Nung gabi ding yon pagkatapos namin mag-usap ni Dre' ay napagpasyahan ko'ng magpapasa ng application para sa beauty pageant na 'yon. Wala namang magi-isip na gagawin ko yon para makipag-compete diba? It's a choice on my part kaya wala namang masama, and heck this is about getting my pride back too.
Nung umaga ding yon pagpasok ko sa school ay humingi ako ng application form para sa pageant, hindi pa naman ako huli at ang rehearsals ay gagawin next week so yakang-yaka ko pa. Tinawagan ko rin si Natalie to tell her that I made up my mind at gagawin ko talaga ang kalokohan kong ito. Tuwang-tuwa naman siya para sa'kin dahil atleast magkakaroon ng diversion ang buhay ko.
Nagfi-fill up ako ng application sa may park malapit sa engineering department, of all places! Hindi ako nabibilang sa lugar na 'yon pero di ko mapigilang pansinin ang mga tingin at titig ng mga tao sa'kin. Is there something wrong? bakit, bawal ba dito?
"Hi miss, you're Clarysse, right?" Tanong ng isang lalaki sa harapan ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya, dahilan kung bakit nahinto ako sa pagsusulat. Napakunot ang noo ko.
"Yes? Do I know you?" Tanong ko sabay balik ulit ng tingin sa ginagawa ko.
"ah eh, wala, I just wanted to say hi, just making sure na ikaw nga yon". Napakamot siya ng batok sa pagkataranta.
"What if it's me? medyo mataray na sagot ko pero kontrolado at tinatago ang inis. Hindi ako nakikipag-usap lalo na sa hindi ko naman kilala but I need to be friendly. Kailangan yon para mai-promote ko ang sarili, just like the old times.
"So, ikaw nga?... batchmates tayo noon. Napansin ko lang kasi na nandito ka sa park so I wanted to make sure na ikaw nga yon. Yung mga friends ko nga pala andon, kinakamusta ka nila.
Napatingin ako sa mga engineering students na tinuro niya. Doon ko lang talaga napansin na maraming nakatinign sa'kin. Ikaw ba naman kasi ang magfill-up ng form sa lugar nila. Maninibago sila, siguro ngayon lang nakakita ng maganda. Halos puro boys kasi ang mga nasa engineering department.
Ngumiti ako sa banda nila at tumango. Instant celebrity ang dating ko dito. Ganyan talaga pag maganda.
"Ah okay, ngiti ko sabay balik ng tingin ko sa kanya. Sorry ha medyo mali yata ang tinambayan ko, may pini-fill-up-an kasi akong form, ipapasa ko lang din dito malapit sa department niyo. Wala kasing ibang space na malapit eh" Sabi ko sa kanya at tumango.
"Ah, walang problema doon. open naman para sa lahat itong park, eh. btw, ako nga pala si Archie, if you don't mind me asking, nakita ko kasi na nagpi-fill-up ka para sa pageant, sasali ka? Biglang kuminang ang mga mata niya sa napagtanto niyang gagawin ko.
"Oo eh, pwede pa ba ako? medyo patawa kong sabi. Nakakatuwa din naman pala pag may pumapansin sa'yong iba.
"Ofcourse, sino namang magsasabing hindi? Kung sasali ka, don't worry susuportahan ka namin". Natutuwa talaga ako sa mga naririnig na suporta mula sa iba. Now for sure, makakahanap ng katapat ang babaeng yon sa'kin.
"That's good! pero i heard, si Myles ang pambato ng department nyo? diba dapat siya ang suportahan niyo?"
BINABASA MO ANG
You Will Love Me Back
RomantikYou can always try, Rysse, but I'll make sure you'll regret this. I can't love you back. Not now, not ever!