Untitled Part 12

7 0 0
                                    

Di ko maipaliwanag ang saya ko ng makita ko si kuya, I just miss him so much.

"Bakit di mo namn sinabi na darating ka?" nakanguso kong tanong.

"Surprise nga diba??" nakatawa niyang sagot.

"Ayan tuloy di ako nakapaghanda"

"Ano ka ba, di na kailngan 'yun, masaya na ako na nakita na kita. I just miss you so much" nakngiti niyang saad habang pinipisil ang pisngi ko.

"AAAAAAHHHHHHEEEEEEEEEMMMMMMMMMM, sige ha di mo na namin kayo guguluhin, hahayaan mo namin na mag-bonding kayo kaya walk out muna kami" pagbibirong sabi ni Miles habang hinihila si Carla.

Ngumiti lang kami ni kuya sa kanila at pinanood sila habang papalayo.

"Eh ba't nga pala ayaw mong tanggapin 'yung pasalubong kong chocolates??" nagtataka niyang tanong sabay upo sa tabi ko.

Naku naman Lord, wag niyong hayaan si kuya na landiin ako, Lord mahina po ako sa mga oras na 'to hahaha joke lang . Nakatulala lang ako grabe.

"AHHH, Ehhh kasi ano baka naman kasi kung kani-kanino na namn galing 'yun alam mo na maganda kasi ako kaya marami ang nabibighani " medyo lutang kong sagot.

"Di ka parin nagbabago, palabiro ka rin" sagot niya sabay tawa.

"Joke?? aba hindo joke na maganda ako ha"

"Hahaha, yeah I know" 

Napakamaaliwalas ng mukha ni kuya, napakasarap tingnan kaya naman mahal ko 'to ehh. I know di ko 'to dapat maramdaman sa kanya lalo na at kaibigan at nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin,pero pag tumama sa'yo ang pana ng batang nakalampin lang promise tagos hanggang buto ang resulta nito.

Nang magsimula na ang klase namin umalis din kaagad si kuya, ehh kung pwede nga lang sana na bitbitin ko siya hanggang sa klase namin gagawin ko, sabi nga nila hahamakin ang lahat masunod lang sinisigaw ng puso. Pero sumisigaw nga ba ang puso o dinidiktahan lang natin ito?

Basta mahal ko si kuya di na baling may mahal siyang iba??? pero wala naman sana haha.

Next Day

"OH, ngayong andito na ulit 'yung prince charming mo, sasabihin mo na ba sa kanya 'yang #forever tinatago na feelings na yan??" nakangiting tanong ni Miles.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon