I was playing my guitar later that Saturday afternoon. Walang klase, naga-unwind ako ng biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ng nakita kong si Natalie ang caller.
Simula ng sinabi ko sa kanyang bantayan si Garreth ay lagi-lagi na s'yang naga-update sa akin. Maasahan ko talaga ang babae'ng yon sa lahat ng oras kahit na minsan ay may saltik siya.
" Yes, sissy hello, kumusta? Any good news for me? dahil kung wala ay inaaksaya mo ang oras ko. I was busy practicing my craft'!
" Ikaw na nga ang tinatawagan tulad ng sinabi mo, ikaw pa nagmama-asim diyan!"
Natatawang sagot niya sa'kin. Sanay na talaga siya sa ugali ko kaya lalo akong natutuwa sa kanya.
"Spill it out, ano ba kasi iyon!?" Naririnding sagot ko. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat eh iyong inaabala ako lalo na pag may ginagawa ako. Nawawala ako sa concentration.
"Garreth's here in school. Nakita ko siya kanina, at ang balita ko, nag-audtion daw siya as lead guitarist ng school band. Nagtransfer daw kasi si Rico, yung lead guitarist nila at sa Canada na daw mag-aaral kaya ayon oh, nagpa-audition sila kaya nag-audition din si papa Garreth at ang balita ko isa daw siya sa pinagpipilian."
Detalyadong, sabi sa akin ni Natalie. Bilib na talaga ako sa galing niya, ako itong naghahabol kay Garreth, parang ako pa lagi ang huli sa balita. Thank God to Natalie.
" Ha?Ano? Teka? Bakit? At bakit nandiyan ka sa school? Diba walang pasok ngayon? Naguguluhang sagot ko".
"May tinatapos akong report ngayon. Nagkataon lang na nakita ko siya kanina, at syempre nakapagtanong na din ako sa iba. Ako pa ba? Wala ka bang bilib sa akin?.Walang imposible kay Natalie Contreras! Keep that in mind my dear, sissy!"
"Oo, Ikaw na talaga!. Wait andiyan ka pa ba sa school? Si Garreth? Pupunta ako diyan ngayon din!. I can't let this day pass though. Magchi-cheer ako para pumasa siya sa audition.
" Yes, still here sis, it's just 4pm. If I heard it right, they will be here until 8 in the evening so you better make your self ready and get your ass here. Bilisan mo!" Sigaw niya sa'kin sa phone.
" Thanks sissy, I owe you a lot! i'll be there in a jiffy. Meet me at the school cafeteria. I'll be there in 15 minutes.
"Okay, sis. Bye".
15 minutes, eksakto nakarating ako sa school. Diretso agad ako sa cafeteria kung saan inip na naghihintay sa'kin si Natalie. Inignora ko nalang ang inis niyang tingin.
"Antagal mo naman sis, kahit kelan ang bagal ng radar mo pag dating kay Garreth, are you really sure that you like him like what you're trying to prove? Parang di naman ata ako naniniwala". Pagbubunganga nya sakin.
" Ay andaming sinabi, I made it on time okay? Asan na siya? nasa audition room pa ba? Pede bang pumasok don? Tanong kong medyo nakanguso.
" Of course, it's open for us school reporters, but not for you! but since I have connections, halika na at baka tapos na yon at di mo maabutan. Bagal mo kasi!" Nanlalaking matang asar niya sa'kin. Natawa nalang ako, saka sumabay sa kanya papunta sa audition room.
BINABASA MO ANG
You Will Love Me Back
RomanceYou can always try, Rysse, but I'll make sure you'll regret this. I can't love you back. Not now, not ever!