Chapter 11: Kiss

63 4 0
                                    

Clarysse's POV

Masama ang tingin ni Garreth sa'kin ng papasok na kami ng bahay nila. Kung pwede nga lang umalis siya ng bahay ay gagawin niya base sa bugnot ng noo niya at matalim na titig. Hinayaan ko nalang siya at kunwari di pinansin. Naunang naglakad sila Daddy at mommy at nahuli ako. 

Nasalubong niya sila daddy sa may pintuan at nagkamustahan na parang normal lang. Kung sabagay sa'akin lang naman siya  hindi normal.

"Oh hijo, it's glad to see you. You've grown as a fine and  handsome man. Your dad must be proud. Bati ni Daddy. Sabay tapik sa braso ni Garreth.

"Thanks, tito. You look great as well. Sagot naman ni Garreth.

"yes, my son's all grown up at kita mo naman kumpadre, manang mana sa ama hindi ba?" Natatawang sabi ni tito Robert. 

"Natawa din si Daddy. "Likewise my daughter kumpadre. Bagay na bagay sila" 

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, napangiti ako at medyo nag-init ang pisngi. Si daddy talaga masyadong madaldal. Mamaya iba na ang isipin ng lalaking yon. Asar pa naman yon sa'kin.

Lingid sa iba, nakita ko ang sandaling pagkunot ng noo ni Garreth sa narinig. Halatang naasar kaysa sa nabigla. Well, paki ko. Mas natuwa nga ako eh.

" Oh, let's go inside mare, pare. Sa loob na tayo mag-usap. I'm sure gutom narin kayo. Yaya ni Tita, para maiba lang ang usapan. I felt the sudden pressure but now it's gone. Natuwa ako kay Daddy sa mga pinagsasabi niya.

Pumasok na kami sa loob at doon sa living room nagkwentuhan ang dalawang pamilya.  Mukhang di mapakali ang isa kahit na ang pinagu-usapan ay tungkol sa business.

" Garreth hijo, I heard your going to help your father in managing the construction of our new building in the Fort. Pagkukumpirma ni Daddy.

"Yes, tito. I want to run our business in the future. Sana po okay lang sa inyo. Maiksing sagot ni Garreth.

"My son had perfect A-grades back in the US and he'd been helping developing the structures of newly bult buildings there. He's too good. I'm not bias kumpadre, but my son is amazing." Pagbibida ni tito sa kanya. Sa narinig ko ay lalo lang akong humanga.

"No doubt, about that kumpadre." Mukhang na-impress si Dad sa pagbibida ni tito. Tumango-tango lang siya na napapangiti.

"Pero kumpadre, sa marketing strategy mo ako lalong napabilib". Malakas na tawa ni Daddy.

Nagkatawanan din ang lahat. Sila mommy at tita na nagu-usap ay natawa rin. Ako naman ay napangiti lalo.

"My daughter is a fine arts student. She's also smart at marami ng nagawang paintings sa bahay. She even sells them in a good price. Kaya na niyang mabuhay sa paintings palang niya." Pagbibida naman ni daddy sa mga pinaggaga-gawa ko.

"She sings well too". Pagdagdag pa niya.

Napansin kong biglang napalingon si Garreth  sa'kin. Mukhang nabigla siya sa sinabi ni Daddy. Iniisip nya siguro kung may talent daw ba talaga ako.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon