XVII

3.7K 99 8
                                    

"I know Dan, but if you truly love me, you will love the people that I love as well, and please let me have my hapiness, the hapiness that I deserve."


~DANI

When manong left my room, pabagsak akong umupo sa kama ko. Pinagpatuloy ko ang pagkalikot sa telepono ko because I was exchanging messages with my classmate na nakakita sa kanila ni Mika sa hotel. Ilang beses ko siyang tinanong kung ano pa ba ang nakita niya aside sa nasa reception si manong at Mika.

She said wala naman siyang alam pa aside sa sinundan niya ang dalawa hanggang sa elevator but the elevator door closed on her. Sinubukan pa nga daw ni Mika na pigilan ang pagsara ng elevator para makasabay siya but she was too late. All she could do was check kung saang floor sila tumigil and saw that they got off at the 15th floor.

Manong must really love her.

When I was this "cruel" to her ex girlfriend before, wala naman siyang reaksyon. She would just usually laugh it off. Pero ngayon, kinausap niya ako at pinagsabihan.

I love manong.

I know he deserves happiness, but you see, Mika will only ruin him. She is not good enough for my brother and hearing nasty things about her, I know she will never be.

I know of only one person who will be able to understand me.

I went to my inbox and looked for the name of the person whom I have been exchanging messages lately as well.

To: ate Aly

hi ate. how are you?

Fr: ate Aly

i'm ok baby girl. you? are you good?

To: ate Aly

not really ate. Mika was here earlier. pinag-awayan namin ni manong. well not really away, pero i was not nice to her kasi.

Seconds later, my phone started ringin. Ate Aly is calling me.

~MIKA

I told Kief that we should give each other space muna para makapag isip kami parehas. This is new to me. this whole scenario is just so new to me. 

Hindi ako sanay na nakakaramdam ng ganito. I don't invest emotions sa lahat nga past ko. This one is different and I must say, ganito pala ang gravity ng sakit.

I know how it feels to be hurt, pero hurt dahil sa pag aaway ng nanay at tatay ko. Sakit na pampamilya. Eto pala ang sakit kapag bang tao na ang kasali.

After getting out of his car, dire-diretso na akong naglakad hanggang makapasok ng bahay. Wala nang lingunan. Kailangan ko itong panindigan.

I took the flight of stairs 2 at a time. Hawak ko na ang door know ng pintuan ko when the door of my mama's room opened.

"Anak, kamusta ang dinner?"

"Oh ma. wala man lang kamusta muna ako?" I entered my room and left my door open para makapasok din si mama sa kwarto ko.

Nahiga siya sa kama ko habang dumeretso naman ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng pantulog.

She was looking at me and still waiting for an answer paglabas ko ng banyo.

"Ok naman po ma. Mabait naman pamilya niya. Aside sa sister niya na super maldita."

Napangiti si mama bago nagsalita. "Ayaw sa'yo?"

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon