To: 2
The coast is clear. Can't wait to see you tonight babe!
~ARA
Nagulat kaming lahat nang biglang sumulpot si Mika sa dorm. Tinanong pa siya ng mga bata kung bakit ang aga niya samantalaga may dinner date sila ng boyfriend niya. It is their monthsary after all.
Sumama daw ang pakiramdam ni Kiefer kaya hindi na sila natuloy mag dinner, which I highly doubt, but who am I to voice out what i really think?
Niyaya pa namin si Mika na sumama sa amin, pero humindi siya dahil hihintayin daw niya ang text o tawag ng kanyang nobyo.
Nag ayos na kaming lahat at tinanong pa namin si Mika kung may gusto ba siyang pasalubong sa amin pag uwi. Sinabi niyang huwag na daw kaming mag abal at mag ingat daw kami sa aming pupuntahan.
--
Dahil sa nasiraan kami ng sasakyan on the way to the bar that we frequent, madami nang tao nang pumasok kami.
Same routine, kanya kanya ng partner para may magaalalay sa kung sino man ang unang tamaan at para wala nang head count head count.
We assigned who will be pairing with each other bago kami pumasok.
The kids were obviously enjoying themselves. Kami ni Kimmy naman ay pumwesto sa bar para kahit papaano e nakikita namin kung ano ang ginagawa ng mga bata sa dance floor.
Okay naman ang lahat at masaya kaming nagkwekwentuhan kami ni Kimmy habang nakabantay sa mga bata nang may babeng natumba sa sahig paglabas ng comfort room. Tawa siya ng tawa at ang lakas lakas ng boses. Akalain mong may natumba ding lalaki sa ibabaw niya dahil hawak niya ang kamay nito sa pagbagsak.
"Mukhang may ginawa pang milagro sa loob ng rest rooom ah." sigaw ni Kimmy sa tenga ko.
Ang lalaki naman, kumapit pa sa bewang ng talipandas na babae sabay sunggab sa mga labi niya.
Pinandilatan ako ni Kim.
Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng litrato.
~MIKA
Kanina pa ako hindi mapakali. Nakaka ilang oras na din simula nang umalis ang mga teammates ko, kanina ko pa din sinusubukang tawagan at itext si Kiefer pero hindi pa din ito sumasagot.
Baka naman natutulog pa at nagpapahinga. Baka napaka sama talaga ng pakiramdam niya at hindi pa kayang bumangon.
Humiga muna ako at nagdesisyon na umidlip. Mamaya ko na lamang siya muli susubukang kausapin.
--
Nagising ako sa ingay ng mga teammates ko. Dito na kasi ako sa living room napa higa. Iniisip ko kasi na baka mag dire diretso ang tulog ko kapag sa kwarto ako pumwesto.
Sa kasiyahan at tama na din ng alak, hindi ako napansin ng mga rookies, nagsi akyat na sila sa kani kanilang kwarto habang nagtatawanan pa, buti na lamang at napatingin si Ara at Kim sa aking gawi habang paakyat ng hagdanan. Nagsikuhan pa ang dalawa bago dahan dahang lumapit sa akin.
"Oh, kamusta ang lakad niyo?" tanong ko sa kanila.
"Okay naman Ye. As usual magugulo yung rookies. Kala mo mga nagyon lang nakapag bar e." sagot ni Kimmy habang naramdaman ko namang umupo si Ara sa aking tabi.
Nanatili lang si Kim sa harap ko at unti unting napaluhod habang humawak sa aking mga binti.
"Ye, may sasabihin sana kami ni Ara sa iyo e."
Hindi ako nagsalita, naramdaman ko na lamang na nanlalamig ang aking mga kamay. Tinignan ko na matiim si Ara.
"Ye, may matagal na akong gustong sabihin sa iyo e, pero hindi ko sinasabi dahil wala naman akong pruweba, pero kasi..."