Chapter 19: Diversion

77 3 1
                                    

Umalis ako ng araw ding 'yon na hindi na nagpaalam kay tita. Tumawag siya sa bahay namin to check if I was there, pero wala pa ako. Ni hindi ko man lang nalaman kung ano ba ang surpresa niya sa'kin. Mom texted me to check on my whereabouts at sinabi kong nagpapalamig lang ako at saka na'ko magpapaliwanag. I went to Natalie's place para may makausap. Ang bigat ng pakiramdam ko sa mga nangyari. Was it true na I was just up for the chase dahil tuwing ginagawa ko ang lahat ng kagagahan ko ay mas lalo pa'kong ginaganahan? Or was I really that head over heals in love with Garreth. 

Hindi naman ako nagdududa sa pagmamahal ko sa kanya pero I guess I did too much last time. Alam ko naman 'yon kaso lang sa tuwing nararamdaman ko ang pambabalewala niya sa'kin ay mas lalo akong sinisilaban ng inis.

"Why did you do that, sissy? Are you out of your freaking mind?!" Halos di makapaniwalang tanong niya sa'kin habang umiinom siya ng juice. Muntikan na niya 'yong maibuga sa kin kung hindi ko lang siya tiningnan ng masama.

Nandito kami ngayon sa balcony ng bahay nila at nagre-relax. I need time to think. Nabibigla din siguro akong masyado sa  mga pinaggagagawa ko. Did I really do that? Was it worth it stooping that low for him?.

"I don't know, I saw them, kinantahan siya ni Garreth, and then nagpropose pa siya para maging girlfriend ang babaeng 'yon, no! I won't let that happen. Not ever. Di parin maalis ang pait sa dila ko.

Pumangalumbaba naman siya sa'kin at mataman akong tinitigan,iiling-iling. "Sis, if that's your way of getting close to him, mas lalo lang siyang iiwas sa'yo. For sure natatakot na sa'yo yon. Aba ikaw, daig mo pa ang stalker makapanakot  at makapangbakod. You know naman for a fact na hindi kayo close, much more sinabi mo pa na fiance ka niya? You're totally out of control!" 

"What do you want me to do? pabayaan nalang siya? I waited 6 long years para bumalik siya dito. Para ano? para lang mapunta kay Myles? No freaking way Natalie! Halos maghisterya kong tugon sa kanya. Hindi ko alam kung kakampi ko ba siya o ano.

"If that's what he wants then let him be. "diba ang sabi mo fiance mo siya? Hayaan mo muna siya, dahil for sure, whether he likes it or not babalik siya sa'yo.

Napailing ako. Garreth's not the kind of man na basta nalang susunod sa payo ng magulang niya that's why I'm doing these things desperately kasi kung hindi mawawala siya ng tuluyan sa'kin ng hindi man lang kami naging malapit sa isat-isa.

"Tell me, what's the best thing to do? Ano ba ang dapat na gawin ko kasi hindi ko na alam. Halos mawalan na ako ng gana sa pagkabigo. Is this really worth it?

"Like what I told you, sissy. Chill ka muna. While you're desperately chasing after him, try meeting some other guys too. You know na maganda ka and quite talented at that. Hindi mo ba napapansin na most of the guys in the university likes you or talks about you? The ever  snob Clarysse Aragon was the topic of the boys. Hindi mo lang pansin kasi wala kang ibang ginawa kundi ngumawa at maghabol sa Garreth na 'yan!" Pagkukumpirma niya sa'kin. I know that guys were looking at me pero wala akong panahon sa kanila. Well maybe nga tama si Natalie. I'll get him without hurting myself more. Sa kanya lang ang atensiyon ko mula pa noon. Noong umalis siya ay hindi na nagbago 'yon. Now I realize what I lack, and that is diversion.

"If i do that Natalie, I will look like a player, won't I?. Natawa siya sa'kin ng pagak. Hindi ko maintindahan kung may mali ba sa sinabi ko.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon