Chapter 13: Enlightenment

56 2 0
                                    

Alas-tres ng madaling araw ay gising na ako. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip. Nainis ako sa sarili kung bakit ngayon ko pa dinaramdam ang lahat kung kelan importante ang lakad ko.

Dali-dali akong bumangon para magkape. Alam naman nila mommy ang tungkol sa gig ko kaya maagang nagising si nana Ising para asikasuhin ako. Ang tanda ko na pero alagain parin, pero maano ba ganoon talaga.

"Hija, si Sir James po nasa ibaba na, hinihintay kayo" Tawag ni nana, kaya biglang natapos ang pagmumuni-muni ko sa tasa ng kapeng iniinom ko.

"WTF! It's frigging 3 am at bakit andito na kagad ang kumag na 'yon? Akala ko ba 5:00 am niya ko susunduin? Ni hindi pa'ko nakakapag-ayos!"

" Ang aga naman niya, pakisabi po maghintay siya sa baba at lalabas na'ko" Sagot ko. Tumalima naman si nana.

 .

"What brings you here this early, cuz? Akala ko ba 5:00 am???!!! Alas-tres palang for Christ sake!

"Hey, no biggie girl, sinisigurado ko lang na gising ka na, alam ko naman na tulog mantika ka kaya nandito na'ko agad. Mag-ayos ka na, kakain muna ako ng breakfast.

"Ayos, ah. Ang aga-aga mo, yun pala makikikain ka lang? banat ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako, sabay gulo ng buhok ko. " This is what family is all about, If I were you bibilisan ko na ang paga-ayos, nakakahiya kasi yung panis na laway mo habang pinapagalitan ako" puna niya sabay halakhak ng malakas.

"Abat! 'tong kumag na to! Grrr!  Hampas ko naman sa kanya ng malakas

Dali-dali akong umakyat para maligo at mag-ayos. After an hour natapos na ako, Umalis na din kami kaagad.

Habang nasa byahe kami ay panay ang daldal niya, nakakarindi. Ako naman sobrang inaantok talaga kaya naidlip muna ako. Hindi ko nalang siya pinapansin.

"Hey cuz, what happened to your date"? Tanong niyang medyo nanggising ng ulirat ko,

"Date? It's a family dinner not a date. I hissed.

"Ah I see, now I know. Sige matulog ka nalang para makapagpahinga ka. Halata kasi na pang biyernes santo yang mukha mo.

Anong halata ang ibig niyang sabihin?  Isip-isip ko habang nakatingin sa kanya. I was in total awe.

"Anong now you know ang pinagsasabi mo"!? Tanong ko sa kanya sabay hampas sa braso niyang hawak ang manibela.

"Whoah mababangga tayo. Look Rhysse, kilala kita.  At sa hitsura mo ngayon halatadong basted ka. tss! Sabay irap sakin.

Nakakainis talaga ang isang 'to. Bakit ba parang alam nito ang lahat pagdating sakin. Uminit naman  bigla ang ulo ko sa sinabi nya.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon