Vice Point of View
Nagising ako sa isang malakas na hilik sa tabi ko. Tumingin ako sa orasan sa tabi ng kama, alas syete pa ng umaga. Ang aga pa pala.
Nakita ko ang telepono ko sa side table at naalala ko magkausap pala kami ni Ion kagabi, at natulugan ko siya. Hala, naku baka magtampo yun.
Biglang gumalaw ang katabi ko. Lumipat ba si Erna sa kwarto ko? Hindi ko naman naalalang pinalipat ko siya.
Dahan-dahan ako umikot upang makita kung sino ito ng hindi siya magising. Pag tingin ko, si Ion.
Niyakap ko siya at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Namis ko siya sa tabi ko.
Hinila niya naman din ako palapit sa kanya kaya alam ko gising na rin siya.
"Good morning Babe" Bati niya sa akin at hinalikan ang noo ko.
"Hmm. Good morning. Kanina ka pa?" Tanong ko.
"mga alas-sais ako dumating. Namiss kita eh." Sabi niya at tumingin sa akin.
"Asus! Bolero! Ang sabihin mo, ginising ka ng Nanay mo para tulungan siyang gumawa ng kakanin!" Sabi ko at natawa naman siya dahil ganon naman kasi ang buhay niya noong bata pa siya.
"Hahaha namiss ko na nga yun eh. Yung pinapagalitan niya na ako dahil ayaw ko'ng bumangon. Pero hindi, ginising niya ako dahil gusto ka niyang pakainin ng kakanin habang mainit-init pa." Sabi niya.
"Aww, may dala ka?" nasasabik na tanong ko dahil hindi ko naman itatanggi, sobrang sarap din naman ng mga niluluto ni Nanay Zeny.
"oo, pwede ba'ng wala? Alam mo naman yan si Nanay, pag dating sayo, mahina din yan. Lagi ka'ng ipinaghahanda ng pagkain niyan." Sabi niya at natawa.
"Haha mahal na yata ako ng Nanay mo Babe." Sabi ko.
"Natin. Nanay natin siya." Sabi niya at mas hinigpitan niya ang pag yakap niya sa akin.
"Ay oo nga pala." Sabi ko at natawa.
"At saka, matagal ka nang mahal nun noh? Hindi mo pa ako sinagot, mahal ka na nun. Hindi pa tayo magkakilala, mahal ka na nga nun eh. Parang mas mahal ka pa yata nun kesa sa akin. Ikaw yata ang anak nun Babe." Sabi niya.
"Pinagseselosan mo ba ako sa Nanay mo?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi naman. Masaya lang ako dahil ganito ang sitwasyon natin. Mahal ka ng Nanay ko, at tanggap din ako ng Nanay mo." Sabi niya.
"Oo, at mahal ka din nun!" sabi ko.
"At mahal din kita." Sabi niya. Inirapan ko siya at sinandal ang ulo ko sa braso niya.
"hmm. Ang aga-aga Benigno ha?" Sabi ko at hinalikan niya ang noo ko. "Bakit nga ba ang aga mo'ng bumalik dito? Akala ko mamaya ka pa?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi nga, si Nanay. At saka gusto na rin kita makita kasi tinolugan mo ako kagabi." Sabi niya.
"Sorry." Sabi ko. "Napagod lang siguro talaga ako." Dagdag ko pa.
"Alam ko, at okay lang. Naiintindihan ko. Narinig ng akita humilik eh, parang katabi lang din kita kagabi." Sabi niya.
"Humihilik ako? Talaga? Sorry." Sabi ko. "Parang hindi naman yata siguro ako ganon ka pagod kahapon."
"Palagi ka naman humihilik eh. Kaya nga inuunahan kitang matulog kasi parang barko ang hilik mo." Pang-aasar niya sa akin.
"Ay sobra." Sabi ko at mahinang hinampas ko ang dibdib niya. "Grabe siya."
"Haha joke lang, at saka okay lang kasi parang musika din yun para sa akin. Nakakatulog ako sa hilik mo Babe." Alam ko binobola na ako nito kasi mahinang tumatawa siya. "Sya nga pala. Ano ba shinoot ninyo na vlog kagabi? Ano ba pinagusapan ninyo? Pwede mo ba ako'ng kwentohan?" Tanong niya habang hinahagod niya ang braso ko.
"Hmm, yun nga, yung mga nangyare sa atin simula noong quarantine, yung pagtigil ng pag ere dahil sa quarantine, si Buddi, ang pagsara ng ABS-CBN, basta lahat yun." Sabi ko.
"Hmm. Sige, yun nalang muna. Panonoorin ko nalang yun para malaman ko ang buong kwento mo pag pinost mo na. Ayos ka lang? Kamusta ka naman?" Tanong niya.
"Okay lang. Nandito ka na eh." Sabi ko kasi totoo naman eh. Kagabi, sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil binalikan ko yun lahat at bumalik din lahat ng sakit sa tuwing naaalala ko ang mga yun tapos hindi ko pa nahahawakan si Ion pagkatapos nun. Hind ko naman inasahang yun ang magiging epekto sa akin pagkatapos mag-shoot.
Hinila niya ang ulo ko at hinalikan ako sa labi. "Alam mo, nag-usap kami ni Nanay kahapon. Kinakamusta ka niya." Sabi niya.
"O? Ano'ng sabi mo?" Tanong ko.
"Hmm, sinabi ko ang totoo, sabi ko hindi ka pa masyadong okay. At alam mo ano'ng sabi niya?"
"Anong sabi niya?" nagtataka ako. Pinag-usapan nila ako?
"binigyan niya ako ng technique para maibsan ang lungkot mo." Sagot niya.
"Paano?" nagtatakang tanong ko.
"Secret. Syempre amin nalang yun!" Sabi niya at natawa.
"Ay, nagkwento ka pa? Secret lang pala. Hmm." Sabi ko. "Pero alam mo? Sa tuwing nakikita lang kita, sa tuwing hinahawakan mo ang mga kamay ko at halikan mo lang ako, parang feeling ko, gumagaan talaga ang pakiramdam ko. Kahit yung sinasayawan mo lang ako sa kwarto ng kung ano-ano, parang feeling ko, dinadala moa ko sa ibang mundo. Feeling ko nakakalimutan ko ang mga sakit at lungkot na nararamdaman ko." Sabi ko at natawa siya.
Tumingin siya sa akin at kinuha ang kamay ko't hinalikan ito. "Alam mo, parehong pareho kayo ng Nanay ko. Kasi yan ang sinabi niya sa akin." tumigil siya at hinalikan niya ang noo ko. "Sabi niya na sa tuwing malungkot ka daw, hawakan ko ang mga kamay mo, kahit hindi na ako magsalita, ipaparamdam ko lang daw sayo na may kasama at katuwang ka. Sabi niya iparamdam ko daw sayo na may karamay ka sa bawat lungkot at sakit na pinapasan mo." Sabi niya. "Yun talaga ang sinabi niya sa akin." At umiling pa na parang hindi makapaniwala.
"Kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko pag kasama ka. Sa totoo lang, sayo, pakiramdam ko, mapayapa ang puso ko, kasi ikaw ang tahanan ko." Sabi ko at biglang hinalikan niya ako sa labi. Diniinan niya ito at naramdaman ko ang pagkasabik na may halo'ng puro'ng pagmamahal sa halik ni Ion.
Mahal na mahal ko ito'ng tao'ng 'to. Hindi niya man kayang hanapan ng solution ang mga problema ko, hindi niya man kayang ibalik ang pumanaw ko'ng bestfriend, hindi niya man kayang gamotin ang buong mundo, hindi niya man kayang ibalik ang pag ere ng ABS-CBN at lalong hindi niya man kayang ibalik sa dati ang lahat pero nandito siya sa tabi ko.
Hindi niya ako iniwan at hindi niya ako pinabayaan at ang laking bagay na non para sa akin. Hindi man niya kayang pigilang wag ako'ng umiyak, pero palagi niya naman pinupunasan ang mga luha ko. at yun ang kailangan ko ngayon.
Mga kamay niyang hinahawakan ako pag mabigat ang puso ko.
Mga braso niyang niyayakap ako sa mga panahong kailangan ko.
Mga labi niyang nagsasabi na hindi ako nag-iisa sa bawat laban ko.
Mga balikat niya na nagsisilbing sandalan ko.
At ang nag-iisang puso niya na ipinapaalala sa akin na mahal niya ako sa bawat araw na nagising kami.
Siya.
Siya ang kapayapaan ko.
Siya ang pahinga ko.
Siya ang naghihilom ng mga sugat ko.
Siya ang tahanan ko.
Siya ang Mahal ko.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...