Nagising ako ng wala si Ion sa tabi ko. Madilim ang kwarto kaya kinapa ko ang telepono ko't tinignan ano'ng oras na ba. Alas dose na ng gabi. Kumulo bigla ang sikmura ko, oo nga pala, hindi pa kami kumakain. "Babe?" tinawag ko siya at nagbabakasakali ako'ng nasa banyo lang siya. Walang sumasagot.
Pinaandar ko ang ilaw at kumuha ng damit, nasaan ba si Ion?
Lumabas ako at nakita ko siyang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin sabay sabi sa kausap niya "Okay sige Salamat, bye". Lumapit siya sa akin at hinawakan ang beywang ko. "Hi Babe." Bati niya sa akin.
"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.
"Kaibigan ko sa gym." Sagot niya.
"Tumawag ng ganitong oras?" tanong ko.
"Oo, sabi niya may tinitinda daw siyang gym equipments para makapagpatuloy ako sa pagwo-workout dito sa bahay." Sabi niya.
"ah okay. Uhm, gusto ko'ng kumain." Sabi ko.
"Oo, may pagkain sa baba. Hindi nalang muna kita ginising dahil humihilik ka kanina, ayaw ko'ng istorbohin ka." Sabi niya.
Tumango lang ako bilang sagot.
Tumayo siya sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "Ano'ng problema ng Baby ko?" alalang tanong niya.
"Wala, iniwan mo ako sa kwarto'ng mag-isa." Sabi ko at patuloy na naglalakad pababa at patungo sa kusina.
"Babe, sorry, eh may tumawag kasi. Hindi ko naman pwedeng sagutin doon dahil baka magising ka." Paliwanag niya.
"Paalala ko lang, hindi porket sinootan mo na ako ng singsing, pwede mo na ako'ng iiwan kung saan saan." Sabi ko umupo sa upuan ng kusina.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng patagilid. "Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi niya. "Sorry." At hinalikan niya ako sa balikat ko.
Tumango lang ako bilang sagot. "Kumain na tayo." Sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit nag iba ang mood ko at hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanya ang nararamdaman ko, hindi ko alam.
Maya-maya ay natapos na kami'ng kumain. "Babe, gusto mo ng dessert?" Tanong niya habang may binubuksan sa ref.
"Ano ba'ng meron diyan?" Tanong ko.
Tumingala si Ion at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Uhmm.." sabi niya habang tumingin ulit sa ref.
Hindi ko na siya pinagpatuloy sa sinasabi niya at niyakap ko siya mula sa likod dahil alam ko'ng hindi siya komportable sa inaasta ko.
"Sorry." Bulong ko. "Sorry sa attitude ko." Sabi ko.
Sinara niya ang ref at humarap sa akin. "It's okay." Sabi niya at niyakap niya ako't hinalikan ang noo ko.
"Siguro na iistress ako sa mga nangyayare at gusto ko lang kasama ka palagi. Ayaw ko lang nang iniiwan mo ako nang hindi ko alam." Pagpapaliwanag ko sa kung ano sa tingin ko ang sanhi nitong dinadamdam ko.
"Okay lang. Sorry din dahil hindi ko inisip yun. Sorry." Sabi niya at inakbayan niya ako habang binubuksan ang ref. "May gusto ka bang kaining panghimagas?" Tanong niya at pinapili niya ako.
"May cake, Babe, ito gusto ko." Sabi ko at kinuha ko.
"Okay po, mahal na reyna." Sabi niya at kinuha niya ang kahon ng cake mula sa kamay ko at sabi niya "Maupo na po kayo mahal na reyna at ako na magslice." Sabi niya.
Natawa naman ako sa inasta niya. "Sweet ah! Ganon ba yun pag galing tampuhan?" sabi ko.
Hinarap niya ako "Ha?" Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko "kulang pa ba ang paglalambing ko sa mahal na reyna? May kulang pa bas a ginagawa ko? sabihin niyo po upang mapunan ko agad-agad." Sabi niya at hinahalikan pa ang kamay ko.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...