga dude di ko na kaya ang landi nito.
Hanggang nasa harapan ko na siya, kaya naman parang kumakanta ako sa isip ko.
Ikaw na na na na pwede bang magpakilala larawan mong magara hindi ko mabura sa, sa, sa isip ko na na na pwede bang magpakilala gandang aking nakita sadyang nakakahalina na na na ...
Natapos ang pagkanta ko sa isip ko ng maramdaman kong humawak siya sa jaw ko at parang sinira niya ang bibig ko.
"Isara mo nga 'yang bibig mo baka pasukan 'yan ng langaw at bahayan 'yan ng pisteng kagaya mo." nakangiti niyang saad habang nakatitig sa akin. Grabe nakakabighani ang ganda niya.
"Jaw dropping ang ganda ko diba? You don't have to tell me matagal ko ng alam actually, pero ko di naman inakala na mapapanganga ka nang ganun tapos halos lumuwa pa 'yang mga mata mo. Wag mo naman masyadong ipahalata na nagsisimula ka ng ma obsess sa akin.' bulong niya sa akin na para bang nanglalait. Pagkatapos ay lumapit na siya sa mga kainigan niya.
HAAAAAAAAAYYYYYYYYYY!!! SSSSSAAAAALAAMMMMMMMMMMAAAAAAAAAAAAAATTTTT hindi na siya slomo maglakad nakakalasing ba'tong juice na iniinum ko?? Bakit parang iba ata epekto nito?? Nakanganga na pala ako?? sabi ko sa sarili ko.
Di ko mapigilan nag sarili kong mag-isip, pero di ko alam pinagtatawanan na pala ako ng mga walang hiya kong mga kaibigan.
"Hoy!!! Tulala ka?? Anong nangyari sa'yo? Akala ba namin may mababaliw sa'yong babae eh bakit parang ikaw ata ang nabaliw??? hahaha" tukso ni Ian sa akin.
"Nakanganga na nga nababaliw pa, lovestruck ba tawag dun??" dagdag ni Jay
'Aking diwata ikang ang pinakamaganda hahaha" at kumanta pa talaga si Terrence ng Diwata ha!!!
"Tumahimik nga kayo, kung tuksuhin niyo ako! Alam niyo plano ko lang 'yun" naiinis kong sabi sa kanila.
"plano??? Di ka nga nakapagsalita, 'yun ba ang plano para sa'yo??" tukso ulit ni Ian.
"Sige, pag nagalit ako sa inyo ngayon magkalimutan na tayo!!!"
"Hala nagalit na nga talaga si Mr. Nakanganga" Terrence. Tapos nagtawanan na sila.
Di ko na mapigilan ang sarili ko kaya nag walk out ako, lumabas muna ako para magpahangin. Napaisip tuloy ako kung napanganga ba talaga ako kanina ang tanga ko siguro tingnan nun. Yuck!!!!! Ang pangit na-iimagine ko na.Umopo ako sa isang bleachers sa labas. Magmumuni-muni muna ako dito.
THANKS SA PAGBABASA NEXT TIME NA ULIT 'YUNG KASUNOD NITO MAY GAGAWIN PA PO AKONG ASSIGNMENTS AND REPORTS THANK YOU ULIT <3 <3 <3
