Harana

14 0 0
                                    

Naglalakad ako patungo sa activity area ng school habang namumula sa galit ang pisngi ko. Wala pa talaga si Hanson, kaya kailangan ng papalit sa kanya. Hindi pwedeng may hanging moments ngayon. Nakaplano na lahat ng activities tapos may isang tao na sisira nalang bigla nun?? Aba ang kapal haah.

Habang papalapit na ako sa backstage narinig kong tinawag ng emcee ang pangalan ni Hanson kaya agad akong tumakbo para sabihin na wala pa si Hanson. Nagsigawan lahat ng mga babaing nanood.

Abahhh!! Nganga kayoo wala si Hanson mga ulol. Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo. Ayaw ko rin namang mag -expect sila tapos wala pala. Ang ending sa akin sila magagalit kasi may hindi nagkapag-perform.

Tatawagin ko na sana ang emcee para sabihin na wala si Hanson, nang makita kong nasa stage na pala si Hanson. Hinihingal pa siya ng iniabot sa kanya ng isang staff ang gitara.

Humarap siya sa mga tao, bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

" Heeeelllloooo guys???" Excited at pasigaw niyang sabi.
"I'm sorry because I'm late, I just have to fix something. Well, this song is dedicated to Sophia Martha Yun, sorry and hope you'll like it. It's her favorite song guys entitled Our Song by Taylor Swift so help me with this." malumanay niyang sabi habang dahan-dahang tinutugtug ang gitara.

Tinititigan ko lang siya habang nagpe-perform. Hanggang sa bigla na lang akong hinila ng isang baklang staff at nilapit kay Hanson, nagsigawan ang mga schoolmates namin nang nasa likod na niya ako. Humarap siya habang patuloy na kumakanta.

So don't you worry you pretty little mind people throw rocks and things that shine.
And life makes love
Look hard.
The stakes are high.
The waters rough.
But this love is Ours...

Nakatitig siya sa mga mata ko habang kinakanta 'to, dahan-dahan naman akong umatras. Pero lumalapit siya sa akin. Kaya tumalikod ako at akmang tatakbo na ako, nang hinawakan niya ako at hinila.
Dahil sa lakas ng pagkahila niya halos mapayakap ako sa kanya.
Mas lalong nagsigawan ang mga tao. Ang iba sumisigaw dahil sa kilig ang iba naman sa galit at inggit(with evil laugh).

Dahil sa kaba ko tinulak ko siya at tuluyang tumakbo. Binalikan ko sila Carla at Miles. Nagtatawanan pa sila ng madatnan ko.

"O san ka ba galing?? Sophia para kang hinahabol na aso." mataray na sabi ni Miles.


"Sino ba yung nagpe-perform bakit parang abot ata hanggang dito ang ingay?." nagtatakang tanong ni Carla.

Dahil nga sa sobrang ingay umabot sa office ang ingay, di naman kasi talaga naririnig ang ingay sa labas pag nasa office ka. Masyadong sarado ang lugar.


"Wa ahmm wala" nauutal kong sagot.

"Dumating na ba si Hanson??" Carla

"Oo, buti nga ahmm nakarraaaatttttiiiiiinnnnnggg siiyyyyaaa." nauutal ko pa ring tugon.

"Kaya naman pala grabi ang hiyawan." Miles.

"Bakit parang nauutal ka diyan??" Mataray na tanong ni Miles.

"Haaa??? Ano ba naman kayo, kung ano-ano na 'yang naiisip niyo, kinakabahan lang ako. Syempre ngayong gabi na ang pinakamalaking event"

"Wag mo na nga masyadong isipin 'yung mamayang gabi, okay na ang lahat. Ikaw na lang 'yung masyadong nega riyan." Carla.



Tumulong ako sa mga kung ano-anong ginagawa nila Miles at Carla. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Hanson kanina sa stage.

Habang nagtatawanan si Carla at Miles, biglang bumukas ang pinto ng office at para bang pa-slomong pumasok ang isang lalaki na para bang nasa movie at parang isang superhero para iligtas ang prinsesa.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon