XIV

4.3K 93 16
                                    

"And just so you know,.. my eyes are only for you babe... you are my forever..."


~KIEFER

There. I have finally said it. I didn't have any intention to say what I have said, but once caught up in the moment, hindi mo na yata talaga mapipigilan sabihin kung ano ang gusto ilabas ng puso mo. Kung alam lang ng mga kabarkada ko ang nasa isip ko, walang katapusan na keso ang sasabihin nila sa akin sigurado. 

Bigla kong naisip ang mga kaibigan ko. Is it about time na ipakilala sa kanila si Mika? I know they will support me and all, pero si Mika kaya ready nang makilala sila? 

Parang family ko muna yata ang kelangan ko sabihan about this. Family, then friends. Since nakilala ko naman na ang mama ni Mika, I guess it's about time na siya naman ang makilala ng pamilya ko. I know I wouldn't have any problem with mom and dad. Thirdy is a no brainer, but Dani? Alam kong I asked for her opinion once, pero I'm not sure how she will handle the situation kapag magkaharap na sila mismo ni Mika. 

Knowing my sister, she is very possessive of me and Thirds. Sila lang ni mama ang babae sa buhay naming magkapatid at ni papa. I have experienced not so good receptions when I introduced my ex girlfriends to her. I am really hoping she'll love Ye. 

~MIKA

"Please don't say things you cannot take back when you are happy Kief. I sure appreciate when you said na your eyes are only for me. Pero forever? We have just started di ba?"

I really had mixed emotions when Kief mentioned forever. Partly I am happy because this early in the relationship, he was already thinking ahead, pero I can't help but be sad, Ang mama at papa nga akala ko forever din, pero what happened?

Hindi pa talaga yata ako handa sa ganitong ka seryoso na relasyon.  I know what we have is different, sinabe ko din na susubukan ko nang sumugal, pero takot pa rin talaga ako. Parati ko na lang sinasabe na bahala na kung saan kame dalahin ng kung ano man ang meron kami but deep down, I am stil frightened. Takot na masaktan at magaya sa mama ko. 

Why does being afraid always come to me kapag masaya ang nangyayari sa buhay ko? Bakit parati akong natatakot kapag may magandang progress na nangyayari sa amin ni Kiefer?

"It is still too early Ye. Just go with it."

"Should we go home na Kief? Medyo late na yata. Baka hindi tayo magising ng maaga nyan."

Kief stood up from behind me and offered his hand para makatayo ako which I willingly accepted.

Nauna siyang bumaba sa likod ng pick up. I didn't know how to go down. Standing from the back, ngayon ko lang na realize na mataas taas pala ang pwesto sa likod. I didn't want to jump. Delikado. Baka mamali pa tapak ko, I am still slowly recovering from my swollen ankle. 

I sat first sa edge ng backdrop ng sasakyan niya, kumukuha ng bwelo para dahan dahang tumalon pababa when Kief stood in front of me. He was offering both his hands para mahawakan ako sa bewang at tulungang bumaba. 

He is just so sweet. Para akong bata na gusto niyang yakagin pababa ng sasakyan niya. I smiled at him and was about to accept his offer when he suddenly hugged me in my middle. Imagine how awkward the position is. Both his hands in my back and his head resting in my tummy.

"You just don't know Mika how you have made me happy."

I patted his back and planted a soft kiss in his head. 

"Halika na Kief. Gabi na oh."

I was really praying na sa bewang ako hawakan ni Kiefer para alalayan bumaba. Kahit naka hoodie ako, parang pinagpawisan kili kili ko sa mga kaganapan sa likod ng sasakyan niya. Good thing nakuha ko agad ang kamay niya at naipwesto. Deliks, baskil pa naman yata ako. 

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon