#CloseAgad?

12 0 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagpunta sa school agad ko ring pinuntahan sila Miles at Carla, habang naglalakad ngumingiti pa ako dahil bumabalik na naman sa isipan ko ang paghalik sa akin ni kuya kahit na alam ko naman na friendly kiss lang 'yun. Malayo pa lang tanaw ko na sina Miles at Carla na nakikipagtawanan sa isang lalaki. ABA ang kapal ha!!! akala ko naman kung sino si Hanson lang pala. Lumapit ako sa kanila at pabagsak akong umupo.

"Ba't ka nakikipag-usap sa mga kaibigan ko??" naiinis kong tanong kay Hanson.

"Kasi kaibigan ko sila"

"Kaibiagn?? ang kapal mo ha!! bakit pumayag ba ako na makisalo ka sa mga kaibigan ko??" 

"Bakit ba ikaw lagi dapat amg magdesisyon?? pumayag naman silang maging kaibigan ako, masama ba 'yun??"

"Hindi masama ang makipagkaibigan pero kung may masama kang balak 'wag na wag mo 'yang itutuloy or else I'll put you to hell" pananakot ko sa kanya.

"Alam mo masyado kang mapanghusga sa kapwa, di mo ba alam na bad 'yan??" pangungutaya niya pa sa akin.

"wala akong pakialam sayo kaya pwede ba may pag-uusapan pa kaming TATLO!!!!, umalis ka na!" pambubugaw ko sa kanya,

"OO na!!," "Bye, guys see you later na lang" pagpapaalam niya pa kina Miles.

Pag-alis ni Hanson agad kong ikinuwento sa kanila ang nangyari kagabi at ang biglaan kong pagpili kay Hanson para maging partner ko , natuwa pa sila sa amin. Sabi nila hindi na daw namin po-problemahin si Hanson dahil hindi na daw siya mangloloko ng kahit sinong babae sa school, kaya kinaibigan na rin nila ito.

"Naniwala naman kayo agad sa kanya??" nagtataka kong tanong

"Sophia, mabait naman siya ehh, bigyan nalang natin siya ng chance." pagpapaliwanag ni Miles

"At isa pa, nakakatuwa kaya siya sobrang nakakatawa pa, at Sophia diba nga ang tagal na nating gustong magkaroon ng bestfriend na lalaki?? di ba nga gusto natin may tagapagligtas tayp??? ayaw mo nun? magkakaroon na tayo ng kaibigan na lalaki??" dagdag ni Carla

"At gwapo pa ha!" kinikilig na dagdag ulit ni Miles.

"HA! so ganun pala 'yun?? kasi gwapo siya ?? bahala kayo pag nagloko 'tong lalaking 'to at isa pa ha oo alam kong matagal na nating gusto na magkaroon ng bestfriend na lalaki pero hindi ibig sabihin nun pipili nalang tayo ng kahit sino" giit ko.

"Pero please bigyan natin siya ng chance" pagmamakaawa ni Carla

"Bahala na nga kayo" pagtapos ko sa usapan, matapos ay nagpunta na kami sa classroom namin.

After Class

Naglalakad ako patungo sa car ko ng lumapit sa akin si Hanson.


"Hi bestfriend" masaya niyang bati.

"Bestfriend?? shut up!!!"

"Di ba mgkaibigan na tayo??" nakangiti niyang tanong.

"Hindi ako kasali dun sila Miles lang ang nakipagkaibigan sayo at wala akong plano kaya tumabi ka" 

"Hey!" tawag niya ulit sa akin.

"What???" naiinis kong sagot sabay harap sa kanya.

"Di ba nga may utang ka pa sa akin??? dahil mabait ako sa'yo kagabi??"

"Magkano ba ang utang ko?? at babayaran ko ngayon." pagmamayabang ko sa kanya.

"hindi nababayaran ang utang na loob" giit niya.

"Eh di wala akong babayaran" pagmamaldita ko

"Hindi mo ako mababayaran ng pera, marami rin ako nun ang gusto ko tanggapin mo ako sa grupo niyo" seryoso niyang sabi.

"bakit ba pinipilit mong sumiksik sa amin?? tinakwil ka na ba ng mga kaibigan mo??" pagbibiro ko

"Hindi no!, gusto ko lang makipagkaibigan lang din sa inyo masama ba 'yun??"

"AYAW KO SA'YO OKAY?? MAINIT ANG DUGO KO SAYO NAKAKAHIGHBLOOD KA KAYA PWEDE BA LAYUAN MO AKO."

"MALDITA TALAGA OHH!!!!"

Hindi na ako nakasagot sa kanya may sasakyan kasing huminto sa harapan namin.

"Hey LQ agad??" sabi ng isang lalaki sa loob ng sasakyan

Tiningnan ko kung sino.

"KUYA??? bakit andito ka???"

"Gusto ko sana kayong i-envite bukas, mamasyal kami ni Tanya sa paborito nating tambayan nun."

"EHH san ba 'yun kuya??" nakangiting tanong ni Hanson.

"Malapit lang naman 'yun sa subdivision na namin nila Sophia kaya madali lang makapunta" sagot niya kay Hanson.  "Please Sophia ?? matagal na kasi akong di nakakapunta ng perya." pagmamakaawa niya sa akin sabay pa-cute.

Paano ba ako makakahindi nito..........

"Sige sasama ako" pagpayag pa ni Hanson.

"Tumahimik ka nga hindi ikaw ang sinabihan" 

"Bestfriend naman gusto kong sumama hindi pa kaya ako nakakapunta sa ganung lugar, minus 10% na 'yun sa pagkabata ko kaya gusto kong maranasan 'yun" parang batang sabi niya.

"E di magpunta ka mag-isa problema ba 'yun" pang-iirita ko pa sa kanya.

"LQ na naman??? basta magkita tayo bukas doon etetext ko nalang kayo pag andun na kami ni Tanya, Bye guys nagmamadali pa kasi ako." pagpapaalam ni kuya.

Nag wave pa si Hanson sa kanya habang ngumingiti. Walang hiya makakasama ko na naman 'tong lalaking 'to GGGGGGGGGGGGGGGRRRRRRRRRRRRR!!!

Pero gabayan sana ako ng mga tala bukas :) :)

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon