Tatlong linggo na ang lumipas simula noong kinausap kami ni Direk. May mga araw matapos nun na parang nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga nangyayare. Marami na ang nagrarally sa labas ng ABS-CBN para wag ipasara, kadalasan nito mga empleyadong maaaring mawalan ng trabaho. Habang nakikita ko sila doon, sumasakit ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano pakalmahin ang mga puso ng bawat isa sa kanila, hindi ko alam kung iisa-isa ko ba silang kausapin dahil sa sobrang dami nila. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang mag post sa social media accounts ko, di bale nang marami'ng nagbabash sa akin. Wala na ako'ng pakialam doon.Ilang araw na rin ang lumipas nang ipinatigil ng management ang pagpapapasok ng audience sa studio. Ang hirap pala talagang magpatawa na wala kang nakikitang mga tao na totoong tumatawa sayo. Ang hirap ng hindi mo nararamdaman ang presensya ng mga audience mo dahil buong buhay ko, nagtatrabaho ako sa harapan ng napakaraming tao, tapos ngayon biglang, wala. At dahil ito sa Pandemic.
Gumising ako ngayon at narinig ko na naman ang balita tungkol sa Enhanced Community Quarantine.
Biglang nag chat si Direk Bobet sa amin sa Viber na dapat daw kami tumigil na muna sa pagpupunta sa studio. Ngayon nalang daw ang huling araw ng live show namin dahil kailangan namin sumunod sa health protocol. Unti-unti na naman daw kasi'ng tumaas ang mga COVID cases sa bansa, lalo na dito sa Manila.
Pumasok kami ni Ion sa ABS-CBN kasama ang mga bakla.
Noong nakapasok na kami sa dressing room ko. "Babe?" Sabi niya habang tinitignan ako sa mat ana parang binabasa niya ang kung ano man ang nasa isip ko dahil kanina pa ako'ng tahimik simula nung narinig ko ang balita tungkol sa Community Quarantine. Tumingin ako sa kanya at sabi niya "I love you."
Niyakap ko siya at hindi ko na inisip na may mga bakla na kasama namin. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya dahil wala pa naman ako'ng masyadong make up kaya alam ko'ng hindi pa yun didikit sa suot niya. "I love you." Sabi ko at huminga ako ng malalim bago kumalas sa yakapan namin.
"Kaya ko 'to." Mahinang saad ko.
"Yes, kaya mo 'to." Sabi niya naman. "Mag handa ka na Babe." Sabi niya at tinawag niya si Buern. "Kuya Buern." Sabi niya kaya nagmake up na rin ako habang inayos ni Buern ang buhok ko.
"Viceral, maghanda ka ng closing prayer natin mamaya. Bago tayo magpaalam sa Madlang People, magdadasal muna tayo on-air." Sabi ni Direk sa akin habang nagco-commercial break.
"Totoo na ba 'to Direk?" alalang tanong ko sa kanya.
"Alam ko'ng naaapektohan kayo dito. Pero kailangan natin gawin to. Kailangan natin sumunod kasi baka paginitan din tayo lalo." Sabi niya kaya tumango nalang ako. "Magkikita pa tayo Viceral. Wag kang magalala." Sabi niya sa akin habang hinagod ang likod.
Noong natapos na ang dasal at nagpaalam na kami sa mga madang people, nagsimula na ako'ng mag isip kung ano ang gagawin ko sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Isa-isang nagpaalam ang mga host sa amin ni Ion at lahat ng mga nasalubong naming staff sa corridor ay nagpapaalam na din.
Pagdating namin ni Ion sa bahay, umupo ako sa sofa ng sala ko at natulala.
So, ano na?
Tanong ko sa sarili. Saan na ba 'to patungo? Wala ako'ng rason para matulog at gumising ng maaga?
Umupo si Ion sa tabi ko na may dalang watermelon shake.
"Gusto mo?" Tanong niya habang inalok ito.
"Kailangan ko 'to." Sabi ko at inabot ko, ngunit inatras niya ito.
"kuha ka doon oh. Meron pa naman daw sabi ni Jackie." Sabi niya habang ininom niya ito.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...