Dumeretso ako pabalik sa playground. Ngayon naman nanonood sila ng magic at tuwang-tuwa ang mga bata'ng katulad ko. Nakita ko kung pano kinuha ng isang clown yung kuneho sa loob ng sumbrero nya. Mangha ang lahat samantalang ako nakahalukipkip lang sa may tabi at nakanguso.
Napalingon ako sa gawi ni Garreth at nagulat ako ng makitang nakatingin din sya sakin na nakasalubong ang mga kilay. Ngumiti nalang ako sa kanya na parang walang nangyari. Bumusangot nalang sya sabay lakad palayo sakin.
Oo nagkamali ako kanina pero parang sobra naman yun para magalit sya sakin.
Tinawag ako ni mommy mula sa likuran, napalingon ako at nakitang kasabay na nya si Daddy pati sila Tito at Tita.
" Oh, hija, why don't you join them? They are having fun ba't mag-isa ka dito? Nakita mo na ba si Garreth?".
"Andun sya mommy"! sabay turo ko sa gawing harapan.
Lumapit si mommy sakin sabay hawak sa kamay ko at ginawi ako papunta sa dereksyon ng mga bata. Sumunod narin sila Tita sa'min.
Habang nagkakasiyahan ang lahat, tinawag ni Tita Cherry si Garreth papunta sa'min.
" Garreth, hijo, why don't you introduce Clarysse to your friends? wala pa syang kakilala sa mga kaibigan mo, better introduce her to them para naman hindi sya mag-isa."
Tumingin si Garreth ng matalim sakin sabay baling ke Tita. " Opo, mom"
He's a good kid afterall kahit napilitan lang..
Tinawag nya ko para sumunod sa kanya, nag half-run ako para makasabay sya sa paglakad. It feels good being near him. Ewan ko ba kung bakit.
" Wag kang magi-inarte kung gusto mo'ng makilala ang mga friends ko at may I remind you, di tayo close. So be good to me and to my friends"
"ah, oo okay, no problem.. . sorry nga pala kanina. Di ko naman sinasadya" Di na sya sumagot, sa halip mas binilisan pa ang paglakad. Bata pa lang sya pero matangkad na kaya nahihirapan akong humabol sa kanya. Lakad-takbo tuloy ang ginawa ko para lang maabutan sya.
"Paul, Renz, Si Clarysse, family friend namin" pakilala ni Garreth sa'kin. "Kayo na ang bahala sa kanya, pupuntahan ko lang si Chelsea. Sabay takbo nya paalis.
Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalang yon. It couldn't be the Chelsea I know, could it?
Akala ko pa naman ipapakilala nya ko sa lahat ng friends nya, hindi pala. well hindi nga pala kami "close" kaya ba't nga naman ako aasa?. Feelingera tuloy ang labas ko!
Naalala ko tuloy yung araw na nakilala ko si Chelsea. Nasa bahay din kami nila Garreth non for a gathering. She's a very pretty girl, maputi ang kutis at may alon ang mahabang brownish na buhok. Sabi ni mommy, half-american daw sya kaya mukha syang kakaiba sa karamihan.
Well maganda din naman ako sabi ni mommy. Hindi ako kaputian, medyo mapusyaw na brown ang kulay ng balat ko na parang kumikinang sa liwanag. Maitim at mahaba ang makapal ko'ng buhok na abot sa baywang, Makapal din ang pilik mata na bagay sa mata ko'ng bilugan. Sabi ni mommy, my eyes speak volumes and they are like sparkling diamonds in the sky. Natutuwa ako pag sinasabi ni mommy yon, ewan ko ba, siguro para di ako ma-insecure sa iba kasi totoo naman talagang maganda ako, yun nga lang sa edad ko'ng 9 medyo maliit ako kumpara ke Chelsea. Natural lang naman daw yun at lalaki pa naman ako.
" Hi, I'm Chelsea Murray, Chelsea for short. Halika laro tayo don sa may veranda." Yaya nya sakin.
"May barbies akong dala. Nabobore kasi ako dito, buti dinala ko sila, wala akong makitang ibang bata, buti dumating ka. Can we be friends?
Friends agad, eh di ko naman sya kilala. Well since nabo-bore din naman ako, sumunod ako sa kanya. Mukha naman kasi syang mabait.
" Her name is Little Chelsea, this one is Parker, mga babies ko sila" pakilala nya sakin sa mga manika nya. Sayang, sana nagdala din ako para di ako nakikihiram ng laruan.
" Ang ganda naman nila,"bakit little Chelsea ang pangalan nitong manika mo? Sabi ko sabay kuha ko sa manikang kapangalan nya.
"Ah, eh kasi sabi ni mommy magkamukha daw kami. Ang cute diba? Sabay ngiti sakin.
Isip ko, weird lang magpangalan ng manika ng tulad ng sayo kasi later on masisira din naman yon.
Naglaro kami ng barbie sabay takbuhan paikot ng veranda. Sa sobrang tuwa ko, kinuha ko ang barbie nya at tumakbo palabas ng natisod ko yung malaking vase. Nabitawan ko ang barbie nya at biglang naputol ang kamay, sobrang lakas siguro ng bagsak ko kaya nasira.
" Anong ginawa mo? Sigaw nyang umiiyak. Ba't mo sinira ang baby ko? Magagalit si Daddy ko nyan!
"Anong kaguluhan ito"? Sigaw ng isang tinig malapit sa may pintuan. Napatingin ako sa dereksyo'ng yon habang nakahiga parin sa sahig. Tumakbo si Chelsea palapit sa tinig.
"Kinuha nya yung barbie ko ng walang paalam tapos sinira nya! Humagulgol pa ito ng buong lakas habang nagsusumbong.
Napapikit ako sa sakit habang sinusubukan kong tumayo. Tumingin ako sa baba, at nakita kong may gasgas sa magkabilang tuhod ko, namumula pa at may kaunting dugo.
Nangangatog ako sa sakit sabay sabing hindi ko sinasadya.
Binasag mo yung vase namin! Alam mo ba kung magkano yan? Isusumbong kita kay mommy! ' Di kas kasi nagi-ingat! Angil nya sa'kin.
"Di ko naman sinasadya, sorry na" paliwanag ko.
" Pinapanood ko kayo don sa may pintuan habang naglalaro, kinuha mo yung barbie nya ng walang paalam! Kung di ka sana nakialam, hindi sana nabasag yung vase at nasira yung laruan!
"Inggetera ka kasi kaya mo ginawa yun' sawsaw ni Chelsea habang umiiyak parin.
Teka lang! oo kasalanan ko, natuwa lang naman ako sa maniyka kaya ko ginawa yon. Di ko naman sinasadya eh. Pero bakit ang lumalabas, ako pa ang bully? Nasaktan na nga ako sa pagkakatisod, dumudugo nadin ang tuhod ko, ako parin ang lumalabas na masama?
Ito namang si Chelsea, sya naman ang nagyaya sakin na maglaro tapos kung makapagsumbong sya kala mo pinilit ko sya na kalaruin ako.
Madami akong laruan at manika sa bahay na mas mahal at mas maganda pa sa manyika nya.
" Papalitan ko nalang, marami naman akong manyika sa bahay! mas mahal at maganda pa sa manyika mo para matigil ka lang!" Sigaw ko sa kanila.
Nanggigigil akong di ko maintindihan. Kasalanan ko, oo pero sobra naman.
"Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang mayabang dyan! Sigaw sakin pabalik ni Garreth
" Huwag ka ng makipaglaro ulit sa kanya Chelsea, clumsy sya masyado at mayabang pa. Alo nya dito.
Biglang sumulpot si Tita sa veranda.
" Oh my God, hija are you okay? you're bleeding! What happened? Let's tend your wound baka maimpeksyon.
"Mom, binasag nya yung vase at sinira yung manika ni Chelsea!" sumbong ni Garreth
"Oh, Garreth, can't you see she's hurt? Call your nana Lucy to clean the place, baka mabubog pa kayo"
"Clarysse, hija. come with me and let's check your wound baka may piraso ng bubog d'yan. Your mom is there, let's go to her. You have some explaining to do.
Napayuko nalang ako at biglang namula ang mata. Di man lang napansin ni Garreth na nasaktan ako, mas inuna pa nyang aluin si Chelsea dahil sa manyikang yon.
Sumama ako kay Tita para pumunta kay mommy at nilagpasan sila.
From now on, I hate Chelsea. kala mo mabait, hindi pala. Magaling umarte!
BINABASA MO ANG
You Will Love Me Back
RomanceYou can always try, Rysse, but I'll make sure you'll regret this. I can't love you back. Not now, not ever!