Chapter 12 Hurt

100 3 0
                                    

Sobrang nasaktan ako sa nangyari, hindi ako halos makatayo sa kakaisip kung bakit ganoon siya, kung bakit ganon nalang ang disgusto  niya sa'kin when in all I want is to be close to him. Masyado ba akong naging agresibo? Napakacheap ko na ba talaga na tipong nandidiri siya sa'kin?  Hell I'm Clarysse Aragon, Maganda. Mayaman. A perfect fit for him pero bakit sa tabi niya nagmumukha akong basahan? Dapat ko na bang tigilan to, at maghanap nalang ng iba? pero ang isipin ko lang na lulubayan ko siya parang mamamatay na'ko. Hindi ko kaya.  Am I too obsessed? Ang sabi nga ng iba, Pour it all out until there's nothing left. Siguro pagnamanhid nako, hindi nako masasaktan. And that's all I want to be right now.

Last chance, Clarysse, last chance. And then forget all about him.  Nobody treats you that way!

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay nahirapan akong makatayo pero kailangan ko ng bumalik sa loob para tignan sila mommy. 

Inayos ko ang sarili ko, shed my tears and get my mirror in my purse para tingnan kung ayos paba ang mukha ko. Kailangan maging okay lang ako. Babalik ako doon na parang walang nangyari.

Habang papalapit ako sa loob ay narinig ko'ng nagtatawanan sila. Mukhang masaya sa kung ano man ang nangyayari. Ako lang yata ang halos mamatay sa lungkot. Ngayon ko lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Ganoon ako katinding nasaktan.

Hindi ko alam kung anong hitsura ang ipapakita ko sa kanila. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin. Medyo ayos na, hindi na siguro halata ang pamumula ng mga mata ko.

Dahan-dahan akong pumasok. Si Daddy kausap si tito, si Mommy at si Tita naman kumakain ng desert. Hindi ko makita kung nasaan sa Garreth, siguro bumalik na sa kwarto nya kasi ayaw nya  akong makita.  To hell with him!

Hindi nya ako hahalikan kung ayaw niya talaga sa'kin. Sino ba'ng niloko nya? Sarili niya! bastard! But I won't stop that easily. Not now na parang may naaninag na akong pag-asa. Napangiti ako ng mapait.

"Hang on, Clarysse. Just hang on" Sabi ko sa sarili ko habang nasa loob ako ng kotse pauwi sa bahay. Tamang tama din ng pagpasok ko sa living room nila tita ay malipat na sila matapos ng kwentuhan, kaya naman gumaan ng konti ang loob ko ng magpasyang magpaalam na sila Daddy.

Iisipin ko nalang ang gig ko bukas, naging pasaway pa ako kila kuya James para lang sa dinner na 'yon. Nasaktan lang ako. Yan kasi sobrang kulit ko, buti nga! Nagagalit talaga ako sa sarili ko. Parang timang lang.

Nakauwi na kami sa bahay ng maayos, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko, maga-alas-dies na ng gabi, masyado ako'ng napagod sa mga kaganapan kanina. I didn't mean to go extremes pero pinilit n'ya ko. Nakakainis! Garreth ano bang gagawin ko sa'yo!?

Kinuha ko ang gitara ko at doon ko binuhos ang lahat. Pin-ractice ko ng paulit-ulit ang mga kakantahin namin bukas. Sawi na nga sa pag-ibig, pero pag dating sa musika, ayokong maging sawi. Kailangan ko'ng galingan bukas. Ayaw kong mapahiya.

Sa paulit-ulit kong pagtugtog, naisipan kong kumuha ng papel at ibuhos lahat ng emosyon ko. Now, I already wrote a song out of nowhere. Okay din pala minsan pag depressed, nakaka-create ng obra. natawa ako. 

"I've known you for years, but you didn't know me at all"

"I fall for you everytime, yet you refused to fall"

" All those times, I look at you, baby you never looked back, how cruel of you?"

"Can't you see my heart's beating for you? Are you blind not to see everything I do?"

Baby this is hard for me, guess it ain't hard for you 

Can you teach me, teach me how to forget you" 

Naiiyak ako habang sinusulat ko ang kantang 'to pero siguro nga, you might feel heartbroken, but not the song you make. Marami sigurong makaka-relate. Haay shit! I hissed. I feel bad, really bad parang sasabog ang diibdib ko.

Kinakaya ko lang ang lahat at nasisiyahan ako sa ginagawa ko. Nasisiraan na nga yata ako.

I just need to look forward for tomorrow. I need to be ready. New day, new hope. Asa!

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon