Halos magdadalawang linggo nang nanliligaw si Hanson sa akin kaya medyo close na rin kami, hindi na kasi ako pinasusundo nila daddy sa school lagi nila akong pinapahatid kay Hanson kasi gusto nilang sa amin maghapunan lagi si Hanson. Dahil doon, naging close siya sa family ko at medyo nakilala ko na rin siya, syempre walang something sa aming dalawa para sa'kin, hindi ko alam sa kanya.
Super busy ng students org. ngayong araw na'to, students day kasi at once a year lang to kung ginaganap kaya bilang president ng students org. hands on ako sa lahat ng preparation para dito. Excited na ang lahat para sa activity na'to.
Schedule:
8:00am- opening program
9:00am- start and opening of the booth and activities.
4:00pm- Talent show
7:00pm- grand night *HHWB*Syempre yung grand night 'yung pinaka exciting, the HHWB moment or Holding Hands While Brownout. Mga 30 seconds papatayin ang ilaw at lahat ng mga studyante nasa gitna at habang nakapatay ang ilaw hahanap ka ng magiging ka partner at kailangang hawakan mo ang kamay niya. Pagbalik ng ilaw kung sino man ang kapartner mo siya 'yung makakasama mo all night. Tradition na kasi sa school ang HHWB, paraan kasi yun para mas makilala ng bawat estudyante ang iba. Pero sa totoo lang gusto kong maging partner ni Hanson, hindi dahil gusto ko siya ha? Kundi dahil syempre, ano ahmm magkakilala na kami.
Pero back to real life, wala pa rin si Hason, anong oras naaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!. Bahala nga siya! Naglalakad ako sa activity area ng school para e-check kung okay na ba ang lahat, nakita ko ang mga kaibigan ni Hanson na nasa marriage booth. Grabi ang ingay nila habang kinakasal kunwari si Jay ug Bianca, schoolmate namin. Nilapitan ko sila para tanungin.
"Guys nakita niyo ba si Hanson wala pa kasi siya, may last practice pa kasi sila ngayon." mahinahon kong tanong sa kanila.
"Hindi ehh, hindi pa ba siya dumating?? Sophia pumunta ka sa reception ng kasal namin ha?" tugon ni Jay at pagkatapos ay nagbirp pa.
"Wag ka nga Jay, baliw ka talaga. Pakisabi na na lang kay Hanson na puntahan ako agad kapag nakita niyo siya."
"Baka matagalan nga yun, ehh diba nga may sakit si Alexa??" Satsat ni Ian.
"Oo nga pala, baka hindi pa nga yun makapunta dito, pag si Alexa na ang pinag-usapan ehh atras na tayo, wala tayung panlaban doon." Tugon naman ni Terrence.
"Okay, whatever. I have to go" mataray kong pagpapaalam.
Oo, inaamin ko nagseselos ako!!! Grabi ang selos ko umaapaw talaga. Walang hiya sino ba naman kasi 'yang babaing 'yan. Moment namin ngayon tapos makikisabay siya?? Aba!! Ang tindi niya grabi. Nakaka-minus ng ganda. Bahala na nga lang sila magsama sila ng tsonggong si Hanson. Mga cheap!!
Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang naglalakad patungo sa office ng students org. Pagdating ko nadatnan ko sila Carla at Miles na nagtatawanan habang tumutulong sa mga kakailanganin para mamayang gabi. Padabog pa akong umupo sa harap nila para tumulong na rin.
"Hoy, Babae ano na naman bang problema?? Parang kompleto na naman lahat ahh. Bakit parang hindi ka naman ata masaya ehh kanina lang para kang batang binilhan ng kendi sa sobrang excited at saya mo." Mataray na sabi ni Carla.
" May mga tao lang kasi talagang panira ng moment " mataray ko ring sagot.
"Sino ba na naman kasi 'yan gusto mo ba piktosan natin?? Parang tambay na saad ni Miles.
"Wag ka nga Miles, naiirita lang kasi ako kay Hanson wala pa siya. May last practice pa daw kasi sila, tapos siya ayun kasama yung si Alexa ba yun o Elsa basta!"
"Aba, kaya naman pala tila sobrang highblood mo. Nagseselos ka doon sa kay Hanson at Alexa o Elsa basta!" pangungutuya ni Miles.
"Tumahimik ka nga, magkaibigan lang kami tapos di man lang niya sinabi sa akin kung bakit siya matatagalan. Kung sino ang kasama niya o nasan siya. Syempre nagtataka lang din ako at isa pa nagagalit lang din ako kasi kasali siya sa magpe-perform mamaya. Alam niyo naman na isa siya sa pinaka-aabangan na performer kaya di pwede na di siya dumating."
"Kasali na rin syempre ang pagseselos dun" giit ni Carla.
"Ewan ko sa inyo, bahala na kayo kung ayaw niyong maniwala. Basta I just don't want Hanson to be the reason na masira ang araw na'to" galit kong tugon sa pangungutya ng dalawa.
Halos lahat ng mga estudyante nasa canteen nung lunch time na. May salu-salo kasi doon. Ang iba naman nasa ground at nag-picnic. Simula ng medyo naging close kami ni Hanson lagi na siyang sumasama sa amin nina Miles during lunch time. Pero ngayon, wala na nga sila Miles at Carla dahil may inasikaso hindi kami magsasabay mag-lunch tapos wala pa si Hanson. Ang boring kumain pag wala sila o siya yuccckksss.
Lumabas nalang ako sa school at nagpunta ako sa favorite pizza store ko. Doon ako halos araw-araw kumakain kasama sila Miles nadala ko na rin si Hanson doon. Umorder ako ng isang bou at malaking pizza, hot and spicy at ham and mushroom yung toppings. Umupo ako sa favorite chair ko doon at agad kung sinimulan ang madugong labanan. Haha.
Grabi ang sarap talaga, kakain ako ng marami ngayon. Wala namang dahilan para mag diet diba?? Sabi ko sa sarili ko.
"Nak?? Bakit parang gutom na gutom ka" tanong ng isang babaeng matandang janitor. Anak ang tawag niya sa amin nila Carla at Miles. Nanay naman ang tawag namin sa kanya. Matanda na si Nanay pero nagtratrabaho pa rin siya para sa pamilya niya.
"Nay, kayo pala, napakarami po kasing ginagawa sa school. Tapos dagdag pa sa problema ko 'tong si Hanson na mas inuna pa ang date kaysa sa isang malaking event na'to." paliwanag ko habang patuloy sa pagsubo ng pizza.
"Kaya naman pala, nagseselos ka pala kaya nagkakaganyan ka naman, sino ba yang maswerting lalaki na yan at talagang ang lalim ng selos mo?? Siya ba yung dinala mo minsan dito?? Yung lalaking lagi mong kinukurot??" nakangiting tanong ni Nanay. Nakita niya pala kami ni Hanson nun noong dalhin ko siya dito. Matapos kong magshopping pinilit niya kasi sila mama at papa na pasamahin siya sa akin. Kinukurot ko siya lagi noon kasi minsan sumasagot siya sa akin at sumasalungat siya sa gusto ko. Siguro ayaw na sa akin no??? Kasi lagi ko siyang inaaway.
"Nak??" Saad ulit ni Nanay ng di ako nakasagot sa kanya.
"Ahh, opo siya po yun. Pero hindi po ako nagseselos nay." Mahinag sagot ko.
"Nak, kilala na kita. Ehh hindi mo naman kayang ubusin ang isang buong pizza ehh gaya nito" sagot niya sabay turo sa pizza sa harapan ko. " Maliban na lang kung may problema o napapagalitan ka ng mga magulang mo, Nak natural lang magselos. Bakit di niya pa ba alam na may gusto ka sa kanya??" Tila nangungutaya niya pang dagdag.
"Wala kaya akong gusto dun, nay siya po yung patay na patay sa akin. Pero ngayon ayun siya sumakabilangbahay na." naiinis kong tugon.
"Ehh di nagseselos ka nga, nak dumaan na ako sa edad na ganyan. Kaya sigurado ako nagseselos ka, kasi may gusto ka rin sa kanya."
"Nay, wala nga po" pagtanggi ko pa.
"Nak, mas lalo mo lang pinapatunayan na nagseselos ka nga, kasi grabi ka kung makatanggi. Sige iwan muna kita ha?? Tatapusin ko muna 'tong trabaho ko." Pagpapaalam ni Nanay.
"Sige, po Nay " sagot ko naman.
Pinag-isipan ko rin ang sinabi ni Nanay sa akin. Tama nga ba siya?? Nagagalit ba talaga ako kay Hanson dahil nagseselos ako?? Gusto ko rin ba talaga si Hanson?? Hindi ako sigurado, isang beses pa lang akong na inlove. At kay kuya Daniel 'yun. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon ehh. Iba talaga kay kuya. Masaya ako lagi pag kasama ko siya, tapos ahmmm nagseselos din syempre ako pag may kasama siyang iba. Gusto ko ba talaga si Hanson ?? O resulta lang ito ng mga pangungutya ng maraming tao sa amin?? O pwede ring dahil lagi kaming magkasama kaya parang nag-iiba na kami sa paningin ng isa't isa. Gusto kong malaman kung ano ba talaga siya para sa akin. Pero paano??? Isa pa ayaw ko sa mga lalaking kagaya niya, kaya paano ako magkakagusto sa lalaking 'yun?? Ganun paman gusto kong malaman ang totoo para naman maging sigurado ako sa totoong feelings ko kasi gusto ko ring maging loyal, buo, katangi-tangi at karapatdapat ako para mahalin ni kuya.
