Chapter 9

879 24 1
                                    




Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong natawagan ko si Kaye Abad. Naipadeliver na nila mula Cebu to Manila at agad ko namang ipinadala kay Ate Tina upang siya na ang mamigay sa mga ospital at kung sino-sino pa ang pwede niyang bigyan. Nagpapaiwan lang kami ng kaunti para dito sa bahay dahil kailangan din namin.

Nandito ako ngayon sa harap ng laptop ko, naka ayos ngunit naka tsinelas lang. Ganito na ba ngayon ang 'new normal' na tinatawag? Yung lahat ng papagalawin mo, nasa teknolohiya na? Kasi dati, sanay ako'ng magsulat, sanay akong humawak ng panulat at papel, sanay akong kinakatok ko ang ballpen sa mesa pag nag-iisip pero ngayon hindi na, ang mga daliri ko na ang gumagalaw at hindi ako sanay dito. May mga dapat pindotin upang lumaki ang mga titik, may mga dapat pindutin upan gumana ang iba pang mga pindutan at wala ito'ng lahat sa sistema ko. Hindi ako lumaki ng ganito at lalong hindi ko napagaralan ang mga ito.

Ngunit sa panahong ito, dapat akong matuto, dapat kong buksan ang utak ko sa mga bagay na ganito. Buti nalang at may mga kasama ako dito sa bahay na kahit papano, nagagawan nila ng paraan ang mga gusto kong mangyare dito sa teknolohiyang nasa harap ko. Tinutulungan nila ako sa mga ginagawa ko.

Nakabalik na pala ang Showtime pero sa pamamagitan ng Zoom App. Isang bagay na kailangan ko na namang matutunan at pag-aralan dahil wala akong kaalam-alam dito. Minsan tinutulungan ako ng mga writers at ni Ion kung ano ang dapat gawin pero kahit gayon paman, hindi naman ako nagrereklamo. Ang importante sa akin, may ginagawa ako, may trabaho ako. Dahil sa pagkakaalam ko, unti-unti nang nagsasara ang mga establisimento at nawawalan na ng mga trabaho ang mga empleyado, nakakalungkot lang isipin na wala akong magawa para sa kanilang lahat.

Hinahabaan ko parin ang pasensya ko kahit sumasakit na ang balakang at likod ko kakaupo ng ilang oras, kahit sumasakit na ang mga mata ko katututok sa laptop ng matagal, ayos lang. Ayos lang, para sa mga madling people. Okay lang din naman sa akin dahil magaan kasama ang mga katrabaho ko, magaan kasama ang mga boss ko at masaya ako sa ginagawa ko.

Ilang oras matapos ang Showtime, may ibang meeting na naman ako para sa Vice Co. Wala nang tayuan 'to at wala nang higaan 'to. Zoom meeting parin ang nagaganap dahil hindi na pwedeng lumabas kahit mga empleyado. Kahit naman sarado pa ang mga malls at mga Vice Co Pop-up stores namin, hindi parin kami tumitigil mag isip ng mga panibagong konsepto para sa mga produkto dahil pag nagkataon, natapos na ang pandemia'ng 'to, may magagawa na rin kami ulit.

Alas sais na ng gabi at hindi parin kami tapos. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya ang pagod ko, sa likod, sa pag-upo, sa mata at sa utak ko. Tumayo ako sandali at nagpaalam saglit sa mga kameeting ko, pumunta ako sa sala kung saan si Ion at nilapitan ko siya. Napansin ko ang pagkagulat niya.

"Bakit?" Alalang tanong niya.

Hindi muna ako nagsalita at umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "Babe.." Sabi ko.

Hinagod niya ang likod ko "Pagod ka na?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. "Sobra." Sabi ko.

"Hmm. Ano'ng gusto mo? Gusto mo ng juice?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, gusto ko nang magpahinga." Sabi ko.

"Hindi pa ba tapos yung meeting niyo? Kanina pa yan ah?" Sabi niya habang hinahagod parin ang likod ko.

"Hindi pa." Sabi ko at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

"May bukas pa naman Babe ah, bakit ba nagmamadali?" Tanong niya.

Hindi na ako sumagot. At huminga nalang ako ng malalim bago ako kumalas sa yakapan namin. "Balik na ako doon." Sabi ko at tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako.

"Tapusin mo na yan para umakyat na tayo, Mahal. Gusto ko nang humiga ng kasama ka." Sabi niya at hinalikan ang labi ko. "I love you." Dagdag niya pa.

There You'll BeWhere stories live. Discover now