Chapter 24: Touch

62 2 1
                                    



Friday, unang araw ng canvassing para sa mga tickets na na-sold out na para sa pageant. Tiwala naman ako dahil I already sold a total of 10,000 tickets in just one week. Magaling si Natalie magbenta, and my mom and tita bought some of my tickets na sabi ay balato na nila sa'kin. Natutuwa kasi sila dahil may bagong bagay ako na pinagkakaabalahan.


Pumasok ako ng maaga sa school dahil meron pa akong assigment na hindi pa nagagawa at may rehearsals pa mamayang hapon kaya halos hindi ako magkanda-ugaga. Pilit kong pinagkakasya ang oras ko para lang maisabay lahat ng activities na dapat kong gawin sa araw na ito at isa pa may practice pa ang banda bukas. Napapagod ako pero keri lang basta ang mahalaga ay manalo ako.


"Sissy!" Sigaw ni Natalie sa'kin ng makita niya akong nakaupo sa bench sa may school park. Dito ko balak gawin ang assignment ko dahil hindi ako makapag-focus kung sa room o sa library ko'yon gagawin. Nakaupo ako sa may bandang dulo, kung saan walang tao.


"Today is the first day of canvassing, sis and for sure ikaw na ang nangunguna!" masayang balita niya sa akin at umupo sa harap ko.


"You already sold 10,000 tickets! Record breaker ka hija, ano bang meron ka at nahuhumaling ang madla sa'yo!" Pambibiro niya sa akin.


Napasimangot ako bigla. Nahuhumaling ang madla sa akin kamo? Eh bakit yung nagi-isang tao na gusto kong mahumaling sa'kin ay hindi? Kung ganoon sana nga talaga eh di sana hindi nalang ako sumali sa contest na'to para lang mapansin niya ko.


"Don't worry sis, you'll win this game. Ngayon ka paba malulungkot eh lamang na lamang kana? You've sold worth of 200,000 worth of tickets. Hindi basta-basta yun 'noh!" Pagkukumpirma niya sabay hawak sa kamay ko.


"Hindi ako nalulungkot, Natalie. I'm just worried na baka matalo ako. I saw Myle's performance last time at nagulat talaga ako. Not that I'm not confident, but because Garreth's on her side. Doon palang sa support na binibigay niya eh dehado na'ko."



"Sis, ikaw ba yan? Kelan ka pa tinubuan ng kaba? Akala ko ba palaban ka?"


"Well, it's just a feeling, pero you know me. I always fight for what is supposed to be mine kaya sige." I've gained my confidence again at kinalimutan ang mga agam-agam. Like what she said, I'm on the lead. Hindi na masama.


Hindi nagtagal ay iniwan din ako ni Natalie dahil tinawag siya ni Tina, one of her classmates para sa project nila.


Nasa gitna ako ng pagsagot sa ilang questions sa assignment ko ng nakita kong paparating si Garreth and guess what? kasama niya si Myles at naupo sa isang bench na 'di kalayuan sa'kin. Hindi nila ako pansin dahil nasa may dulo ako at nakatalikod pa ng upo, pero dinig ko kung ano ang pinagu-usapan nila.


Dinig na dinig ko ang malambing na pagtawa ni Myles na akala mo ay kinikiliti na di mawari. Naglalandian pa sila na hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung sila na ba, pero ang alam ko ay hindi dahil may usapan kami ni Garreth, pero who knows? Hindi naman ako nakakasiguro kung mananalo ako o hindi kaya wala akong karapatan na pigilan siya sa ano mang gusto nyang gawin. Gayun man ay inis na inis ako. Of all places, bakit dito pa? Bakit kailangang lagi ko silang makitang magkasama? It's too much torture for me.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon