Chapter 14: Insecurities

42 1 0
                                    

Maaga kaming nakarating ng Baguio, sakto alas-dose ng dumating kami. Walang traffic sa Edsa at himalang smooth na smooth ang biyahe namin kahit na halos mahilo ako paiko-ikot na kalsada ng lugar. Naka-idlip  ako ng konti kaso lang hindi ako mapakali, may kung anong bumagabag sakin . Mabuti nalang at hindi maingay ang James na 'to kung hindi itinapon ko na sana siya sa bangin.

"Hey couz, what's with the face? Masama ba ang tulog mo sa biyahe? Tumutulo pa nga ang laway mo eh so I bet hindi yon ang dahilan?!" Asar niya sakin na lalong ikinabusangot ng nguso ko.

Ang totoo nagtext sakin si Natalie. Nasa school daw siya para sa meeting ng org nila at ibinalita niya sa'king nakita niya si Garreth. Hindi ako mapakali kasi ano ba namang gagawin niya eh wala namang pasok? Kinabahan ako bigla.

Mula sa pagkabusangot ng mukha ko ay narinig kong tumunog ulit ang cellphone ko. It's from Natalie again.

"Hey sissy, how are you? I know you're having a gig. Just saw Garreth with Myles earlier. Just thought you should know. bye muah! klik!."

-Sissy

Napatanga ako sa cellphone ko sa nabasa. "Talaga lang? ti-next nya ko para sabihin lang yon? What for? Eh ano naman kung magkasama sila? Baka naman may pinag-usapan lang" Then curiosity hit me. Dali-dali din akong nagreply.

"Oh so he's in school? anong meron?"

-Sissy

" Dunno, nagkakatuwaan sila. Well actually I saw them going to the music room. Manghaharana ata lol.

-Sissy.

"Nanga-asar  ka ba?! Anong manghaharana? Sino? Bakit?

-Sissy

" Sino pa, yung love of your life mo. Sorry sis but I guess Garreth's into her. Gusto ko lang malaman mo :(".

-Sissy

"Well we're not sure about that sis. Please watch him over and tell me any news na masasagap mo, ok?. I better get going now, we need to prepare. Thanks!".

-Sissy.

"Okay sis, Goodluck sa inyo. Ikumusta mo narin ako sa kanila. Bye mwah!

-Sissy

"Bye. Ingat!" Reply ko sa kanya saka tuluyang bumaba ng kotse.

James' s been calling me a couple of times pero parang wala ako sa sarili. Kinabahan ako sa ibinalita ni Natalie pero dapat hindi muna yon ang pagtuunan ko ng pansin. The band needs me, so I must stay in focus .Naiinis lang ako sa sarili ko dahil daig ko pa ang stalker sa pagmamatyag ko sa kanya, pero ano ba? Mahal ko 'yon at di ko hahayaang maagaw ng iba!

Myles is an achiever, beauty and brains at galing din naman sa mayamang pamilya. Well to hell I care? mas malapit ako sa pamilya ni Garreth, mas mahal ako ng magulang niya so mas papaboran nila ako just in case. The problem is, I don't have his heart. Still I'm betting on this game. All-in ang pusta ko dito so hindi pwedeng matalo.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon