~MIKA
I do not know what got into me. Just when I was thinking that what we have is unexplainable, bigla ko namang maaalala si papa. I have, from day one, told myelf that I will never ever love a man, na hindi ako magagaya sa mama ko. I kept partying and breaking every man's heart, for me to get even with the world because they broke and they keep on breaking my mom's.
Kasabay ng malakas na hangin at ulan, my mind is also clouded. Iniisip ko kung I should give this a chance. If I could give us a chance. Pero teka, bakit ko ito iniisip? Assuming ba ako kung aakalain kong what we have is special? Napaka feeler ko naman yata kung iisipin ko na may pag-asa to?
Hindi naman siya nagpapakita ng interes e. He just offered his hand nung pasakay ako ng sasakyan. He just offered me a towel dahil basa kami sa ulan. Hindi ba gawain naman talaga ng isang lalake yun sa isang babae bago sumakay ng sasakyan?
But he hugged me! and he hugged me so tight and he hugged me for a long time. Hindi niya din ininvade ang privacy ko. Hindi siya nagtanong. Hindi niya ako kinwestiyon, and I think, hindi niya ako hinusgahan.
"Oh Mika! Please stop. You are too full of yourself. Stop over analyzing things. This is nothing."
So I decided to sleep it off. Before dozing, hindi ko napigilang isipin na paano kung ito na? Paano kung ito na nga?
~KIEFER
I have decided! I'm going to get to know her better. Alam ko na there is more depth to her. May pinaghuhugutan itong babaeng ito.
Just hearing her tell me a part of her story, alam kong may substance siya. Alam kong may lalim.
Before sleeping the weather off, nilista ko na sa isip ko kung anong gagawin ko. Kakaibiganin at kikilalanin ko ang party girl na ito.
===
Nagising nalang ako na kinakatok ni kuya Choi ang binatana ko. I checked my watch at alas singko na pala ng umaga. sinenyasan ko si kuya choi na lalabas ako ng sasakyan saglit.
Kukuhain ko ang hoodie ko sa backseat. I was about to extend my arm nang mahagip ng tingin ko si Mika. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya. I took a closer look at her.
Napaka innocent ng mukha nya. Napabunting hininga ako. I might be falling inlove with a wild child.
Tinapik ko siya sa balikat at sinabe na nagpadala na ng tao ang mga taga Suzuki. They are currently clearing the road. Nakapag bawas na sila ng kalat sa kalsada. In 30 minutes tops, makakabiyahe na kami pabalik ng Manila.
Tinignan niya ako and nodded. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Ako palapit kay kuya Choi. Siya naman papunta sa van nila ate Kaye.
After roughly 45 minutes, the road is now clear. Makakabiyahe na kami pabalik. Pumunta din ako sa van nila ate Kaye at sinabeng ako nalang ang magmamaneho since nakatulog naman ako. Susunod nalang daw sila dahil sinabe kong ihahatid ko muna si Mika. I told them na ihahatid ko nalang ang utility vehicle sa Suzuki.
Mika made her way to the car. Sinabe ko na mauna na siya at susunod ako. Without her knowledge, binulungan ko na si ate Kaye na ibigay sa akin ang cellphone number ni Mika. Ngumiti si ate Kaye ng pagka tamis tamis at sinabe na ifoforward niya daw sa akin. I beamed at nagpunta na din sa sasakyan.
It took us 5 hours pauwi since maaga naman kaming bumiyahe. On the way, hindi kami gaano naguusap ni mika. Alam kong nagkakailangan pa kami ng kaunti. Hindi ko din alam kung paano ko sisimulan ang paguusap namin.
When we reached her house, pagbubuksan ko sana siya ng pinto pero mabilis siya. Nakababa na siya before pa ako makalabas ng sasakyan at dahil hindi ko alam ang gagawin ko, I decided to stay inside. Dumaan siya saglit sa side ko. I rolled my window down. She thanked me at before siya makalayo, I spoke.