Chapter 16

857 20 3
                                    



ION'S POINT OF VIEW

Ilang mga araw ang nakalipas at naging maganda naman ang takbo ng Showtime. May mga bagong segments at may Tawag ng Tanghalan parin naman. Alam namin na nangangarag parin ang network pero hindi na namin masyadong binabasa ang mga sinasabi ng mga tao sa Social Media. Ang tanging ginagawa nalang namin ay sinusuportaan ito sa kung ano ang kaya at pwede naming gawin. Ginawa namin ang lahat, sa pag post sa social media, para tulungan kami ng mga tao na suportaan ang ABS-CBN. Alam naman namin na ang mga Congressmen lang naman ang may kakayahang mag desisyon tungkol dito, ngunit nagbabakasakali parin kami na sana, marinig din nila ang mga hinaing nami'ng mga manggagawa sa ABS-CBN.

Ngunit, mga mahigit isa'ng oras ang nakalipas, pagkatapos ng Showtime, lumabas kami't nagbabakasakaling marinig nila ang mga saloobin namin at makumbinse sila'ng wag nang ipasara ang Network. Ngunit biglang may reporter na lumapit sa kay Vice at sinasabing bumoto na daw ang mga congressmen at mas marami daw ang bumoto'ng ipapasara daw ang Network.

Ngayon ko lang siya'ng nakitang natulala sa harap ng kamera dahil sa ibinalita ng reporter na sanya.

Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin dahil alam ko'ng kailangan na kailangan niya 'yon ngunit hindi ko magawa dahil naka live sila.

Napansin ko'ng nanginginig siya habang nagsasalita at ang hirap para sa akin dahil wala akong magawa.

Ilang araw na siyang nag-aalala sa kung ano ang magiging resulta nito at palagi ko siyang inaalalayan dahil alam ko'ng mas kailangan niya ako sa mga panahon na ito.

Palagi niyang sinasabi na sobrang mahal na mahal niya ang trabaho niya, ang network, ang mga tao sa loob nito at ang mga nagmamahal din dito. Dito siya lumaki, dito siya umangat at dito din ang tahanan niya ng mahigit sampung taon kaya sobrang mahal niya ito.

Naaawa ako sa kanya ngunit hindi ko siya malapitan dahil baka ano ang sabihin ng mga tao, na kahit nagkakaganito na ang network, naghaharutan parin kami. Alam ko naman may mga matatabil na dila parin sa paligid at ayaw ko nang dagdagan pa ang iisipin ng mahal ko kaya ako nalang muna ang dumistansya sa kanya.

Pagkatapos ng interview, umuwi na kami ng bahay. Matamlay parin si Tutuy at sobrang naaawa na ako sa kanya.

Pagpasok naming dalawa sa kwarto, hinawakan ko ang kamay niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Babe." Sabi ko at sinubsob niya ang mukha sa leeg ko. Hindi siya nagsasalita pero umiiyak na siya.

"Shh." Pagpapatahan ko sa kanya.

"Babe, ano'ng nangyayare?" Tanong niya sa akin. "Bakit ganun? Bakit ang dali-dali para sa kanila'ng tanggalan ng prankisa ang ABS-CBN? Bakit ang dali nilang kuhanan ng trabaho ang mga manggagawa sa ABS-CBN?" Tanong niya habang humihikbi sa balikat ko. "Bakit?" Tanong niya ulit.

"Babe. Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga utak nila, pero isa lang ang alam ko, hindi sila katulad mo'ng may puso. Nakakalungkot dahil marami ang nawalan ng trabaho at mas nakakalungkot dahil wala silang puso sa kapwa Pilipino." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya. "Babe, makinig ka." Sabi ko habang hinahawakan ang magkabilang pisngi niya at tinitignan ko siya sa mata. "Ito'ng lahat ng ito ay lilipas din. Alam ko darating ang araw na makakabangon tayo. Hindi pa man sa ngayon, pero babangon tayo. Siguro pinagpahinga lang muna tayo ng Diyos pero pagkatapos nito, may magandang mangyayare. Please magtiwala ka lang sa Panginoon, okay?" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha na tuloy tuloy parin ang pag patak ng luha niya.

Tumango siya bilang sagot.

"Maiintindihan ko kung hindi mo ako kakausapin dahil kailangan mo pang iproseso ang nangyare. Pero tandaan mo'ng nandito lang ako ha? Hindi ako aalis sa tabi mo." Sabi ko sa kanya.

There You'll BeWhere stories live. Discover now