#Kuya

11 2 0
                                    

Sobrang nakakahiya ng ginawa ko kanina kaya magpapalamig muna siguro ako dito sa labas mamaya ko nalang guguluhin ulit si Sophia.

Mga ilang minuto akong nakatunganga sa labas, ewan ko ba pero parang nawalan na ako ng gana na bumalik sa loob dahil sa kahihiyang ginawa ko. Nakatanaw ako sa langit ng may babaeng nagmamadaling lumabas sa function hall. May kausap siya pero siya lang naman mag-isa. Tiningnan ko kung sino ba ang babaing iyun SI SOPHIA!!!! at naku naman si tadhana pag nagloko ako lagi ang tinatamaan, baka pagtawanan ako ng babaing to ngayon. Kaya nga pala siya may kausap kahit siya lang naman mag-isa kasi nga may kausap siya sa cellphone niya.

"I miss you so much kuya, sana naman matuloy na ang pag-uwi mo dito diba nga matagal na tayong hindi nag bo-bonding?" sabi niya sa kausap niya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Aba marunong din naman palang magpakabait 'tong babae na to. Medyo nagtagal ang usapan nila kaya mas makikita ko siya ng matagal.

Ano??????? Anong nangyayari sa akin??? bakit parang ano, 'yung ano kasi ano ehhhhh.

Parang may konting pagnanasa ehhh, ang pangit naman ng babaing 'yan at sobrang taray at maldita pa. Pero para bang may ibang saya akong nararamdaman kapag nakikita ko siya.

Hindi maaariiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!11 kailangan kong tandaan na kalaban ko siya. May utang pa nga palang date sa akin ang babaing 'to. Tiningnan ko siya ulit, di pa rin natatangal ang lungkot sa mukha niya siguro nga napakahalaga ng taong kausap niya sa kanya.

"Thank you sa pagtawag mo kuya" pagpapaalam niya sa kausap, matapos nun ay ibinaba na niya ang cellphone niyaat  bumuntonghininga siya pagkatapos ay narinig kong sinabi niya na

"I LOVE YOU KUYA' habang sinasabi ang salitang ito kitang-kita ko sa mukha niya ang kalungkutan, na para bang hindi niya masabi ang mga salitang iyon sa kapatid niya. Kapatid?? aba kung kapatid niya lang bakit siya natatakot na magsabi ng I love you dito?? Hindi kaya?? Oh My!!! may gusto ba siya sa sarili niyang kapatid?? Ano ba naman 'tong babae na 'to, sa dinami-dami ng mga lalaki kuya niya pa ang napili niya?? sayang maganda pa namn siya.

Pinagmamasdan ko si Sophia habang naglalakad pabalik sa function hall at habang kinakausap ko ang sarili ko ng may naramdaman akong tao sa likod ko

"Hoy, aba iba talaga ang epekto ni Sophia no?? kanina nakanganga ka tapos di ka makasagot sa mga pang-aalipusta niya sa'yo kanina at ngayon naman kinakausap mo 'yang sarili mo diyan?? Dude ano bang problema mo??? nagtataka pero natatawang tanong ni Terrence.

"Ahhhh kasi ano ehh, ahhhm ano" nabubulol kong sagot

"Ano ba yang anong pinagsasabi mo bakit di mo diritsuhin????

"Nawala kasi 'yung kwentas ko dito ko naman kasi nahulog 'yun kanina pero di ko na mahanap ngayon." pagdadahilan ko.

"Baka naman kasi may nakapulot na nun."

"Oo nga ehh, sige na hayaan na natin 'yun bumalik na nga tayo sa loob"

"Mabuti pa nga kasi kanina ka pa namin hinahanap ehh"

Pumasok na ulit kami sa loob. Ayaw ko munang sabihin kay Terrence ang nalalaman ko tungkol kay Sophia gusto ko munanh siguraduhin 'yun.

"hoy, di ba may date ka ngayon?? bakit di mo lapitan ?? nag-iisa pa namn 'yun kasi 'yung mga kaibigan niya ehh parang naglandi ata" tila panunukso nI Ian.

"Ehh nasan ba 'yung babaing yun?? " tanong ko."Nasa table ng mga ka schoolmate nila puntahan muna kasi."

"oo na, at sisiguraduhin ko na mag-sisisi siya sa pagpapahiya niya sa akin kanina." galit kong sabi and I mean it hindi na ako mag tatanga tangahan ngayon akala niya ha"

Nilapitan ko siya sa table nila at alam ko malayo pa lang masama na ng tingin niya sa akin. Naku kung di lang talaga 'to babae ehh pinaghahampas ko na 'to ng upuan.

"Hoy, halika magsayaw tayo"  mayabang kong saad.

"Ehh kung ayaw ko??"

"Hoy, baka nakakalimutan mo may dare tayo kaya wala ka nang magagawa kundi ang sundin ako, pwede ba 'wag mo nga akong tatarayan kasi hindi uubra sa kagwapuhan ko 'yan"

"Sige, makikipagsayaw ako kasi naman naaawa ako sa'yo mukhang excited ka pa naman kaya nga napanganga ka kanina diba??" nakatawa niya namang tugon.

"Hoy, ano ka ba 'wag ka masyadong ma overwhelm ng dahil lang kanina kasi alam mo nagtataka lang namn kasi ako nun kasi nga nagmukha kanang tao ngayon" sagot ko sabay tawa ng malakas.

"Shut up"

Nilapitan ko siya para sumayaw na kami, sobrang ganda niya talaga kaso nga lang parang may psychotic problem biruin mo may gusto siya sa sarili niyang kapatid?

Sweet song 'yung music kaya naman napilitan nalang din akong humawak sa beywang niya, hoy napilitan lang talaga ako kasi nga sweet music alangan ba namang mag hiphop kami dito diba?? 

Kinikilig ako habang tinititigan siya, pero hindi pwede isa lang dapat siya sa babaing pwede kong mapaglaruan. Bahala ka kung iisipin mong masama ako basta trip ko talagang makipaglaro sa mga babae.

Pinagtitinginan na kami ng lahat, kaya naman 'yung iba tumigil na sa pagsasayaw at tumingin na rin sa amin. Ngumiti nalang ako, pero 'tong kasayaw ko mukhang galit pa rin. Pagkatapos ng isang kanta tumigil na kami sa pagsasayaw at ibinalik ko na siya sa upuan nila matapos ay bumalik na rin ako sa upuan ko.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon