V

4.3K 69 8
                                    

~KIEFER

I came home late galing sa practice. Pagdating ko sa bahay, naghihintay pala si mama at papa. Nanonood sila ng tv nang pumasok ako.

Mama called me. Halatang excited.

"Anak, tumawag sa akin ang manager mo." She said

"Hi ma, pops. Mukhang maganda pinanonood nyo ah." Sabe ko habang hinalikan ko ang mama ko at tinapik ang tatay ko sa balikat.

Ano na naman kaya ipapagawa sa akin ng manager ko. Hindi pa naman ako sanay sa showbiz showbiz na yan kaya I opted na huwag pansinin ang sinabe ng mama.

"Anak, hindi mo ba narinig ang sinabe ng mama mo?" This time, papa spoke.

"Papa naman, alam mo naman na wala akong hilig diyan" I uttered while scratching my head.

"Alam ko anak, pero maganda itong bagong project na ibinigay sayo."

Parehas kaming hindi ma showbiz ng tatay ko. Both private individuals. Ayaw naming napagpyepyestahan ang mga buhay namin.

I got a bit interested kaya tinignan ko na si mama.

When she saw me looking at her, her face lit up.

"Anak, may sinasara pala kasi na deal ang manager mo and naging successful naman ang usapan nila." I was looking at my mom, still waiting for her to reveal the said "project"

"Kinuha ka kasi ng Suzuki. Gusto nilang ikaw ang magcarry ng new utility vehicle nila. Before ka nila i-launch, mag outreach daw muna kayo sa Agta." I got curious ng banggitin ang outreach program.

"Hitting two birds with one stone na daw. Kasi yearly ang outreach nila. Kaya aside sa makakatulong kayo sa mga tao doon, maidodocumment na din kung paano ang sasakyan sa terrain."

This time nakuha na ni mama ang attention ko. Mukhang gusto ko ang product na ito ah. Ngumiti ako kay mama then spoke.

"Mukhang okay itong Suzuki ma ah. Sige po. Gusto ko yang project nila."

"Alam ko naman magugustuhan mo. Sa Sunday daw ang outreach nyo. May isang endorser ka pa daw na makakasama. Mika Reyes ng La Salle"

Nakita ko kung gaano kalawak ang ngiti ng nanay ko nang banggitin nya ang pangalan. My mom is a volleyball aficionado. Gustong gusto niya si Reyes, without any clue kung ano ang bulong bulongan tungkol sa pagkatao nya.

"E ang arte nun e. Baka naman aasikasuhin ko pa yun doon ma."

"You gotta do what you gotta do son." Hampas ni papa sa balikat ko sabay deretso sa kusina.

 Wala na ako nagawa kundi sumunod sa kanila.

 "Mukhang parusa itong babaeng ito sa akin ah."

===

~MIKA

Bukas na ang outreach namin. Bakit ako kinakabahan? Hindi naman bago sa akin ang outreach na ito dahil regular naman namin itong ginagawa sa company ng tatay ko.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon