XXVI

2.8K 96 45
                                    

"Marry me babe para mapatunayan ko sa iyo na hindi ako katulad ng papa mo."

---

~MIKA

Pinakiramdam ko muna kung tulog na ba talaga ang katabi ko ngayon sa kama. Naririnig ko na ang mahihina niyang hilik, hudyat na malalim at mahimbing na ang kanyang pagtulog. Dala na rin siguro ng pagod dahil sa mga pangyayari sa loob lamang ng ilang oras.

Everything is still vivid. Dahan dahan kong kinuha ang manipis na kumot sa aming paanan para ibalot sa aking kahubaran. Patingkayad naman akong pumasok sa banyo para makuha ko ang bathrobe na nakasampay sa clothes rack sa likod ng pintuan.

Matapos kong maisuot ang bathrobe ay mahinahon akong naglakad patungo sa sliding door na maghahatid sa akin sa veranda ng kwartong kinuha namin sa resort na ito.

Hinihintay ko ang pagsikat ng bagong araw habang umaasa na kasabay nito ang pagsikat ng aming bagong buhay.

---

Nang sabihin sa akin ni Kiefer na pakasalan ko daw siya ay nanigas ang buo kong katawan. Seryoso ba siya sa kanyang sinasabi? Kinalkal ko ang aking pagiisip in the hope na makakuha ako ng rason para humindi sa kanya.

I never thought even in my wildest dream that I will let my guards down sa isang lalaki. I swore na hinding hindi ako magpapakatanga at magpapabola sa kahit na sino man dahil na din sa dahilan na ayaw kong magaya sa milyon milyon na babaeng niloko at patuloy na niloloko nga mga boyfriend at asawa nila. Pinangako ko na hindi ako gagaya sa nanay ko and here I am now, I ended up just like them. Ganito yata talaga, kung ano ang puno, siya ring bunga.

Kinain ko lahat ng sinabe ko. Nilunok ko din lahat ng katarantaduhan ko noon. Nawala na din ang aking pagiging matapang.

I never wanted to be tagged as the clingy and needy girlfriend, kaya kahit walang oras sa akin si Kiefer, hindi ko siya pinilit at hindi ako nagdemand ng panahon at pansin. I have witnessed first hand kung ano ang nangyayari sa mga ganitong pagkakataon. Ilang couples na ang nakita kong nagsawa ang mga lalaki dahil sa pagiging dictatorial ng kanilang mga partner. I chose to be the contrast in the norm. Inakala ko na kapag iba ang naging approach ko sa relationship, magiging iba din ang end result and I really hoped that I will be the exception sa nakagawian.

---

Alas tres ng umaga at napaka dilim pa sa labas ng marating namin ni Kiefer ang aming pakay. Huminto ang kanyang sasakyan sa isang kilalang subdivision dito sa San Juan. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay bago niya kinuha ang telepono na nakapatong sa cup holder ng kanyang sasakyan.

"Andito na po kami sa labas ng bahay niyo." marahan niyang sabi sa kanyang kausap sa kabilang linya. Ilang segundo pa bago ko narinig ang kasunod niyang sambit na "Sige po."

Nakita ko nang tapusin niya ang tawag at ibulsa ang kanyang cellphone. Humarap siya sa akin at itinaas niya ang kanyang mga kamay patungo sa aking mukha.

Hinawakan ko ito at binigyan ko siya ng impit na ngiti.

Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang pagbukas ng gate sa bahay na aming tinigilan. Binawi ni Kiefer ang kanyang mga kamay at lumabas na siya ng sasakyan. Pumunta siya sa aking gawi para pagbuksan ako ng pinto.

"Magandang umaga po." sabi niya sa matandang lalaki. Napakamot na lamang ng ulo si manong at giniya kami papasok ng bahay. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kiefer. Nilingon niya ako, matapos ay ngumiti siya at marahan akong hinatak para mapuntahan na namin ang aming sadya.

"Good morning hijo." naunang bati sa amin ng lalaking ngayon ko lamang nakita.

"Good morning po. Pasensiya na po sa abala." sagot ng aking nobyo habang ang isang kamay na hindi ko hawak ay pinang kamot niya sa kanyang batok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon