Chapter 15: Incomplete

23 0 0
                                    

Buong tanghali akong halos walang gana, sa pagkain,  sa buhay at sa lahat ng dapat naming gawin dito. Hindi ko maiwala sa isip ko ang sinabi ni Natalie, pero gayun pa man, I won't let the frustrations and insecurities eat me lalo na ngayong nandito kami para tumugtog at hindi para pansinin ang nararamdaman ko.

"Couz, it's almost time let's go to the venue". Tawag ng pinsan ko galing sa labas. Katatapos lang namin magrehearse at oras na para pumunta kami don.

Hinanda ko na ang gitara ko at sinenyasan siyang susunod na ako. 

"I noticed you're not feeling well this afternoon, Rysse. Whatever it is, just forget it for a moment. We have an important thing to do". Puna sa akin ni Dre na nakanguso ngayon dahil parang hindi siya sanay na makita akong tahimik.

"I'm sorry, I'm just occupied. Don't worry wala lang 'to. Sagot ko sa kanya na bahagyang iniwas ang tingin para hindi na nya  ako usisain pa.

"It's okay, let's do our best!" Ngiti niya sabay tapik sa akin. Kinuha narin niya ang bitbit kong gitara at binuhat 'yon.

Natawa nalang ako ng unahan niya akong maglakad dahil nababagalan daw siya sa'kin. Nagkita-kita kaming lahat sa labas ng hotel.

Dumating kami sa venue. Medyo marami ng tao at may mga Emcee's na sa stage na nagpapakilala sa mga guest speakers. Nagpunta kami sa backstage para iayos na ang mga instrumento namin at makapag-prepara narin.

Narinig ko'ng tinawag na ng Emcee ang unang banda na tutugtog.  Pang-lima kaming tutugtog para sa charity event na ito. Hindi maalis ang kaba ko at panay ang kuskos ko sa aking mga kamay na halos di mapakali.

"Will you please stop doing that, Rhysse! para kang baguhan na kinakabahan sa unang stage presence mo!' Saway ng pinsan kong medyo kumonot ang noo sa ginagawa ko.

"Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan. Garreth won't be here. Imposible yon. Nasa School sya... Eh so ano ba talaga 'tong nararamdaman ko.

Namalayan ko nalang na kami na pala ang susunod na tutugtog ng tawagin ako ni "Dre. Dire-diretso kami sa stage and started playing "Californication" by the red hot  chili peppers.

You Will Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon