XXIV

2.2K 78 37
                                    

"Pauwi na pre. Thanks for saving me kanina man. Itapon mo na yang papel na yan. Ano pang gagawin ko diyan e kanina pa naka save sa contacts ko yan."


~KIEFER


Dali dali akong bumangon sa kama nang tamaan ang mga mata ko ng sinag ng araw. Umaga na pala. Nakabukas na din ang kurtinang kulay puti sa apple green na kwartong madalas ko nang tulugan ngayon.

Napatingin ako sa orasan sa bedside table at napabalikwas dahil mag aalas siyete na pala ng umaga.

Nakita ko pang nakapatong din ang charm bracelet na bigay ko sa bedside table katabi ng orasan na katutunog lang ngayon, hudyat na kailangan ko nang magmadali.

Hawak hawak ko ang kumot na sing puti ng kurtina at pinangtakip ito sa maselan kong bahagi.

Binaybay ko ang sahig at unti unting pinulot ang aking mga saplot.

I really had a crazy night. Craziest night ng ilang libong gabi nang pagtulog ko dito.

Akmang pupulutin ko na ang boxer shorts ko nang may yumakap sa aking likuran.

"Babe, aalis ka na ba talaga?" humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang baba bago ako nagsalita.

"You know that I still have practice diba? Don't worry, magkikita naman tayo ulit mamayang gabi babe e."

"Sige na nga. By the way your phone kept on beeping kanina pa so I checked it."

"Nagtetext na ba si Thirdy? Or si mama?"

"None of the above" habang malakas pa itong tumatawa "yung desperada mong girlfriend na si Mika. Happy 7th monthsary daw."


~MIKA


Kiefer and I are celebrating our 7th monthsary together. Kahit na hindi na kami gaanong nagkikita lately, masasabi ko naman na nageeffort pa din siya.

Sa lumipas na ilang monthsary namin, kung hindi man kami makapag date, sinisigurado naman niyang napapadalahan niya ako ng bulaklak at chocolates. Sweet pa din naman ang baby ko.

Naiintindihan ko din naman na kailangan niya ng puspusang ensayo at kailangan niya ding tutukan ang pag-aaral niya. Aba, baka hindi siya makapag laro sa padating na season kung may sabit ang grades niya, and besides, I really trust my boyfriend. Walang makakapagpa dalawang isip sa akin na ako lang ang babae sa buhay niya at na very loyal siya sa akin.

Kanina ko pa siya tinetext at ginigising. Binati ko na din siya ng Happy 7th Monthsary.

Naghihintay na lang ako ng sagot niya dahil gusto ko din tanungin kung tuloy ba ang dinner date namin mamaya.

I am always willing to let a date go kung madami siyang kailangang tapusin na school work or kung may biglaan bang training ang team nila. Nito kasi mga nakaraang buwan ay parating nagpapatawag ng emergency training or meeting ang kanilang coach. Kailangan daw kasi nilang paghandaan ang season at dahil captain ang boyfriend ko at last year na niya, naiintindihan kong gigil na gigil si Kiefer na mag champion sila ngayon.

I told myself na baka nasa training na si Kiefer kaya hindi pa sumasagot sa text ko. Ayaw ko naman siyang tawagan dahil ayaw kong mabansagan na clingy girlfriend.

Pinagbreak lang kami sandali ni coach sa training kaya may oras ako para mag check ng telepono.

Sumigaw pa si coach na 5 more minutes at balik training na daw ulit. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa isang upuan nang makita ko ang notification na nagreply na si Kiefer sa message ko sa kanya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon