Chapter 6: Spin

74 3 0
                                    

Clarysse's POV

Bumalik ako sa sala na parang walang nangyari. Nagdiriwang ang puso ko sa nagawa kong kabaliwan. Ok na yon kesa di nya ako pansinin. Ok na yon kasi kahit papano may nararamdaman na sya para sa'kin kahit na nag-umpisa sa mali. Ang babaw ko talaga! Aminado naman talaga ako don. S'ya naman kasi eh, parang pinaglihi sa sama ng loob. Kung naging mabait sana sya sa'kin 'di hindi ko gagawin yon. Daig pa nya ang babae'ng may dalaw sa klase ng ugali nya.

'Hi guys, sorry It took me long, miss me?" nakangiti ko'ng bati habang  akmang u-upo sa couch.

"It's okay Clarysse, we're just chilling and yeah we miss you! LOL!." ani Mitch

"Why don't we start a game guys?, just for fun! The night is boring without us having some extra curricular activities eh!" yaya, ni Jason.

"What kind of game, pare? Maganda ba yan? game ako!"  Sagot na malakas ni Jules. Medyo lasing na ata at malakas na ang tono ng boses nya.

" Spin the Bottle, pare!" Sabat naman ni Eric.

Napa-thumbs-up naman si Jason sa suggestion ni Eric kaya nagkayayaan ang lahat na magtungo sa mini-bar katabi ng living room. May malaki kasing long table don na sadyang ginawa for some private occasions.

Nagsi-unahan na silang pumunta doon habang  si Garreth naman ay walang nagawa at napa-kamot nalang ng ulo at  napahawak sa labi nya.

Lintik na labi yan, nangaasar ba o nangse-seduce? Feeling ko tuloy hinalikan nya ko kanina at namumula yon ngayon. Nagtitimpi siguro ng galit. Bahala nga sya sa buhay nya. Ang cute nya lang tingnan.

" Oh Garreth, tol, lika na! Ano pa bang kinakamot-kamot mo dyan? makati ba? pakamot mo kay Clarysse!" Nanga-asar na sigaw ni Jules. kinilig naman ako sa narinig. Ay aba, kung papakamot sya, kakamutin ko talaga kahit saan mahawakan ko lang sya.

Napatingin si Garreth sa'kin. Kunyari di ko 'yon napansin pero napangiti ako. 

"Gago!" Sigaw sya sabay dirty finger kay Jules. Nagmartsa nadin sya papunta sa'min. Wala naman syang nagagawa dahil sya lang naman ang walang tama sa'ming lahat. 

Umupo kaming lahat sa long table. Lahat kami may kanya-kanyang drinks na ini-inom. Margarita and mojito sa'min ni Mitch samantalang beer naman ang sa mga boys. Nalula na'ko sa paiba-iba ng iniinom namin.

Pumwesto na kami sa upuan.  Magkakatabi kami palibot sa lamesa. Si Jules, Andy ,Mitch, Garreth, Eric, Jason at ako.  Sa dulo ako nakapwesto at halos katapat ko sa mesa si Garreth. Tuwang-tuwa naman ako kasi kita ko kaagad ang expression nya kahit medyo dim ang ilaw sa bar.

"Okay guys same old rule. Truth or dare lang naman, walang consequences". Nakangiting sabi ni Jules sabay taas ng bote ng beer nya at nag-cheers sa amin. Sumang-ayon naman ang lahat.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon