VI

3.9K 63 6
                                    

~MIKA

Napatingin ako kay Ravena and saw him smiling at me. First time ito ah. Ang nakakagulat pa, parang totoong ngiti ang nakikita ko. Walang halong pang-aasar at pang-mamata. 

Ang cute pala niya kapag ngumingiti. I held my breath and smiled back. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya until Nunay poked me again. Tinuturo ang bibig siya as if saying isang subo pa ng kanin at ulam. I calmed myself down and laughed again. Pantanggal ng nerbyos.

Patuloy ko lang sinubuan ang mga bata at ganun din si Ravena hanggang tawagin sila ni ate Romy.

"Kayo talagang mga bata kayo! Imbes na makakain ng maayos ang ate Mika at kuya Kiefer ninyo, inagawan ninyo pa. Halika na nga kayo dito sa lamesa namin at dito na kayo kumain."

"Naku ok lang po ate Romy, wala namang kaso sa amin yun." tinignan ko ng bahagya si Ravena and I saw him looking at me

"Oo nga po ate, ayos lang naman po yun." he said

"Ay naku hindi hindi. Sige kumain na kayo diyan. Kame na ang bahala dito sa mga bata."

Nginitian ko nalang si ate Romy and started to eat again. Napansin kong ubos na ang tuyo ko.

Alam nila ate Kaye at at Joy na paborito ko ang tuyo kaya tumawa sila ng nakitang palinga linga ako at naghahanap kung meron pa sa lamesa.

"Wala na Mika! Ubos na! hahahaha" pang-aasar sa akin ni ate Kaye.

"Oo nga wala na!" sabi ni ate Joy "Ah kasi Kiefer kung hindi mo naitatanong, paborito kasi ni Mika ang tuyo! E sa dami ng sinubuang bata, ayun, naubos ang tuyo niya. hahaha"

Nagulat nalang ako nang ilagay ni Ravena ang dalawang pirasong tuyo sa harap ko. Tinignan ko siya bigla, hinawakan ang tuyo at pilit na binalik sa ibabaw ng kanin niya.

"No, it's ok. Ayos na ako dito sa itlog na pula." then he smiled.

"Uhm, thank you." yun nalang ang nasabe ko then continued eating, forcing myself na hindi mabother sa pagkakadikit ng mga balikat namin.

After what seemed like a minute, narinig kong umuubo si Ravena. Instincts kicked in and I reached for  the bottled water in front of me. Binuksan ko ang bote at inabot agad sa kanya. 

Kinuha niya ang bote at dire diretsong ininom ang tubig.

===

~KIEFER

I saw Reyes smiling at me, namumula pa. This is surreal. Si Reyes namumula as if first time kiligin? "Baka naman namumula lang sa init" I told myself. Unusual na mamula ang isang katulad niya dahil lang sa ngiti. I tried to convince myself kahit I am secretly hoping na kinilig din siya sa ginawa ko.

Narinig kong tinawag na ni ate Romy ang mga bata. We told her that it's ok but ate Romy insisted that the kids eat with them.

Biniro nila ate Joy at ate kaye si Reyes na wala na daw. I was clueless about what they were talking about so I looked at ate Joy with questioning eyes. Nakuha yata ni ate Joy na hindi ko sila maintindihan kaya binanggit niya na paborito pala ni Reyes ang tuyo at ubos na ang share niya. 

Since madami pa namang tuyo na natira sa akin, I decided na ibigay sa kanya ang share ko. Meron pa namang itlog na pula kaya no harm in giving mine.

We continued eating hanggang mapatingin ako kay kuya Choi. Halatang hinihintay niya akong mapalingon sa kanya. He was smiling crazily at me at nginunguso si Reyes. Alam na alam kong binibiro niya kami. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko hanggang ubuhin ako bigla. 

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon