"Good morning, Reyna ko." bulong ni Ion sa akin habang nakayakap sa likod ko. Hindi ko mapigilang wag ngumiti dahil mahina niyang hinahalik-halikan ang likod ko.
Humarap ako sa kanya "Hi." Sabi ko. "Good morning." At hinawakan ko ang buhok niya at nilalaro ito.
"Bangon na tayo? Work na tayo." Sabi niya.
"Five minutes." Sabi ko at sumiksik ako sa kili-kili niya.
"Limang minuto mo'ng ngangatngatin ang kili-kili ko, Babe? Baka papasok akong dugoan ang kili-kili ko niyan ha?" Sabi niya habang natawa.
"Hmm." Sabi ko habang siniksik ko ang mukha ko. "Dito lang ako." Sabi ko.
"Eh kung mag—"
"No! Dito lang ako!" pagputol ko sa sasabihin niya. Alam ko kung saan papunta ang usapan na iyon kaya pinutol ko siya.
"Kagabi mo pa ako tinatanggihan ah?" Sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya. Oo nga pala, tinanggihan ko siya kagabi kaya natawa ako. Napatingala ako at nakita ko'ng nakasimangot siya.
"Tampo naman agad! Wag kang mag-alala, may forever pa naman eh." Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. "Sayo, may forever ako." Sabi ko. Tumingin ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng maaksyong handog ng Seiko Films, yung ala sexy star na panay ang pag giling-giling sa poste ng club, or yung mga babae'ng naka tuwalya lang tapos biglang yumuyuko dahil nalaglag ang suklay nila at biglang nalaglag ang tuwalya mula sa katawan nila." Sabi ko sa kanya pero parang hindi niya yata naiintindihan ang sinasabi ko.
"Hahaha! Hindi mo na gets?" Tanong ko at umiling naman siya. "Ipapakita ko sayo yan sa mga susunod na mga araw. I-lelevel up na natin ang sex life natin." Sabi ko, tinitignan ko talaga ang reaksyon niya, at hindi naman ako nagkamali, biglang lumaki ang ngiti niya noong sinabi kong 'level up ang sex life'.
"Yun! Yun naintindihan ko yun!" Sabi niya at nakakagat pa ng labi na parang pinipigilan niya ang ngiti niya.
"Yon! Diyan ka magaling! Tara na, bangon na! work na tayo! Tapos na five minutes." Sabi ko at babangon n asana ako ngunit hinawakan niya ang beywang ko.
"Akala ko ba ilelevel up na natin ang sex—"
Pinutol ko siya, "Hindi ko sinabing ngayon!" Sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa beywang ko para maka tayo.
"Akala ko ngayon, tumayo na sana." Sabi niya habang nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Inalis ko ang kumot at nakita ko'ng nakatayo talaga. Nakaisip naman ako ng katarantaduhan, dahan dahan ako lumapit at hinalikan ko ang shorts na nakabakat ang ari niya. "Mamaya nalang tayo magkita ha?" Sabi ko, tumingin ako kay Ion at kinindatan ko siya bago ako tumakbo ako sa banyo at nilock ang pinto. Tawang-tawa ako sa reaksyon niya, halatang halata ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Sorry Babe!" Sigaw ko mula sa loob at natawa ako.
Maya-maya ay tapos na akong maligo. Lumabas ako ng banyo ng nakatuwalya lang. Nakita ko si Ion na nakahiga at nakatalikod sa kung saan ako banda.
"Babe, ligo na." Sabi ko habang lumalapit ako sa kanya.
Hindi siya sumagot sa halip at tinalikuran niya naman ako.
Niyakap ko siya, "Galit ka ba sa akin?" Mahinahong tanong ko.
Lumingon siya sa akin at nagpapaawa, "Sakit ng puson ko." Sabi niya habang naglulungkot-lungkotan.
"Saan masakit?" Sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko. alam kong may kaunting lambing at tampo si Ion sa akin. "Gusto mo kiss ko nalang Babe ang masakit?" Tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfic**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...