Pagkatapos ng show, palakad na ako ng dressing room ko at nasa likod ko si Ion.
Bigla ako'ng binangga ni Jhong kasama si Vhong sabay sabi "Ano kaya yung singsing, Vhong? Andami ko'ng nababasa sa Twitter na mga haka-haka!" sabi niya. Ang bunganga talaga nito'ng si Jhong!
"Oo nga eh! Tanungin na ba natin?" Sabi ni Vhong habang nagtatawanan silang dalawa.
"Hoy! Mga walang hiya! Ano na naman ba yang mga sinasabi ninyo?! Ako ba pinagusapa ninyo?!" Sigaw ko tumitingin ng masama sa kanilang dalawa.
"Oh bakit? Ikaw lang ba may singsing?" Sabi ni Jhong habang tawa ng tawa.
"Kaya nga! Napaka feeling naman nito!" dagdag naman ni Vhong. "Ay! Tawang tawa si Ion, Brad oh!" Sabi niya habang tinuturo si Ion sa likod ko.
Tinignan ko rin siya ng masama pero sa halip na tumigil siya at hinawakan niya ang beywang ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Ayyyeee gusto'ng gusto niya yan!" Sabi ni Jhong.
Inirapan ko si Ion at siniko ang tagiliran niya.
"Che! Pasok na kami, mga damuho!" Sabi ko at hinila ko si Ion papasok sa dressing room ko at naririnig ko parin silang nagtatawanan sa labas.
"Meeting muna tayo sa taas!!" narinig ko'ng sabi ni Direk bago ko tuluyang maisara ang pinto.
Tumingin ako kay Ion dahil nagtataka ako kung bakit kaya at nakita ko'ng siya din mismo hindi alam kung bakit.
Bago kami umakyat sa office ni Drek, nagpapabili muna ako ng pagkain kay Erna dahil nagugutom ako.
Pag dating namin sa taas, nagttinginan kami lahat dahil hindi namin alam kung ano kaya ang paguusapan namin doon.
"Upo muna kayo." Sabi niya sa amin kaya agad naman kami sumunod.
Naku, pinaupo kami, mukhang mahaba-habang usapan 'to, nagugutom pa naman ako.
"may dalawang masamang balita ako sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko'ng unahin." Sabi niya habang hinahawakan niya ang ulo niya. Naramdaman ko ang stress ni Direk pero hindi ko alam kung bakit.
"Nanganganib na ang estasyon natin. Hindi natin alam kung saan patungo ito in 8 weeks. Nalulungkot ako dahil ang dami'ng mawawalan ng trabaho. Ang daming mahihirapan sa mga empleyado at parang dinodurog ang puso ko dahil dito. Ano kaya ang pwede nating gawin dito?" Tanong si Direk sa amin.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot.
"At saka, magco-cost cutting na tayo simula ngayon samantalang wala pang hatol sa congreso." Sabi niya. "alam ko Viceral na may magandang balita kayo, pero kung okay lang, pause muna tayo diyan. Hindi na muna tayo magsaya ng sobra-sobra dahil baka akala nila na masayang masaya tayo sa mga nangyayare." Dagdag niya pa.
Nagsitinginan ang mga kasama namin sa akin. May ibang hindi alam at may ibang nakakaalam na.
Yumuko nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kaninang umaga lang, masaya ako eh, masaya kami ni Ion. Hinawakan ko ang kamay ni Ion na nasa likod ko at nilagay ko sa balikat ko. Kailangan ko'ng maramdaman na nandito siya sa tabi ko dahil baka sasabog ako.
Maya-maya ay lumabas kami si opisina ni Direk ng walang imikan, ni hindi kami makatingin sa isa't-isa. Hinawakan lang ni Ion ang kamay ko at hinahaplos-halpos ito ng hinlalaki niya.
Pagpasok nami'ng dalawa sa dressing room ko, may pagkain na ngunit wala ang mga bakla at sa isang iglap, sa pagsara ni Ion ng pinto, agad ako'ng yumakap sa kanya at doon na sumabog ang damdamin ko. umiiyak na ako sa balikat niya dahil hindi ko na kaya.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...