Ilang araw ang nakalipas ay ganon lang din ang naging buhay namin sa bahay, Showtime, workout kasama si Ion, meeting kasama ang mga writers via zoom, paminsan-minsan ay nagme-meeting din kami sa Vice Co. team, at meeting sa iba ko pang mga investments. Sinisingit ko ito sa schedule ko dahil kailangan ko din marinig ang mga plano nila habang nakalockdown.Mag-aalmusal na kami ni Ion, pag baba namin, pinatawag ko kay Erna ang mga bakla para sabay-sabay na kaming kumain.
"Te, umalis pala si Kitty." Biglang sabi ni Erna habang kumakain kami. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ko alam 'te. Parang maaga yata siya umalis, hindi ko na siya nakita." Sabi ni Erna.
Kinuha ko ang telepono ko at hinanap ang pangalan niya tapos tinawagan ko.
"Kitty! Bakla ka! Nasaan ka?!" Pasigaw na tanong ko.
Alam naman niya na hindi na siya makakabalik sa bahay ko pag nakalabas na siya.
"Sorry Ate, nasira ang laptop ko. Hindi ako makakapagtrabaho kung wala ang laptop ko." malungkot na saad niya.
"O, saan ka titira ngayon? Pasensya ka na kung hindi muna kita mapapasok sa bahay ko ngayon, kundi I quarantine kita sa kwarto ng 14 days. Pero mahirap din kasi dapat wala kang kasama sa kwarto." Pagpapaalala ko sa kanya. Magkasama kasi sila ng isa ko pang kaibigan dito sa bahay, si Annie.
"Ayos lang 'te. Doon na lang muna ako kay Chad mag stay. Sorry Ate." Sabi niya.
"Oo sige. Mag ingat ka na lang muna diyan ha? Hindi mo naman kasi sinabi na nasira pala, edi sana, ginawan nalang namin ng paraan yan! Bakla ka!" Sabi ko ulit sa kanya. Hindi ko na pinaramdam sa kanya na naiinis ako sa ginawa niya dahil baka ano pa'ng sabihin nun.
Pagkatapos nami'ng kumain, umakyat na kami ni Ion para makapaghanda na ako sa Showtime Via Zoom. May mga palaro lang din naman kami para humaba pa yung pag ere namin. Hanggang ngayon, nangangarag parin ang ABS-CBN pero nasa ere parin naman kaya patuloy parin ang pagbibigay namin ng saya.
Umupo ako sa kama "Nakakainis naman 'to si Kitty." Mahinang saad ko. "Hindi nalang nagpaalam ng maayos, eh kung dito nalang sana siya, eh may magagawa naman ako diyan sa laptop niya. Bakit kasi hindi nagsabi at agad-agad nalang lumabas. Ayan tuloy, hindi na tuloy makabalik ang bakla." Sabi ko.
Umupo si Ion sa tabi ko at hinagod ang likod ko. "Shh Babe, wag ka nang magalit. Malaki naman na yun si Kitty eh, may sarili'ng desisyon na yun, at saka, baka nahihiya lang mag sabi sayo na may problema siya kaya naghanap nalang siya ng paraan para maayos yun ng mag-isa. Relax lang Babe. Sabihin mo nalang sa kanya na mag uupdate sayo sa mga ginagawa niya para at least makampante ka din naman diyan." Sabi ni Ion sa akin.
"Kasi hindi ko alam kung ano na pinagagawa ni bakla doon. Baka kung sino-sino nalang inatupag doon." Sabi ko.
"Aysus Babe, hindi mo naman kasi kontrolado ang lahat Babe, hindi mo pwede kontrolin lahat kasi mababaliw ka niyan pag ganyan. Ipaalala mo lang sa kanya na wag kung sino-sino makikipagkita at makikipag inuman. Kasi alam naman natin diba na makikinig yun sayo." Sabi niya. "Wag ka nang magalit sa kanya Babe." Dagdag niya pa.
Huminga ako ng malalim. Oo nga naman. Hindi ko pwede kontrolin ang lahat ng bagay, hindi ko pwedeng itali ang mga kaibigan ko dito sa bahay.
Sumandal ako sa balikat ni Ion. "Okay." Bulong ko. Hinalikan niya ang noo ko "Thank you." Sabi ko.
"Ang aga-aga ang init-init ng ulo!" maliit na boses na saad niya.
"Ang aga-aga, boses ipis ka!" Sabi ko at natawa naman siya.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfic**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...