Chapter 20

1.5K 20 14
                                    





Naramdaman ko ang mga maliliit na halik sa buong mukha ko.

"Hmm.." ungol ko noong napagtanto ko'ng si Ion 'yon dahil tumatawa siya. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at inalalayan kung saang banda ng mukha ko pa ang gusto kong halikan niya. "Sige pa." Ungol ko ulit.

"Happy monthsary, Mahal ko." Sabi niya habang hinahalikan niya ako sa leeg.
Oo nga pala, monthsary namin.

Biglang binuka ko ang mga mata ko at tinignan siya. "Naku, monthsary, nakatulog ako kagabi kakaisip kung ano ang ibibigay ko sayo." Sabi ko nang bigla ako'ng nag panic sa pagbati niya sa akin.

"Happy monthsary, Mahal ko." Sabi niya ulit. Ano ba 'tong lalake'ng 'yo, bati ng bati.

"May naisip ka na ba? Ano ang ibibigay ko sayo sa halagang one thousand pesos?" Alalang saad ko.

"Buong araw ka ba'ng mag-aalala? Kasi buong araw din kitang babatiin ng 'happy monthsary' hanggang sa batiin mo rin ako." Sabi niya habang pumaibabaw sa akin.

Hinawakan ko ang batok niya at hinila ko papalapit sa akin tapos niyakap ko siya ng mahigpit. "Happy monthsary, Babe. I love you." Sabi ko. Ngayon ko lang napagtanto na tapos na pala siyang maligo at maghanda para pumasok ng trabaho. "Hmm bango." Sabi ko habang sinisinghot-singhot ang leeg niya.

"Syempre, hindi naman kasi pwedeng hindi naliligo sa monthsary natin." Sabi niya "Kaya maligo ka na rin. Aalis na ako." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Hmm mamaya na. Dito ka na lang muna." Sabi ko.

"Babe, ayaw ko'ng ma late sa trabaho." Sabi niya.

"Hmm sipag ah." Sabi ko at pinisil ang pisngi niya.

"Syempre, para sa kinabukasan natin 'to noh!" pagmamayabang niya.

"Haha sige na, maliligo na ako, magkita nalang tayo sa studio, Mahal" Sabi ko. "Mag-ingat ka ha?" Paalala ko sa kanya.

"Opo, ikaw din, mag-ingat ka. I love you!" tugon naman niya.

Ilang oras ang nakalipas, nakarating na rin ako sa studio at tamang-tama, medyo maaga din ang iba pang mga host kaya kinausap ako ni Direk Boyet na ime-meeting ko ang hosts at siya na daw bahala sa mga staff.

"nakakalungkot man sabihin pero nautusan ako'ng ipaalam sa inyo na nag resign na si Direk Bobet sa ABS-CBN. At kahapon ang huling araw niya dito sa Showtime." Sabi ko sa kanila habang nasa pantry kami. Kompleto kami, nandito sina Vhong, Jhong, Ryan, Karylle, Tyang Amy, Jugs, Teddy, Jackie and Ion. At silang lahat ay nabigla sa binalita ko maliban kay Ion na tutok na tutok sa bawat salita na sinasabi ko sa kanila.

"Ha?"

"Bakit?"

"Ano'ng nangyare, Meme?"

"Sino'ng nag sabi sa 'yo?"

Tumingin ako kay Ion at tumango naman siya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang binibigyan niya ako ng lakas ng loob upang sagutin silang lahat kahit puno'ng puno sila ng katanungan. Aaminin ko, nasasaktan din naman ako, pero naaalala ko ang sinabi nila Ion at Tita Cory kagabi, 'Hayaan nalang natin siya kung saan siya magiging masaya.'

"Hindi ko alam kung ano ang totong dahilan kung bakit niya napagdesisyonan 'yon, pero 'yun ang sabi ni Tita Cory kagabi. Alam ko nabibigla kayo, siguro nga, nasaktan din kayo, ako rin naman. Pero isipin nalang natin na baka, baka masaya siya doon, baka he wants growth, he wants to try something new, he wants to explore. Ibigay nalang natin 'yon sa kanya dahil tayo din naman diba, bago tayo napunta sa Showtime, kahit sina Ion at Jackie na baguhan lang din dito, they wanted growth long before they came here, and binigyan tayo ni Direk ng chance to grow kaya hanggang ngayon, nandito tayo. Siguro he wanted something more at sana, kung meron man tayong sama ng loob sa kanya ngayon, eh unti-unti nalang natin siyang patawarin. He was once our father din naman diba? Hindi lang sa loob ng studio, kundi kahit sa mga tour natin, nagiging ama din natin siya. May mga tinuturo din siya sa atin na hindi natin mababasa sa mga libro kaya lets just let him be." Sabi ko at nagtinginan silang lahat sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

There You'll BeWhere stories live. Discover now